Elisse Joson: "Since nobody knew about it, naging peaceful ang pregnancy journey ko"

Ibinahagi ni Elisse Joson ang kaniyang pinagdaanan sa kaniyang pregnancy sa kanilang baby girl ni McCoy na si Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lamang ng ipakilala sa mundo ng dating PBB Housemates na si Elisse Joson at Mccoy de Leon ang kanilang baby girl na si Felize Mckenzie. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Elisse Joson pregnancy journey
  • Mga pagbabagong naganap sa buhay ni Elisse Joson ng magkaanak siya.
  • Ano ang meaning ng pangalan ni baby Felize McKenzie
  • Mensahe ni Elisse sa kaniyag anak at kay Mccoy. 

Proud na ibinahagi ng dalawang magkasintahan na sila ay parents na, nang sila ay maging guest sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 at kuning ninong si Kuya. 

Maraming fans ang nagulat at natuwa para sa dalawa. 

Elisse Joson, naging peaceful ang pagbubuntis dahil sa pananatiling pribado nito. 

Sa isang panayam ng Star Magic kay Elisse Joson, ibinahagi niya ang kaniyang mga naging karanasan sa kaniyang pagbubuntis. 

Ayon kay Elisse magkahalong takot at excitement ang kaniyang naramdaman nang malaman niyang siya ay buntis. Maraming tanong ang pumasok sa kaniyang isipan, isa na lamang dito ay kung kaya ba niyang panindigan ang pagiging ina. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ng aktres,

“First time ko pong nalaman naramdaman ko talaga is takot and excitement at the same time. How would you start a family? How would I become a mom? Parang hindi ko alam, hindi ko alam kung paano maging nanay.”

Dagdag pa ni Elisse, matagal na raw niyang pinapangarap na maging isang mommy. 

“Not everybody knows pero pangarap ko po talaga is to become a mom. I mean hindi naman ngayon, in the future ‘yon ‘yong prang end goal ko talaga is to become a mom, start a family, natuwa rin po ako, ’cause it is my dream in the future, pero ngayon siya nangyari.” masaya niyang sambit. 

Ang unang nakaalam ng pregnancy ni Elisse ay ang kasintahan niyang si Mccoy de Leon. Una niya umanong tinawagan ito, dahil noong panahong nalaman niya ay lockdown kaya hindi sila magkasama. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse Joson pregnancy journey. | Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Natuwa naman si Elisse sa naging reaksyon ni Mccoy nang malamang siya ay buntis.

“So tinawagan ko siya, binalita ko na we’re having a baby. And then reply naman niya, narinig ko sa kaniya iyong masaya. HIndi ko narinig iyong galit or takot or kaba or malungkot. Iyong response niya sa ‘kin is masaya siya, kaya hearing that from your partner, nakabawas iyon ng worries ko nakabawas iyon ng takot ko.”

Ikinuwento pa ni Elisse noong unang beses silang nagkita ni Mccoy. Pinakinggan umano ni Mccoy agad ang tiyan ni Elisse.

“Sabi ko wala ka pang maririnig diyan pero ang ginawa nga niya, dinikit niya iyong tenga niya sa tiyan ko. And then kinausap niyo iyong baby.”

At dahil nanatiling pribado ang pregnancy journey ni Elisse mas naging payapa umano ito para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil malayo ang kasintahang si Mccoy ang mommy ni Elisse ang naging katuwang niya sa lahat ng bagay habang siya ay nagbubuntis. Malaking bagay din daw na doctor ang kaniyang mommy dahil napapanatag siya dahil alam niyang may nakakaalam sa nangyayari.

BASAHIN:

McCoy de Leon ng malamang buntis si Elisse: “Buong-buong sa isip ko na gusto kong makita, gusto kong buhayin.”

Elisse Joson to mom: “Thank you for showing me how a mom should love and care for her child”

LOOK: Anak ni Elisse Joson, nakilala ang kaniyang mga celebrity Titas

Larawan mula sa Instagram account ni McCoy de Leon

Pahayag pa ni Elisse, habang pinagbubuntis niya si Felize ay wala siyang specific na pagkaing hinahanap. Madalas din umano siyang maglakad-lakad, dahil nakakatulong ito sa baby.

