X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Ellen Adarna at Elias, enjoy sa dagat!

4 min read
LOOK: Ellen Adarna at Elias, enjoy sa dagat!

Masayang ibinihagi ng aktres na si Ellen Adarna ang kanilang litrato habang nagsu-swimming kasama si baby Elias.

Enjoy na enjoy si Ellen Adarna kasama ang first baby nitong si Elias sa dagat.

Ellen Adarna and baby Elias bonding

ellen adarna baby

LOOK: Ellen Adarna at anak nitong si Elias, enjoy sa dagat! | Image from Ellen Adarna Instagram

Masayang ibinihagi ng aktres na si Ellen Adarna ang kanilang litrato habang nagsu-swimming kasama si baby Elias. Makikitang bihira lamang na mag-post ng larawan ang aktres kasama ang anak nito.

Nagkaroon rin ng maliit na gasgas si baby Elias.

Kitang-kita sa IG stories ng aktres na siya ay giliw na giliw sa pag-aalaga sa kaniyang baby Elias. Habang naka break sa limelight, ang aktres at ang anak nito ay kasalukuyang nasa Cebu.

Matagal na rin na hindi nakikita sa telebisyon ang aktres. Ayon sa interview nito dati, wala pa siyang planong bumalik ulit sa showbiz dahil gusto niyang makasama sa unang mga taon ang kaniyang panganay na anak. “I’m a very hands-on mom.” Ito ang paglalarawan niya sa kaniyang sarili.

Nasa co-parenting setup sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kay baby Elias.

ellen adarna baby

LOOK: Ellen Adarna at anak nitong si Elias, enjoy sa dagat! | Image from Ellen Adarna Instagram

Paglilinaw naman ni Ellen Adarna tungkol sa hiwalayan nila ng aktor, walang katotohanan ang lahat nang usap-usapan na kaya hindi sila magkasama ay nangaliwa ito.

“Just to clear everything. Nope. Dili cya. Dili cya ang ni ghost and dili cya ang ni cheat. Kuyaw naman kaayos remix and feelings ning mga tao kung unsaunsa na lang mga pangstorya. Leave him alone kay dili dyd cya,”

(“Just to clear everything. Nope. Hindi siya. Hindi siya ang nag-ghost at hindi siya ang nag-cheat. Nakakagulat na lang talaga ‘tong remix and feelings ng mga tao kung anu-ano na lang pinagsasabi. Leave him alone dahil hindi talaga siya.)

Hanggang ngayon, wala pa ring kasiguraduhan ang hiwalayan ng dalawang panig.

ellen adarna baby

LOOK: Ellen Adarna at anak nitong si Elias, enjoy sa dagat! | Image from Ellen Adarna Instagram

Kailan puwede mag-swimming ang bata?

Maraming magulang ang sinasanay ang kanilang anak hangga’t maaga pa lamang sa swimming. Maganda itong ehersisyo sa katawan at mas mabuti na ring may kaaalaman kung paano lumangoy.

Ngunit anong edad ba maaaring isalang sa paglangoy ang isang bata?

Base sa tala, ang pagkalunod ay nasa pangalawang spot ng karaniwang cause ng pagkamatay ng mga bata sa edad na 14 years old pababa. Hindi lang sa dagat o swimming pool maaaring malunod ang bata. Puwedeng-puwede itong mangyari sa loob mismo ng bahay ninyo kung walang tamang gabay ng magulang.

Maaari nang matuto o isubok ang bata sa swimming lesson sa edad na 4 years old. Ngunit tandaan, matinding pag-iingat ang dapat na gawin kung sakaling sasanayin na itong lumangoy. Mas maganda kung i-enroll siya sa swimming lessons o humanap ng personal coach para rito.

ellen adarna baby

LOOK: Ellen Adarna at anak nitong si Elias, enjoy sa dagat! | Image from Unsplash

Narito ang mga dapat mong tandaan kung sakaling ipapakilala mo na ang swimming sa iyong anak.

  • ‘Wag na ‘wag iiwan na mag-isa ang iyong anak malapit sa pool.
  • Kailangan may safety protected gear ang iyong anak kapag nasa tubig.
  • Sundin ang pool rules.
  • Humanap ng personal coach.
  • I-enroll sa swimming class ang iyong anak.

Hindi pa nirerekomenda na isalang sa swimming lesson ang mga infant o wala pa sa apat na gulang. Ang mga batang 1 year old pababa ay mas mataas ang risk sa pagkalunod. Tandaan, hindi porket nasa swimming lesson ang iyong anak ay hindi na ito malulunod. Kailangan pa rin ng dobleng pagbabantay ang iyong anak kahit na ito ay nakakalangoy na.

Para sa kaligtasan ng iyong anak, kung kayo ay may swimming pool sa bahay, isarado muna ito o maglagay ng barrier kapag hindi oras ng paglangoy. Ayon sa tala ng Consumer Product Safety Commission, nasa 69% ang nalulunod na bata sa edad na 5 years old pababa.

Bukod rito, magandang bonding time ang swimming para sa inyo ng iyong anak. Siguraduhin lamang na protektado ito at malayo sa disgrasya.

 

Source:

Healthy Children

BASAHIN:

Ellen Adarna: ‘Deserve’ mo kapag paulit-ulit kang niloloko

WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

COVID-19: Safe ba mag-swimming ngayon?

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Ellen Adarna at Elias, enjoy sa dagat!
Share:
  • LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

    LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

  • Ellen Adarna to basher: "Dalaga or not, people need a break."

    Ellen Adarna to basher: "Dalaga or not, people need a break."

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

    LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

  • Ellen Adarna to basher: "Dalaga or not, people need a break."

    Ellen Adarna to basher: "Dalaga or not, people need a break."

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.