Ellen Adarna kay Derek Ramsay sa 2nd wedding anniversary nila: “happy anniversary my forever GOR!”

Matatandaang sa first wedding anniversary ni Ellen at Derek ay nagpakasal ulit sila sa bansang Peru.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ellen Adarna and Derek Ramsay nagdiwang ng kanilang second wedding anniversary. Derek at Ellen may sweet at nakakatuwang mensahe sa isa’t-isa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ellen Adarna and Derek Ramsay second wedding anniversary.
  • Mensahe ni Ellen kay Derek.

Ellen Adarna and Derek Ramsay second wedding anniversary

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Nitong Nobyembre 11 ay nag-celebrate ng kanilang second wedding anniversary, ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Sa Instagram nila ipinadaan ang pagmamahal nila at pagbati sa isa’t-isa.

Si Derek simple at maikli lang ang naging mensahe kay Ellen.

“111111111111111111111111111111111111111
Happy anniversary @maria.elena.adarna ??”

Ito ang caption ng IG post ni Derek kalakip ang video ng pinagsama-samang short clips at pictures nilang dalawa ni Ellen. Ang numerong one sa post ni Derek ay tumutukoy sa araw ng kasal nila na November 11 o 11/11.

Sa post na ito ni Derek ay nag-comment si Ellen. Dahil ang background music ng ibinahaging anniversary video ni Derek ay ang kantang “Blank Space” ni Taylor Swift. Si Ellen kilalang Swiftie o fan na fan ng singer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Mensahe ni Ellen kay Derek

Sa Instagram naman ni Ellen ay may pagbati rin siya para sa mister na si Derek Ramsay. Binalikan niya ang naging first wedding anniversary celebration nila ni Derek sa Peru na kung saan naisip daw nito na last day niya na. Pero ngayon ay thankful si Ellen na buhay at magkasama sila ni Derek. May pang-aasar pa nga ito sa mister na tinatawag niyang “gor” o salitang bakla para sa gurang o matanda na. Pati na ang pagwiwish na sana ay mas marami pa silang adventures together. Sa post ni Ellen ay tampok rin ang mga extreme sports at adventures na nagawa na nilang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Exactly a year ago you thought you were going to die ? but here we are, sooo alive! ?❤️?? happy anniversary my forever GOR! I love you! @ramsayderek07 to many more adventures and your “in your head” near death experiences ???.”

Ito ang pagbati pa ni Ellen kay Derek sa kanilang second wedding anniversary.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Happy anniversary love birds!

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement