Elisse Joson thanks mother for being at her side all throughout her pregnancy.
Mababasa sa artikulong ito:
- Elisse Joson message to her mother.
- Elisse message to McCoy de Leon.
Mula ng i-reveal ng dating PBB housemates na sina Elisse Joson at McCoy de Leon na sila ay may anak ay hindi na tinantanan ng mga netizens ang mga happenings sa buhay nila.
Ito ay dahil una ay maraming aliw na aliw sa cute nilang baby na si Felize. At pangalawa, dahil marami ang humahanga sa pagiging totoo at puro ng pagmamahal nila sa isa’t isa.
Sa mga recent post nga ni Elisse at McCoy ay mababasa ang palitan nila ng mensahe para sa isa’t isa.
Mensahe ni Elisse para kay McCoy
Image screenshot from Elisse Joson’s Instagram account
Sa kaniyang Instagram post kahapon ay may open letter na dinedicate sila Elisse para kay McCoy. Dito ay pinasalamatan niya si McCoy na hindi na lang ngayon mabuting anak at kapatid para sa kaniyang pamilya. Ayon kay Elisse, si McCoy ay isa na ring mabuting partner para sa kaniya at ama sa anak nilang si Elisse.
“You are a good son to Tito Mark and tita sheila.. A good brother to Ian, Marcus, and Shylla.. A good man to me.. and a good daddy to Felize… you’re not perfect but you do everything you can to be the best man for all of us. Thank you for all that you do. Thank you for being you.”
Siyempre ay hindi rin nalimutan ni Elisse na isigaw sa buong mundo kung gaano niya kamahal si McCoy. Pati na ang kasiguraduhan na maraming mabubuting katangian na makukuha mula sa kaniya ang anak nilang si Felize.
“I love you, mahal ko. We love you. I know that Felize will take on a lot of good qualities from you as she grows. (Not just your good genes..naks) ❤️”
Ito ang mensahe ni Elisse para sa partner na si McCoy.
View this post on Instagram
Mensahe ni Elisse sa mga taong gumabay sa kaniya habang nagdadalang-tao siya kay Felize
Image screenshot from Elisse Joson’s Instagram account
Maliban kay McCoy ay hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Elisse ang mga taong tumulong at gumabay sa kaniya noong siya ay nagdadalang-tao.
Partikular na dito ang mga taong nanatiling tahimik tungkol sa kaniyang pagbubuntis. At ang mga kapamilya niyang binigyan siya at kaniyang ina ng matutuluyan sa ibang bansa habang nagdadalang-tao sa anak na si Felize.
“I wanna take this time to thank the people who shared this journey with me. The people who kept this news hush until it was time.
The people who lifted my spirits up virtually cause they’re too far away. Also the people who welcomed my mom and I to their home because we needed a place to stay while we were away from our own home. The people who listened, smiled with me, cried with me.. thank you for being there.”
Ito ang bahagi ng mensahe ni Elisse bilang pasasalamat sa mga taong sinamahan siya sa kaniyang pagdadalang-tao.
BASAHIN:
McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”
Elisse Joson on pregnancy: “Hindi ko mapakita ‘yong excitement ko because I’m also scared”
LOOK: Elisse Joson at McCoy De Leon ipinakilala na sa publiko ang kanilang Baby Felize
Elisse Joson message to her mother
Image screenshot from Elisse Joson’s Instagram account
Sa kaniyang bagong role bilang ina ay hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Elisse ang kaniyang Mommy Barbie o si Christine Joson-Diuco na isang anesthesiologist. Ito ay dahil hindi ito umalis sa tabi niya at inalagaan siya nito sa kaniyang buong pagbubuntis.
“To my mom,
I will always tell everyone how you were there through it all. Thank you for taking care of me throughout my pregnancy, thank you for telling me stories of being a mom. Thank you for cooking for me when I ate for two, thank you for the massages when my back and feet couldn’t take it anymore, thank you for doing late night shifts with me when I needed the rest.”
Pinasalamatan din ni Elisse ang mga wisdom na itinuturo nito sa kaniya. At higit sa lahat ang mga aral at ipinapakita nito sa kung paano minamahal at inaalagaan ng isang ina ang kaniyang anak. Isang bagay na ayon kay Elisse ay ituturo niya rin sa anak na si Felize paglaki nito.
“And thank you for showing me how a mom should love and care for her child. Everything I learned from you, I will teach Felize. Thank you mom for everything. We love you.”
Ito ang sabi pa ni Elisse.
Ang mensahe na ito ni Elisse ay may kalakip na maikling video na kung saan makikita ang ilang tagpo sa kaniyang pagdadalang-tao.
Doon ay makikita kung paano naging masaya at emosyonal ang pagbubuntis ni Elisse. At kung paano nanatili sa kaniyang tabi ang kaniyang ina sa bawat minuto o milestones ng buhay niya bilang isa na ring ina.
View this post on Instagram
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!