Walang atubiling ibinahagi ni Ellen Adarna ang kaniyang opinyon sa mga taong nangangaliwa.
“You deserve what you tolerate.”
Kilala ang aktres at ngayon ay celebrity mom na si Ellen Adarna sa pagiging prangka at straightforward nito. Sa kaniyang Instagram story at Q&A with fans, matapang niyang inihayag ang opinyon sa mga may nangangaliwang partner at binigyan pa ng isa pang pagkakataon.
Sa tanong ng isang fan, “Ano ang gagawin mo kung sakaling malaman mong nagloloko ulit ang partner mo?”
Ang sagot ni Ellen ay, “Oh my God! I pity you, but you deserve what you tolerate.”
Marami ang natuwa sa kaniya dahil sa pagiging prangka nito sa pahayag. Matatandaang ito ay may isang anak sa kilalang aktor na si John Lloyd Cruz ngunit sila ay agad na naghiwalay rin.
Paglilinaw ng aktres, walang katotohanan ang lahat ng usap-usapan na kaya hindi sila magkasama ay nangaliwa ang aktor.
“Just to clear everything. Nope. Dili cya. Dili cya ang ni ghost and dili cya ang ni cheat. Kuyaw naman kaayos remix and feelings ning mga tao kung unsaunsa na lang mga pangstorya. Leave him alone kay dili dyd cya,”
(“Just to clear everything. Nope. Hindi siya. Hindi siya ang nag-ghost at hindi siya ang nag-cheat. Nakakagulat na lang talaga ‘tong remix and feelings ng mga tao kung anu-ano na lang pinagsasabi. Leave him alone dahil hindi talaga siya.)
Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan ang hiwalayan ng dalawang panig.
Matagal na rin na hindi nakikita sa telebisyon ang aktres. Ayon sa interview nito dati, wala pa siyang planong bumalik ulit sa showbiz dahil gusto niyang makasama sa unang mga taon ang kaniyang panganay na anak. “I’m a very hands-on mom.” ito ang paglalarawan niya sa kaniyang sarili.
Ang iba pang uri ng pangangaliwa
Ang cheating ay ang hindi pagiging tapat sa iyong moral na responsibilidad. Ito’y ang hindi mo pagtupad sa iyong sinumpaang pangako. Sa madaling salita, ito ay ang pangloloko sa iyong asawa. Nasa konsepto na ng mga tao na ang pagtataksil o cheating ay kapag nakipagtalik ang iyong asawa sa iba.
Ngunit dito tayo nagkakamali, dahil hindi lang ito ang paraan ng panloloko.
1. Object Affairs: Ito ay kapag may iba na siyang priority
Ayon sa isang mommy na si May Palacpac, kapag masyado nang naaapektuhan ang isip at emosyon ng asawa mo kakaisip sa isang tao o bagay, ito ay isang senyales na nang pagloloko. Sa dami ng nakakasalamuha natin sa araw-araw, hindi na nakakapagtaka ang ganitong klase ng pagtataksil. Ang object affair ay nangyayari kapag masyado nang nakapocus ang asawa mo sa ibang bagay. Mas pinaglalaanan na niya ito ng oras at effort kaysa sa inyong relasyon. Maaaring ito ay ang kaniyang trabaho, social media o cellphone.
Kung sa umaga ay makikita mo ang sarili mong nagse-cellphone, nagba-browse sa social media habang nasa hapag kainan o nagla-like at comment sa mga post ng iba sa social media bago matulog, dapat mong malaman na lahat ng ito ay senyales ng pagloloko. Kung makikita mo, ang object affair ay maaaring hindi makakasama sa inyong relasyon. Ngunit ito ay makakapagdala sa ‘yo sa pagkawala mo ng atensiyon, komunikasyon at pagiging malapit ng inyong relasyon. Ang mga negatibong bagay na ito ay dahil sa pagkahumaling sa isang bagay at nagiging distracted ka na dahil rito.
2. Financial infidelity: Kapag ang pera ay pumapagitna na sa inyong relasyon
Hindi na bago sa isang relasyon na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil sa pera. Ang financial infidelity ay isang uri rin ng pagloloko.
May isang blogger mommy ang nakaranas ng ganito. Meron daw pagkakataon na nagiging sekreto na sa kanilang dalawa ng asawa niya ang kinikita at ginagastos nila. Ang laging sinasabi nito ay, “pera ko naman ito.” Sa kabutihang palad, naayos naman nilang mag-asawa ang problema tungkol sa usapang pera. Ibinagi niya ang isang advice sa lahat ng mga nakakaranas din ng problema sa pera.
3. Emotional infidelity: When things are too close for comfort
Ang emotional affair ay masasabi na pinakamalala sa lahat. Ito ay dahil emosyon na ng isang tao ang involved.
Sa kaso ng physical affair, ayon kay Marge Aberasturi, maaari talagang makapagtaksil kahit na walang emosyon na nag-uugnay sa kanila. Subalit pagdating sa emotional infidelity, dito na makakaramdam ng kakaibang connection sa isa’t isa gaya ng pag-intindi mo sa isang tao, desire at pakiramdam ng pagmamahal galing dito.
Isa sa mga dahilan kung bakit delikado ang emotional infidelity ay dahil kadalasan itong tinatago. Hindi madaling patunayan na ang asawa mo ay may emotional affair sa ibang tao. Sa katunayan, hindi rin agad ito nalalaman ng isang asawa hanggang sa matuklasan ito. Nagsisimulang hindi maging tapat ang isang asawa kapag lumalalim na ang ugnayan niya sa ibang tao. Kalaunan, ito ay magdedesisyon na iwan ang kaniyang pamilya at tuluyang umamin sa kanyang pagtataksil.
Aakalain mong isang malapit na kaibigan lamang ang kaniyang kinikita, ngunit may mas malalim pa pala silang ugnayan na maaaring magresulta sa paghihiwalayan.
Ang mga uri ng cheating na ito ay makakasira sa inyong pagsasama. Hindi lang pakikipagtalik sa ibang babae ang puwedeng maging sanhi. Sa lahat ng mag-asawa, kung ito ay ginagawa niyo at iniisip na hindi maaapektuhan ang iyong pamilya, nagkakamali ka dahil ito ay maaaring magresulta sa inyong paghihiwalayan.
Source:
BASAHIN:
Alamin dito ang 3 uri ng pangangaliwa na walang kinalaman sa sex
Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon