Elisse Joson, ibinahagi ang naging reaction ng kaniyang ina nang malaman na buntis siya

McCoy mas naging pasensyoso at understanding ng maging isang ama na ayon kay Elisse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mother ni Elisse Joson, ito daw ang naging reaksyon ng malaman na buntis siya noon kay baby Felize.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Elisse Joson shares how her mother reacted to her pregnancy.
  • Pagbabago sa buhay ni McCoy de Leon at Elisse Joson ngayong sila ay mga magulang na.

Elisse Joson nag-kuwento tungkol sa kaniyang naging pagbubuntis kay baby Felize

Image screenshot from Elisse Joson's Instagram account

Sa pinakabagong panayam kay Elisse Joson ay ibinahagi ng aktres kung ano ang naging reaksyon niya ng malaman noon na siya ay buntis.

Kuwento niya sa programang “Magandang Buhay” sa ABS-CBN, noong una ay nagulat siya at hindi makapaniwala. Maraming beses nga daw siyang sumubok mag-pregnancy test at puro positive result lang ang nakukuha niya.

Pero noong nagpa-ultrasound na siya doon lang siya nakumbinsi na buntis siya at magkakababy na talaga. Ito naman daw ay labis na ikinasaya ng aktres dahil pangarap niya ang maging isang ina. Bagamat pag-amin niya ay hindi niya inakalang ito ay mapapaaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi ni Elisse,

“Happy kilig kasi noong nalaman ko hindi ako natakot, hindi nagdalawang-isip.”

“Pangarap ko actually dati kasi iniisip ko in the far future pa. Pangarap ko talaga parang, dream ko, goal ko to become a mom. So noong nalaman ko 'yon natuwa po ako.”

Kuwento pa niya, 3 months niya ng ipinagbubuntis si Felize ng makumpirma niya ito. Sapagkat hindi regular ang regla niya hindi niya umano agad napansin ang pagbabago sa kaniyang katawan. Maliban na lang umano sa madalas niyang pag-ihi at puson na tila malaki na sintomas na pala noon na buntis siya.

Pero kahit buntis na ay hindi parin kumbinsido noon si Elisse. Sapagkat hindi umano siya nito pinahirapan sa pagbubuntis. Kahit nga umano sa kaniyang panganganak dito ay hindi siya nakaramdam ng sakit. Naramdaman niya na lang na siya'y ganap na ngang isang ina ng makita niya sa unang beses si Felize.

Pahayag ni Elisse,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Paglabas niya nagulat ako, noong nilagay na siya sa dibdib ko doon ako naiyak. Doon ko naramdaman na nanay na ako.”

Elisse Joson shares how her mother reacted to her pregnancy

Image screenshot from Elisse Joson's Instagram account

Maliban siyempre sa partner na si McCoy na ama ng kaniyang anak, ang isa pa sa unang pinagsabihan ni Elisse sa kaniyang pagbubuntis ay ang kaniyang inang si Mommy Barbie.

Kuwento ni Elisse tulad ng inaasahan ay nagulat at nagalit ito ng malamang buntis siya. Naintindihan naman umano ni Elisse kung bakit ganito ang naging reaksyon ng ina.

Pero hindi naman umano nagtagal ang galit nito. Sa katunayan, siya ang nag-alaga sa kaniya noong nagbubuntis siya at nasa ibang bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkukuwento pa ni Elisse,

“Kaya sobrang thankful ako kay Mommy. Kaya mas lalo ko siyang na-appreciate. 'Yong ginawa niya sinet aside niya 'yong feelings niya na maraming tanong, 'yong gulat niya 'yong galit niya para mapakita niya 'yong love niya and care for me.”

Dagdag pa ni Elisse, ang pagiging honest at open niya sa ina ay isa umano sa natutunan niyang dapat gawin matapos ang mga naging pagkakamali niya. Kahit nga umano pati ang pagbabalikan nila noon ni McCoy ay agad niya ring ipinaalam sa ina.

“Noong naging kami pinaalam ko na po. Kasi nga po 'yon 'yong mistake namin before ayaw na naming ulitin ulit. Sabi namin kahit ano pang maging reaction niya sasabihin namin."

BASAHIN:

Elisse Joson: “Since nobody knew about it, naging peaceful ang pregnancy journey ko”

Elisse Joson to mom: “Thank you for showing me how a mom should love and care for her child”

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

McCoy de Leon bilang isang ama

Image screenshot from Elisse Joson's Instagram account

Samantala, dahil sa malayo si Elisse at nasa ibang bansa noong nagbubuntis, ay pinangako umano ni McCoy na babawi siya dito kapag nakabalik na ito ng Pilipinas.

“Babawi ako pagkauwi niya dito. Lahat ng pag-aalaga na hindi ko naibigay sa kaniya noong nagbubuntis siya, ibubuhos ko kapag nandito na siya.”

Ito ang sabi pa ni McCoy. Ngayon, ito umano ay naipapakita ng aktor kay Elisse sa pamamagitan ng pagiging punong-abala sa pag-aalaga kay Felize tuwing nagigising ito ng madaling-araw.

Pagbabahagi pa ni Elisse ay may naging malaking pagbabago raw kay McCoy ng ito ay maging isang ama na. Ang pasensya umano nito ay mas naging mahaba hindi lang para kay Elisse kung hindi para na rin sa anak nilang si Felize.

“Kay McCoy napansin ko mas naging patient siya. Kasi ngayon hindi lang siya sakin magiging patient pati sa baby namin dapat doble ang pasensya. Sobrang patient niya saming dalawa. Tapos sakin mas naging understanding siya.”

Source:

Magandang Buhay - YouTube

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement