X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Elisse Joson, ibinahagi ang naging reaction ng kaniyang ina nang malaman na buntis siya

4 min read

Mother ni Elisse Joson, ito daw ang naging reaksyon ng malaman na buntis siya noon kay baby Felize.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Elisse Joson shares how her mother reacted to her pregnancy.
  • Pagbabago sa buhay ni McCoy de Leon at Elisse Joson ngayong sila ay mga magulang na.

Elisse Joson nag-kuwento tungkol sa kaniyang naging pagbubuntis kay baby Felize

elisse joson

Image screenshot from Elisse Joson’s Instagram account

Sa pinakabagong panayam kay Elisse Joson ay ibinahagi ng aktres kung ano ang naging reaksyon niya ng malaman noon na siya ay buntis.

Kuwento niya sa programang “Magandang Buhay” sa ABS-CBN, noong una ay nagulat siya at hindi makapaniwala. Maraming beses nga daw siyang sumubok mag-pregnancy test at puro positive result lang ang nakukuha niya.

Pero noong nagpa-ultrasound na siya doon lang siya nakumbinsi na buntis siya at magkakababy na talaga. Ito naman daw ay labis na ikinasaya ng aktres dahil pangarap niya ang maging isang ina. Bagamat pag-amin niya ay hindi niya inakalang ito ay mapapaaga.

Pagbabahagi ni Elisse,

“Happy kilig kasi noong nalaman ko hindi ako natakot, hindi nagdalawang-isip.”

“Pangarap ko actually dati kasi iniisip ko in the far future pa. Pangarap ko talaga parang, dream ko, goal ko to become a mom. So noong nalaman ko ‘yon natuwa po ako.”

Kuwento pa niya, 3 months niya ng ipinagbubuntis si Felize ng makumpirma niya ito. Sapagkat hindi regular ang regla niya hindi niya umano agad napansin ang pagbabago sa kaniyang katawan. Maliban na lang umano sa madalas niyang pag-ihi at puson na tila malaki na sintomas na pala noon na buntis siya.

Pero kahit buntis na ay hindi parin kumbinsido noon si Elisse. Sapagkat hindi umano siya nito pinahirapan sa pagbubuntis. Kahit nga umano sa kaniyang panganganak dito ay hindi siya nakaramdam ng sakit. Naramdaman niya na lang na siya’y ganap na ngang isang ina ng makita niya sa unang beses si Felize.

Pahayag ni Elisse,

“Paglabas niya nagulat ako, noong nilagay na siya sa dibdib ko doon ako naiyak. Doon ko naramdaman na nanay na ako.”

Elisse Joson shares how her mother reacted to her pregnancy

elisse joson mother

Image screenshot from Elisse Joson’s Instagram account

Maliban siyempre sa partner na si McCoy na ama ng kaniyang anak, ang isa pa sa unang pinagsabihan ni Elisse sa kaniyang pagbubuntis ay ang kaniyang inang si Mommy Barbie.

Kuwento ni Elisse tulad ng inaasahan ay nagulat at nagalit ito ng malamang buntis siya. Naintindihan naman umano ni Elisse kung bakit ganito ang naging reaksyon ng ina.

Pero hindi naman umano nagtagal ang galit nito. Sa katunayan, siya ang nag-alaga sa kaniya noong nagbubuntis siya at nasa ibang bansa.

Pagkukuwento pa ni Elisse,

“Kaya sobrang thankful ako kay Mommy. Kaya mas lalo ko siyang na-appreciate. ‘Yong ginawa niya sinet aside niya ‘yong feelings niya na maraming tanong, ‘yong gulat niya ‘yong galit niya para mapakita niya ‘yong love niya and care for me.”

Dagdag pa ni Elisse, ang pagiging honest at open niya sa ina ay isa umano sa natutunan niyang dapat gawin matapos ang mga naging pagkakamali niya. Kahit nga umano pati ang pagbabalikan nila noon ni McCoy ay agad niya ring ipinaalam sa ina.

“Noong naging kami pinaalam ko na po. Kasi nga po ‘yon ‘yong mistake namin before ayaw na naming ulitin ulit. Sabi namin kahit ano pang maging reaction niya sasabihin namin.”

BASAHIN:

Elisse Joson: “Since nobody knew about it, naging peaceful ang pregnancy journey ko”

Elisse Joson to mom: “Thank you for showing me how a mom should love and care for her child”

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

McCoy de Leon bilang isang ama

elisse joson

Image screenshot from Elisse Joson’s Instagram account

Samantala, dahil sa malayo si Elisse at nasa ibang bansa noong nagbubuntis, ay pinangako umano ni McCoy na babawi siya dito kapag nakabalik na ito ng Pilipinas.

“Babawi ako pagkauwi niya dito. Lahat ng pag-aalaga na hindi ko naibigay sa kaniya noong nagbubuntis siya, ibubuhos ko kapag nandito na siya.”

Ito ang sabi pa ni McCoy. Ngayon, ito umano ay naipapakita ng aktor kay Elisse sa pamamagitan ng pagiging punong-abala sa pag-aalaga kay Felize tuwing nagigising ito ng madaling-araw.

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

Pagbabahagi pa ni Elisse ay may naging malaking pagbabago raw kay McCoy ng ito ay maging isang ama na. Ang pasensya umano nito ay mas naging mahaba hindi lang para kay Elisse kung hindi para na rin sa anak nilang si Felize.

“Kay McCoy napansin ko mas naging patient siya. Kasi ngayon hindi lang siya sakin magiging patient pati sa baby namin dapat doble ang pasensya. Sobrang patient niya saming dalawa. Tapos sakin mas naging understanding siya.”

Source:

Magandang Buhay – YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Elisse Joson, ibinahagi ang naging reaction ng kaniyang ina nang malaman na buntis siya
Share:
  • Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

    Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

  • Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

    Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

  • Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

    Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

  • Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

    Leila Alcasid sa reaskyon ng amang si Ogie Alcasid ng malamang nakikipaglive-in na siya sa boyfriend niya: “He respects my decision, my autonomy as a person, as an adult.”

  • Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

    Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

  • Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

    Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko