Binalita ng aktres na si Ellen Adarna sa kanyang personal Instagram account na sumailalim na siya sa removal ng kaniyang breast implants.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ellen Adarna nagdesisyon na ipatanggal ang breast implants
- Ano ang breast implants at mga dapat tandaan kung magpapalagay nito?
Ellen Adarna nagdesisyon na ipatanggal ang breast implants
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
Ibinahagi ng aktres at model na si Ellen Adarna sa kanyang personal Instagram account nitong May 8, Linggo, na nagdesisyon na siyang ipatanggal ang kanyang breast implants.
Ayon sa aktres, napagdesisyunan niya raw na sumailalim na sa removal dahil sa nararanasan niyang breast implant illness na lumalabas matapos sumailalim sa ganitong proseso.
Ang ilang sakit daw na nararanasan na niya ay pananakit ng likod, fatigue, brain fog at marami pang iba.
Sa kanyang post makikita ang larawan ng nakaremove nang breast implant silicone niya. Nagpaalam siya dito at sinabing makakahinga na rin daw siya sa wakas nang maayos.
“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog.”
“It was fun while it lasted. The end.”
Natuwa naman ang mga followers nang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay dahil sa regalo nito sa misis.
Sa Instagram story kasi ni Ellen makikitang niregaluhan niya ng cake ng asawang si Derek kung saan hugis dibdib ito ng babae habang may nakalagay na, “I miss your old boobs.”
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
Unang nalaman na nagpalagay ng breast implants ang aktres noong taong 2014, kung saan buong tapang na inamin ni Ellen Adarna na ‘fake’ umano ang kaniyang dibdib.
Dating nakilala si Ellen sa pagiging modelo. Nagmula rin ito sa mayamang pamilya sa Cebu kung saan may-ari ang sila ng real estate business sa ilang lugar sa bansa.
BASAHIN:
Ellen Adarna, nais man maging ‘hubadera’ hindi na raw puwede dahil sa ‘sagging breasts due to breastfeeding’
Derek Ramsay nirerespeto si John Lloyd Cruz bilang ama kay Elias: “Wala kaming problema.”
Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”
Ano ang breast implants at mga dapat tandaan kung magpapalagay nito?
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
Sa modernong panahon, marami na maaaring gawin ng teknolohiya lalo sa katawan ng tao upang lalong makapagboost ng self-confidence at self-esteem. Isa na sa nauusong ginagawa ay ang breast implants o breast augmentation.
“Breast augmentation — also known as augmentation mammoplasty — is surgery to increase breast size. It involves placing breast implants under breast tissue or chest muscles. For some women, breast augmentation is a way to feel more confident. For others, it’s part of rebuilding the breast for various conditions.”
Sa kabila naman ng pagpapataas ng self-confidence ng tao, mayroon ding iba’t ibang risk na kailangang i-expect kung sakaling magpapagawa ng breast implants.
Ang ilan sa mga maaaring asahan ay ang capsular contracture o pag-iiba sa hugis ng breast implant, infection, pagbabago sa nipples, pag-iiba ng breast sensation, implant leakage, o kaya ay breast pain.
Maaari ring makaranas ng systemic symptoms o ang tinatawag na breast implant illness.
Katulad ng napagdaanan ng aktres na si Ellen Adarna, maaaring makaramdam ng fatigue, memory loss, hirap sa pagko-concentrate at pag-iisip, skin rashes, at maging pananakit ng mga joints. Isa sa maaaring dahilan upang mawala kaagad ito ay ang pagpapatanggal ng breast implants.
Kung pa ring ipagawa ito mabuting lumapit sa plastic surgeon dahil ito ang kanilang expertise. Narito naman ang ilan sa mga dapat tandaan bago sumailalim sa breast augmentation:
- Hindi maiiwasan na maranasan pa rin ang “breast sagging” kahit pa sumailalim na sa implants.
- Hindi ito tumatagal habambuhay, ang average life span lamang ng breast implants ay tinatayang 10 taon.
- Maaaring makaranas ng hirap sa pagpapa-breastfeed.
- Kung magpapasyang ipatanggal, maaaring sumailalim sa isa pang surgery upang maitama ang appearance ng breast.
- Nirerekomendang magkaroong ng breast MRI lima hanggang anim na taon matapos ipagawa ang breast implants.
Kadalasang ginagawa ito sa isang surgical center o kaya ay hospital. Mabilis lamang ang procedure na maaaring tumagal lamang sa isang araw at hindi na kinakailangan pang manatili sa ospital.
Ginagawa ito sa local anesthesia nang gising ang pasyente at manhid na ang breast area niya. Minsan naman, ginagawa ito gamit ang general anesthesia habang tulog ang pasyente.
Matapos ang procedure posibleng makaranas ng pamamaga, pagkakaroon ng pasa at pamumula ilang linggo mula nang ipagawa. Maaari ring magkaroon ng scars na kalunan ay mawawala rin.
Para mabawasan ang sakit habang pinapagaling pa ito magpeprescribe ang iyong surgeon ng pain medication. Mainam na magkaroon ng malinaw na komunikasyon sa iyong surgeon tungkol sa lahat ng dapat malaman ukol dito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!