Sa kabila ng pagbubuntis, naisingit pa ni Elisse ang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“That time nagka-class pa ako. Nag-o-online class ako, I took up Psychology so while I was pregnant naisabay ko siya with my studies.”

Elisse Joson, hindi nahirapan sa kaniyang pagbubuntis

Ayon kay Elisse, masuwerte siya dahil hindi siya nahirapang ipagbunts si baby Felize. Lahat ng bagay nagagawa niya tulad ng pagluluto at pagbabasa ng libro.

“It was actually a pretty calm day for me, ‘pag gising ko, nag-break iyong water ko and hindi ko pa alam kung iyon na ba iyon. Tapos tumawag kami sa doktor ko sabi nila,’ Okay do you feel anything? Are you in pain?”

Dahil hindi naman nakakaramdam ng kahit anong pain ay hindi muna nagstay sa ospital si Elisse. Nagawa niya pang mag-grocery at bumili ng bulaklak bago siya tuluyang mag labor.

“Mabilis din lumabas si Felize, hindi rin ako nahirapan. Hindi lang ako marunong umire, nagulat na lang ako sabi nila iyong head daw ng baby palabas na. And then next thing I know nasa chest ko na siya.” wika pa niya.

Elisse Joson pregnancy journey. | Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Naging emosyonal din ang aktress ng unang mabuhat ang kaniyang baby Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Totoo iyong sinabi nila na maiiyak ka alaga once you held your baby for the very first time.”

Hindi man niya nakasama si Mccoy sa personal habang siya ay nanganganak. Present naman ito at nakasubaybay sa isang computer screen.

Ano nga ba ang kahulugan ng pangalang Felize Mckenzie?

Pinaliwanag ni Elisse Joson ang name ng kaniyang baby girl

“Iyong Felize naisip lang siya dahil all through out my pregnancy I prayed to have a happy, healthy baby. Sabi ko iyon lang po talaga ang piangpe-pray ko, sabi ko, gusto ko masiyahin siyang bata. Lagi siyang nakangiti gusto ko happy siya palagi. Naghanap ako ng name that means happy. Naisip ko feliz navidad kasi ‘di ba Spanish.”

Malapit din ang Felize sa pangalan ng kaniyang lola na Felicidad kaya naman, saktong sakto dahil Lola’s girl ang aktres.

At dahil katunog ng Elisse ang Felize, ni-request din umano ni Mccoy na magkaroong ng pangalan ang kanilang baby na malapit sa pangalan niya. At doon napili ang Mckenzie na nangangahulugan din na leader o strength.

Elisse Joson: “Naging aware ako sa surroundings ko, mas naging aware ako sa feelings ng ibang tao”

Elisse Joson pregnancy journey. | Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson

Dahil only child si Elisse nakasanayan na umano niyang sa kaniya umiikot ang mundo, pero nabago ang lahat ng ito ng dumating si Felize sa buhay niya.

“Felize made us stronger,” dagdag pa niya. “Alam naman ng lahat iyong istorya naman bilang magka love team, nagkatulyan, nagbreak, nagkabalikan. And now that we are starting our own family. Parang feeling namin kahit ano pang challenges pa na dumating samin, kakayanin namin.” wika ni Elisse.

Nagpasiya silang ipakilala sa mundo si Felize dahil gustorin nilang mafeel ng ibang tao iyong nararamdaman nilang saya dahil kay Felize.

Ito ang mensahe ni Elisse sa kaniyang baby girl.

“I won’t promise that I will be a perfect mom, I won’t promise you, that won’t get mad at you, I won’t promise you that we will be okay 100% of the time. But what I will promise you is I will always be beside you to support you in whatever you wanna do and be beside you to love you, to care for you, be beside you all the way. Kung ano mang tahakin mo sa buhay mo.”

Narito naman ang mensahe niya sa kasintahan niyang si Mccoy de Leon.

“To my new family with Mccoy, I promise that I will be strong enough to lift our family, always. And I’ll be there, to love you, both of you and hindi magbabago iyon.”

Source:

PEP.ph, Rappler, ABS-CBN

Sinulat ni

Joyce Ann Vitug