Pwede bang mag electric fan ang baby? Hindi lang puwedeng-pwede, sa katunayan maari pa ngang maging life-saver ito ni baby. Malalaman sa artikulong ito kung paano ito nangyayari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga benepisyo ng paggamit ng electric fan para kay baby.
- At ang mga safety tips at points na dapat tandaan sa paggamit ng electric fan para kay baby.
Pwede bang mag-electric fan ang baby?
Malamang ay may napili ka ng magandang kulay ng pintura para sa kwarto ni baby. Pero naisip mo na bang lagyan ng electric fan ang kwarto niya? Kung hindi pa, ay mukhang kailangan mo ng isama ito sa iyong plano. Sapagkat ang electric fan maaari palang maging life-saver niya pa!
Aminin na natin, ang baby nursery ay puno ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan ni baby. Tulad ng mga damit at mga laruan. Pero may nakakaligtaan pala tayong ilagay dito na mas importante. Gaya ng electric fan na marami palang benepisyong maibibigay sa ating sanggol.
Maaaring nababasa mo ito at nagtatanong, bakit kailangang maisama sa baby nursery wish list ko ang electric fan? Paano ito nakakatulong sa survival rate ng isang sanggol?
Ngayon, malalaman mo kung paano ang isang simpleng electric fan ay maaaring makatulong sa kalusugan at higit sa lahat sa survival ng iyong sanggol.
Binabawasan nito ang tiyansa na makaranas ang iyong sanggol ng SIDS
Ayon sa Archives of Pediatrics & Adolescent Medicine, nababawasan ng hanggang sa 72% ang tiyansa ng isang sanggol na mamatay dahil sa Sudden Infant Death Syndrome o SIDS kapag sila ay natulog na my electric fan sa kanilang kwarto.
Ang paliwanag dito ng pag-aaral ay dahil sa tulong ng electric fan ay nagsi-circulate ng maayos ang hangin sa loob ng kwarto ni baby. Hindi niya rin mai-inhale pabalik ang carbon dioxide na na-exhale niya na.
Base pa rin sa pag-aaral ay nakakatulong ang electric fan na ma-improve ang ventilation sa kwarto ni baby. Isa sa bagay na nakakatulong para mabawasan ang tiyansa ng isang sanggol na makaranas ng SIDS.
Makakatulong ang electric fan na maiwasan na makaranas ng SIDS ang iyong sanggol.
Ano ang tamang electric fan para kay baby?
Sa pagpili ng electric fan para kay baby, piliin ang maaring makaikot ng maayos. Pero dapat siguraduhin na ito ay nakapwesto ng malayo mula sa tinutulugan niya.
O kaya naman ay hindi nakatutok ng deretso sa kaniya. Ito ay para maiwasan ang aksidente na matumba ito kay baby na lubhang napakadelikado. Sa ganitong paraan ay maiiwasan din na lamigin ang mahina pang katawan ng iyong sanggol.
Benepisyo ng paggamit ng electric fan
- Kung ilalagay sa mahinang speed ang iyong electric fan ay mababawasan ang noise output nito. Ang resulta hindi magigising si baby at makakatulog siya ng mahimbing sa buong gabi.
- Ang electric fan ay nagpo-produce ng tinatawag na white noise na nakakatulong para makatulog at matulog ng mahimbing ang sanggol.
- Nakakatulong din ang electric fan na siguraduhing presko ang pakiramdam ni baby sa tuwing mainit ang panahon. Sapagkat sa binabawasan nito ang temperatura sa loob ng kwarto ni baby. Bagama’t dapat iwasan na ito ay masyadong malakas. Sapagkat maaaring maging masyadong malamig ang kwarto ni baby na delikado rin para sa kaniya.
- Hindi tulad ng aircon ay hindi nagiging dry ang hangin sa loob ng kwarto ni baby sa tuwing gumagamit ng electric fan. Napakahalaga nito sapagkat ang hangin na kulang sa humidity ay maaring magdulot ng eczema at respiratory issues tulad ng asthma at wheezing sa mga sanggol.
Huwag hayaan ang iyong anak na gawin ito!
BASAHIN:
Pananakit ng likod ng buntis: Dahilan, lunas at kung paano ito maiiwasan
5 na dapat itanong sa sarili bago mag baby #2!
Gamot sa ubo ng baby: Pangunahing lunas sa inuubong baby
Mga safety points na dapat tandaan sa paggamit ng electric fan
- Kung gagamit ng pedestal/table fan, ilagay ito sa lugar na hindi maabot ng iyong anak. O kaya naman ay walang mga gamit na maakyatan niya para maabot ito.
- Siguraduhin ding lahat ng kable ng kuryente ay hindi maabot ni baby.
- Mag-invest sa isang fan guard na gawa sa fine mesh at tamang-tama ang fit sa ulo ng iyong electric fan. Ito ay para maiwasan ang ipasok ni baby ang kamay niya sa loob ng electric fan at masugat sa mga blades nito.
- Kung bibili ng second hand fan ay siguraduhing na-inspect ito ng mabuti. Ito ay para masigurong safe itong gamitin pa. I-check kung ang grills nito ay mahigpit at secured pa. I-check din kung ito ay maayos na nakakaikot pa at higit sa lahat ay maayos na gumagana sa tuwing sinaksak sa kuryente.
- Mas makakabuti kung gagamit ng ceiling fan. Sapagkat sa ito’y mailalagay sa lugar na hindi maabot ng sanggol.
- Kung mag-iinstall ng ceiling fan, siguraduhin na ito ay 3-4 feet away mula sa dulo ng higaan ni baby. Ito ay para kapag naisipan niyang tumalon sa kaniyang higaan o umakyat sa isang furniture o gamit ay hindi niya maabot ito.
Ang ceiling fan ay isang magandang alternative sa pedestal fan. Pero dapat siguraduhin na hindi magsasabit ng anumang bagay dito. Higit sa lahat ay ipa-install ito sa isang qualified tradesman o electrician.
Dagdag na paalala
- Huwag gamitin ang fan bilang isang laruan. Bagamat maraming nakakatuwang tunog na maaring gawin dito, huwag ipakita ito sa anak mo. Dahil ito ay maaaring maging napakadelikado para sa kaniya.
- Huwag magsabit ng streamers, tali o anumang bagay sa blade ng inyong ceiling fan. Dahil ang mga bagay na ito kapag nalaglag ay maaaring maging sanhi ng pagkakasakal ng iyong anak.
- Linisan ang inyong electric fan ng hindi bababa sa isang beses sa isang buwan. Sapagkat ang mga dumi at alikabok ay maaaring ma-trap sa blades nito.
Orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!