Elisse Joson sa pagbabalikan nila ni McCoy: “Sa family, hindi naman ‘yan basta susukuan lang agad eh. You have to work hard for it”

Ayon kay Elisse sa ngayon ay masaya ang pagsasama nila ni McCoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse Joson ibinahagi ang dahilan ng pagbabalikan nila ni McCoy de Leon. Kuwento ng aktres, masaya ngayon ang pagsasama nilang dalawa. Ang dahilan? Alamin dito.

Mababasa dito ang sumusunod:

Dahilan ng pagbabalikan ni Elisse Joson at McCoy de Leon

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Enero nitong taon ng isapubliko ng aktor na si McCoy de Leon na hiwalay na sila ng aktres na si Elisse Joson. May balitang ang dahilan ng paghihiwalay nila ay third party na hindi naman kinumpirma o pinabulaanan ng dalawa. Matapos ang ilang buwan nagkabalikan rin sina Elisse at McCoy. At sa pinakabago niyang panayam ay ibinahagi ng aktres ang dahilan ng reconciliation nila ng aktor.

Ayon kay Elisse, ang anak nila ni McCoy na si Felize ang naging instrumento sa pagbabalikan nilang dalawa. Ito daw ang nagbibigay sa kanila ng motibasyon na huwag sumuko sa mga pagsubok na hinaharap ng kanilang pamilya.

“Kapag tinitignan namin si Felize, parang sabi namin, ‘Grabe, mag-aaway pa ba tayo? Tignan mo naman oh, ang blessed-blessed natin sa batang ito.”

“Sa family, hindi naman ‘yan basta susukuan lang agad eh. You have to work hard for it, and kahit anong mangyari, gagawin mo ang lahat talaga para magsama-sama kayo, maayos.”

Ito ang sabi ni Elisse sa isang panayam.

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Estado ng relasyon nila Elisse at McCoy

Pagdating sa estado ng relasyon nila ni McCoy sa ngayon, ayon kay Elisse ay masaya silang dalawa. Sabi pa nga ng aktres, alam niyang marami pang pagsubok ang darating sa relasyon nila. Pero handa sila ni McCoy na harapin ito para sa anak na si Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’re happy. I think in any kind of relationship, you’re gonna have to stumble on a few roadblocks. And marami pang dadating na mas mahirap sa’min. So, I think we’re happy.”

Ito ang sabi pa ni Elisse.

Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement