Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: "There's no perfect person—it's just the one that I choose"

"There is no perfect person it's just the one that I choose the one that's worth fighting for, it is you."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Derek Ramsay at kasintahan nitong si Ellen Adarna, ikinasal na!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Detalye sa wedding ceremony ni Ellen Adarna at Derek Ramsey
  • Palitan ng wedding vows ng celebrity couple na si Ellen at Derek
  • Mga artistang dumalo at nakisaya sa kanilang wedding ceremony.

Detalye sa kasal ng celebrity couple na si Ellen Adarna at Derek Ramsay

Tunay ngang ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon, hindi nababase kung gaano katagal o kahaba ang inyong pinagsamahan. Iyan ang pinatunayan ng magkasintahang si Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Huwebes, nitong November 11, ay nagpalitan na ng kanilang matatamis na "I do" ang celebrity couple na ito.

Makikita sa mga larawan na talaga namang pinaghandaan ang kasal ng dalawa. Naganap ang wedding ceremony ni Ellen Adarna at Derek Ramsay sa Rancho Bernardo, isang luxury resort sa Bataan.

Bakas sa larawang ito na hindi mapigilang maging emosyonal ng aktor at aktres dahil sa labis na saya.

Larawan mula kay Chissai Bautista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa pa sa mga kinigiliwan ng mga bisita ay ang sea of lights sa kasal ni Ellen at Derek.

Nakadagdag pa 'di umano ang sa pagiging magical ng kanilang ang pagdaraos nito sa oras ng takipsilim.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naipaimalas din ni Ellen ang taglay nitong ganda suot ang kanyang simple ngunit eleganteng wedding dress na dinisenyo ni Marc Rancy.

Hindi rin naman papahuli ang asawa nitong si Derek Ramsay. Suot ang ash gray at white na suite nito, idagdag mo pa ang high waist trousers, ito ay likha ni Bianca Cordero.

Present din sa kanilang kasal ang ina ni Ellen na si Meriam GO na siyang naghatid sa kaniya sa altar.

Ipinakita rin ng mga magulang ni Derek na sina Remedio Paggao-Ramsay at Derek Arthur Ramsay Sr. ang suporta sa kanilang ang anak sa kanilang pagdalo sa nasabing kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siyempre hindi rin mawawala ang anak ni  Derek na si Austin Ramsay, anak nito sa dating modelo na si Mary Christine Jolly.

Kasama rin sa kasal ang anak ni Ellen na si Elias Modesto Cruz, anak ng aktres sa dati nitong kasintahan na aktor na si John Lloyd Cruz.

BASAHIN:

LOOK: Ellen Adarna at Derek Ramsay, ikinasal na!

Ellen Adarna to basher: "Dalaga or not, people need a break."

LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

Alamin ang wedding vows ng celebrity couple na si Ellen Adarna at Derek Ramsay

Sa wedding video ni Ellen Adarna at Derek Ramsay ay kitang-kita ang lubos na pagmamahalan nila sa isa't-isa. Matamis na sambit ng aktres sa kaniyang wedding vow,

"When I do not seem to know what is okay or not, what is right or wrong, here there left right, the noise, the confusion. All I know is that when I close my eyes. When I focus on my self and when I focus on us and when I meditate, it is you." 

Ipinahayag din naman ng aktor na si Derek sa kaniyang wedding vow kung gaano siya kaseryoso sa relasyon nila ni Ellen.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"You know before this day I never constructed so many sentences. In my life when I told my parents that I wanted to marry you they asked me why because they felt it was too fast and too soon and I told them in my 44 years have I ever mentioned the m word to you guys.

I guess that question made them realize how serious I was and how happy I was to have you and how you've made me." Pahayag ni Derek.

Mas naging emosyonal pa ang aktor ng banggitin niya na sa unang pagkakataon ay tinawag siyang "dad" ng kaniyang anak na si Austin.

"Even my son, even my son Austin who was the first person I told was happy about this decision and finally called me dad for the first time." pagbabahagi ng aktor.

Ayon pa kay Ellen, "There is no perfect person it's just the one that I choose the one that's worth fighting for, it is you."

Unang nakasama ni Derek si Ellen nitong nakaraang January. Kung saan kumalat ang mga larawan nilang magkasama sa iisang dinner party. Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong February.

Maraming  netizens ang bumatikos sa kanilang pag-iibigan dahil parehong silang galing sa magkaibang relasyon.

Gayunpaman, hindi nagpatinag ang dalawa at nitong Marso ay nag-propose na si Derek na walang pag-aalinlangang nakatanggap ng matamis na "yes" mula kay Ellen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito umano ang ika-siyam na buwan ng kanilang pag-iibigan.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Congratulations Mr. and Mrs. Ramsay!

Source:

Rappler, ABS-CBN, PEP.ph

Written by

Joyce Ann Vitug