Ellen Adarna binalikan ang childhood niya at kung paano siya dinidisiplina noon ng ama. Tulad ng maraming Pinoy, si Ellen ibinahaging naranasan niya ring lumuhod sa monggo bilang parusa sa mali niyang ginawa.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ellen Adarna ibinahagi ang pagdidisiplina noon sa kaniya ng ama.
- Mabuting epekto ng pagdidisiplina na ginawa kay Ellen.
Ellen Adarna ibinahagi ang pagdidisiplina noon sa kaniya
Marami ang humahanga sa isang Ellen Adarna. Maliban sa maganda na ito ay alam ng marami na si Ellen ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa Cebu. Kaya naman ang pag-aartista ay bonus nalang sa magandang buhay na tinatamasa niya noon pa mang bata siya.
Sa kaniyang Instagram Q & A portion, binalikan nga ng sexy celebrity mom ang kaniyang pagkabata. Partikular na ang pagdidisiplina na ginagawa sa kaniya noon ng ama niyang si Alan Modesto Adarna na pumanaw na noong 2018.
Ayon kay Ellen, tulad ng maraming Pinoy na kasing edad niya ay naranasan niya rin ang mga parusa na ginagawa noon sa mga batang 80’s at 90’s. Isa na nga rito ang pagluhod sa monggo.
“Ang naaalala ko pinaluhod ako sa monggo, and then yun, pinag-jeep ako.”
Ito ang natatawang sagot ni Ellen ng matanong tungkol sa pinaka-memorable na parusang naranasan niya.
Ang parusa daw na ito ay ginawa kay Ellen ng minsang nag-night out siya at hindi umuwi sa kanilang bahay na nauwi na sa paglalayas.
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
Mabuting epekto ng pagdidisiplina na ginawa kay Ellen
Pagbabahagi pa ni Ellen, naranasan niya ring tumira sa quarters ng kanilang mga maids at gumawa ng mga gawaing-bahay. Pero ang parusa na ito ay may naging magandang epekto daw sa celebruity mom na pinasasalamatan niyang naranasan niya.
“Pinatulog ako sa maids’ quarters. Tapos on weekends, ako yung pinapaglaba, pinapatulong ako sa lahat ng household chores.”
“Mabuti na rin yon kasi sobrang yabang ko dati, and then that humbled me. Because sobrang maldita ko din talaga sa mga yaya ko dati, isa din yon, kaya he wanted me to live, to experience kung ano ang trabaho ng mga nannies.”
“And after that, naging mabait na ako sa mga nannies. Kasi siyempre three months din akong nakitira with them.”
Ito ang natatawa pang pagbabahagi ni Ellen sa ginagawang pagdidisiplina sa kaniya noon ng ama.
Naranasan din daw ni Ellen na matigil ang pagbibigay ng allowance niya. Ito naman ang nagturo sa kaniya kung paano dumiskarte at magkaroon ng sarili niyang pera.
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!