Vin Abrenica and Sophie Albert baby, isang giant baby ayon sa doktor na nagpaanak dito. Kilalanin ang kanilang baby at alamin ang birth story niya dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang birth story ng unica hija nina Vin Abrenica at Sophie Albert.
- Ang reaksyon at pagbati ng mga netizens sa pagdating ng munting anghel nila.
Vin Abrenica and Sophie Albert baby birth story
Nitong March 15, bandang 8:30 ng umaga ay ipinanganak na ni Sophie Albert ang unica hija nila ng fiance na si Vin Abrenica. Ito ay pinangalanan nilang Avianna Celeste Abrenica.
Sa unang pagkakataon, matapos ang halos dalawang linggo matapos maipanganak ay opisyal na nilang ipinakilala sa publiko si Baby Avianna. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang vlog na kung saan binalikan din nila ang mga oras ng malaman nilang buntis si Sophie. Ganoon din ang unang beses na makita nila si Baby Avianna sa ultrasound scan.
Ayon kay Vin, si Baby Avianna ay isang big baby. May haba siya na 55 cm at may bigat na 9.13 lbs. Pagkukuwento ni Vin
“The baby is out. Doc said it’s the biggest baby na ipinanganak niya in 30 years. She is 9.13 lbs.”
Unexpected cesarean section delivery
Ayon naman kay Sophie, ito rin ang dahilan kung bakit siya ay kinailangang manganak via cesarean section na hindi niya inaasahan. Pagbabahagi ni Sophie,
“What happened was 37th week checkup I was told na she was already 8 lbs. On my 38th week checkup, we were told that she’s already 9.2 lbs. She’s a big baby, so it would be safer for us to deliver her via C-section which is something that I was not expecting. I was hoping to be able to deliver normally but whatever will get her to this world safe.”
Bagamat hindi inaasahan ay super excited at naging positive pa rin sina Sophie at Vin sa pagdating ng kanilang baby. Sa kabila na kinailangan itong ilagay sa NICU dahil sa bumababang oxygen level nito sa katawan at nakitang tubig sa baga o lungs nito.
“Avianna has to be in the NICU because they have to observe her, kasi her oxygen levels go down. And then when they did an x-ray on her lungs, parang there’s still water, which they say is normal when you’re caesarean kasi hindi masyadong nai-squeeze ‘yung baby. Plus, it’s also normal for a giant baby,” ani ni Sophie.
Larawan mula sa Instagram account ni Sophie Albert
BASAHIN:
Paano maaaring maging life-saver ni baby ang electric fan sa loob ng kaniyang kwarto
Help baby get a good night’s sleep with the 7 best crib mattress
An open letter to my quarantine baby: The world is still better with you in it.
Reaksyon ng new parents na sina Vin at Sophie sa pagdating ng kanilang Baby A
Image screenshot from YouTube video
Pero matapos ang ilang oras ay nag-stabilize na rin ang kondisyon ni Baby A. Kaya naman ito ay nakasama at nakarga na rin nila sa wakas. Ayon nga kay Vin ay halos ayaw niya itong bitawan at gusto lang titigan. Pagkukuwento ni Vin,
“Simula ng mahawakan ko siya ang sarap niya lang titigan. Kahit buong araw kayong matitigan, ganoon pala iyon.”
Sa video description ng kanilang vlog ay ibinahagi ng new parents na sina Sophie at Vin na naging mahirap man ang naging pagbubuntis nila kay Baby A ay very rewarding naman ito dahil sa ito ay ligtas at healthy ng maipanganak.
“It has been quite a journey… Getting pregnant in the middle of a pandemic, and giving birth at the height of it a year after it all started. We were lucky that despite all the challenges and scares we went through, we were able to experience Baby A’s birth together and she is finally here with us, safe and healthy. Our hearts are full of love for our little angel.”
Reaksyon at pagbati ng mga netizens
Vin Abrenica and Sophie Albert baby/ Image screenshot from YouTube video
Sa comment sections ng kanilang YouTube video ay nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizens sa bagong yugto na ito ng buhay nila Vin at Sophie. Ang ilan nga sa kanila ay humanga sa ginawang pag-suporta ni Vin kay Sophie. At sinasabing nakikita nilang magiging mabuting magulang ang mga ito sa kanilang anak.
“Alam naman nating lahat na maging mabuting magulang silang dalawa sa kanilang baby girl. We’re happy to see you na sobrang excited sa baby. Napaluha pa ako na makita si daddy Vin na talagang makikita mo sa kaniya kung gaano siya kasaya at kung gaano niya ingatan ang mag-ina niya.”
“You two deserve every bit of happiness this baby is going to bring you. We are really excited that your baby has arrived safe and sound. Congratulations to proud new parents! Being a new parent can be scary, I know but I believe you two can handle it considering that your baby has the coolest parents. Sending loads of love to the little baby and we wish you a lifetime of happiness. Congratulations to both of you!❤️”
Ito ang ilan lamang sa pagbati ng mga netizen sa pagdating ng unica hija nina Vin Abrenica at Sophie Albert.
View this post on Instagram
Matatandaang nito lamang nakaraang buwan ng ibahagi nina Sophie at Vin na sila ay magkakaanak na. Kasabay rin nito ang pag-amin nila na sila ay engaged na noon pang December 2020.
Source:
ABS-CBN ,YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!