LOOK: Derek Ramsay at Ellen Adarna, engaged na!

Tignan ang engagement moment nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Alamin din ang kwento ng kanilang relasyon at pagkakakilala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congratulations Ellen Adarna at Derek Ramsay!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Engagement nina Ellen Adarna at Derek Ramsay
  • Relasyon Derek Ramsey at Ellen Adarna

Engagement nina Ellen Adarna at Derek Ramsay

Ikinagulat ng maraming fans at netizens ang engagement nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa Instagram post ni Ellen Adarna, nag-post ito ng series of photos na may caption na “Game over @ramsayderek07.”

Mapapansin na sa ilang mga larawan ay makikita ang background kung saan mayroong ilaw na nakasulat na, “Will you marry me?” Mayroon ring mga litrato na suot ni Ellen ang isang malaking pear-shaped diamond ring.

Makikita sa mga photos na tila nagulat at naluha si Ellen sa proposal ni Derek. Mayroon rin silang mga litrato na magkayap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging saksi naman sa engagement ng dalawa ang kanilang pamilya at kaibigan. Kabilang na rito ang anak ni Ellen sa dating kasintahan na aktor na si John Lloyd Cruz at ang anak naman ni Derek sa kaniyang ex-wife, ang modelong si Mary Christine Jolly.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Maraming netizen at fans ng dalawa ang ikinatuwa ang magandang balita na ito sa relasyon ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang noong Pebrero lamang inamin ng dalawa ang kanilang pag-iibigan. Marami rin ang nagulat sa balitang ito noon.

Ilang mga kaibigan din sa mula sa showbiz industry ang bumati sa kanila. Kabilang na rito sina Heart Evangelista, Jackie Foster, Sam YG, Valerie Concepcion, at iba pa.

Relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna

Ibinahagi ni Derek Ramsay ang relasyon at pagsisimula nila ng kaniyang soon to be wife ngayon na si Ellen Adarna. Basahin ito rito!

Nilahad ni Derek ang kanilang love story sa isang exclusive interview with Mega magazine.

Pareho umanong fina-follow ang isa’t isa sa Instagram subalit hindi umano sila magkakilala formally. Dapat umano’y magsasama sila sa isang pelikula noon subalit hindi naman umano ito nag-materialize.

“We follow each other on Instagram. But we didn’t formally know each other. We were supposed to work together before, in a movie. But that didn’t materialize,”

Una umano silang nagkakilala talaga sa isang blind date. Ayon pa nga kay Derek ay ayaw niya talaga sa mga blind date pero nang pumunta siya ay andun si Ellen. Nagulat umano siya subalit isa umano itong wonderful evening.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I was actually going to be set up on a blind date that I didn’t want to do that night. And just like that, John (Estrada) called me and said ‘Wag na yan, tara na!,’ and I’m like,

‘Okay, you know what, I really don’t want to do this blind date. I hate blind dates.’ And I ended up going. And it was funny because when I got there, I was finally introduced to her. So, yeah, it was a wonderful evening,”

Matapos umano nang pagtatagpong iyon nag-set up dinner si Derek at nakilala ni Ellen Adarna ang kaniyang Tatay, at magkatabi pa nga sila sa lamesa. Iba umano si Ellen, dahil kadalasan umano sa mga babae ay prim and proper pero si Ellen umano’y “was herself”.

BASAHIN:

LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

Jake Ejercito responds to Netizens praises about being a good Dad to daughter Ellie

LOOK: Vin Abrenica at Sophie Albert Baby A’s birth story

Dagdag pa ni Derek,

“My heart tells me if I don’t follow through with this one, I’ll regret it. Everything in my heart is telling me that, SHE’S THE ONE. And my heart’s telling me, I did not even listen to this anymore (points to his head).

“You know, this (his head) was controlling this (his heart) so many times before. This is to say, screw the brain! Don’t listen to it! Don’t even let it guide you, okay? Ito na nagsasalita na ako. Ito na, manahimik na lahat!”

Hiling ni Derek ay maging masaya na umano ang mga taong namba-bash sa kaniya. Sapagkat masaya siya sa kanilang relasyon ni Ellen. Madalas umano silang mag-spend ng oras kasama ang anak ni Ellen na si Elias.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-amin ni Derek Ramsay sa relasyon nila ni Ellen Adarna

Marami nang espukalasyon ang kumakalat sa pagitan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nang magsimula silang magbahagi ng mga sweet photos at videos nila sa kani-kanilang Instagram account noon.

Kaya naman marami ang nagulat sa pag-amin nilang ito noon. Maraming ibinatong pambabatikos noon kay Derek nang aminin niya ang relasyon kay Ellen Adarna. Subalit ayon sa kaniya hindi umano siya nagpaapekto rito.

Pagbabahagi niya sa MEGA, nagkamali siya. Akala niya noon ay in love talaga siya dahil sa mga past relationship niya na hindi naman nag-proper ay maraming mga taong namba-bash sa kaniya.

Kwento niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I want somebody who’s trustworthy, somebody who’s beautiful, patient, all of these things are a given, but love’s an intangible thing.”

Dagdag pa niya,

“There has to be like, a chemical reaction in your body. Right? It’s good stress, it’s bad stress. You have to have that. But with that said, I just want somebody who’s truly comfortable with who they are. No best foot forward, you know, pakita mo na yung baho mo sa umpisa pa lang.”

Isa umano sa mga tingin niyang pagkakamali niya ay natatakot siyang ipakita kung sino talaga siya subalit ngayon umano’y hindi na siya natatakot na ipakita at ibahagi kung sino siya.

Kaya naman congratulations ulit kay Derek Ramsay at Ellen Adarna! We wish you all the best!

Source:

MEGA, ABS-CBN

Sinulat ni

Marhiel Garrote