X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ellen Adarna, nais man maging "hubadera" hindi na raw puwede dahil sa "sagging breasts due to breastfeeding"

5 min read
Ellen Adarna, nais man maging "hubadera" hindi na raw puwede dahil sa "sagging breasts due to breastfeeding"

Ellen, may sagot rin sa netizen na nagsabing paulit-ulit ang sinusuot niyang bikini.

Ellen Adarna aminadong malaki ang ginawang pagbabago sa kaniya ng pagiging ina. Ito ang ipinunto niya sa ilang netizens na may comment sa mga Instagram post ng sexy actress.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sagot ni Ellen Adarna sa mga netizen na may komento sa pananamit at buhay niya.
  • Mga pagbabago sa buhay ni Ellen Adarna ng maging isang ina.

Sagot ni Ellen Adarna sa mga netizen na may komento sa pananamit at buhay niya

Agaw-pansin nitong mga nakaraang araw ang mga Instagram post ng sexy actress na si Ellen Adarna. Dahil sa mga post niya ay makikitang very happy sila ng mister na si Derek Ramsay kasama ang anak niyang si Elias.

Silang tatlo kasama ang mga malalapit na kaibigan magkakasamang ipinagdiwang ang anniversary ni Derek at Ellen sa isang resort sa Dasol, Pangasinan.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Marami sa mga fans at followers ni Ellen ang nakikitang napakasaya ngayon ng aktres. Kitang-kita umano kung gaano nila kamahal ni Derek ang isa’t isa. Kaya naman ang komento ng nakararami sa mga post ni Ellen at Derek sa Instagram, ay malaking “sana all” na lang.

Maliban sa mga naiinggit sa masayang lovelife ni Ellen sa ngayon. Marami rin ang humahanga sa sexy at fit na katawan ng aktres kahit ito ay may anak na.

“Love, btw, pila waistline nimo dai if you don’t mind? You’re my ult fitspo.”

“Sana ganito din ako after manganak huhu.”

“Elena how to be you grabe ka sexy oy.”

Ito ang ilan sa komento ng netizens na humahanga sa kaseksihan ni Ellen Adarna. Pero hindi lahat ay ito ang napansin sa mga sexy beach post ni Ellen. May isang netizen ang nagtanong kung iisa lang umano ang bikini ni Ellen. Dahil mukhang nag-iisang pares lang lagi ang ginagamit nito.

“Ms. Ellen, do you have another bikini?u always wearing the same O same O.”

Ito ang tanong at komento ng netizen sa isang post ni Ellen.

ellen adarna in bikini

Image from Instagram

Mga pagbabago sa buhay ni Ellen Adarna ng maging isang ina

Ellen Adarna, nais man maging hubadera hindi na raw puwede dahil sa sagging breasts due to breastfeeding

Hindi naman pinalampas ito ni Ellen at sinagot ang tanong ng naturang netizen. Sagot ni Ellen mayroon siyang 9 na iba’t ibang kulay ng nasabing swimsuit style.

Pinili niya itong laging gamitin dahil very active ang anak niyang si Elias. Kailangan niya ng maayos na damit para maalagaan ito at maingatang hindi aksidenteng bumalandra ang kaniyang suso dahil sa habit ng kaniyang anak.

“My son has this habit of grabbing boobies out of nowhere so I make sure and secure them that they don’t just pop out easily esp when im around my super physically active family.”

Ito ang sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, gustuhin man niyang maging hubadera at magsuot ng iba’t ibang bikini ngayon ay hindi na puwede. Sapagkat hindi tulad noon ay sag o medyo lawlaw na ang suso niya dulot ng breastfeeding. Si Ellen na proud padede mom sa anak na si Elias, nag-sorry nalang din sa netizen na na-bother sa mga bikini na isinusuot niya.

“As much as I’d want to be a hubadera and wear all kinds of bikini top unfortunately, not all bikini top cuts and style look good on me anymore because of my sagging breasts due to breastfeeding. So, sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly.”

Ito ang sabi pa ni Ellen sa nasabing netizen.

ellen adarna with derek ramsay and son elias

Image from Instagram

BASAHIN:

Ellen Adarna sa tanong kung may prenup agreement sila ni Derek, hindi sila lugi sa isa’t isa

Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: “There’s no perfect person—it’s just the one that I choose”

John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: “Finally, she found the one”

Maliban sa pagbabago sa kaniyang pananamit, may isa pang nagbago kay Ellen ng siya ay maging isang ina. Napansin ito ng isang netizen na sinabing kumpara noon ay magaganda na raw ang makikitang ipino-post ni Ellen ngayon. Hindi tulad dati na puro inuman, party at paglalasing ang makikita sa mga social media accounts niya.

“Ang gaganda ng nakikitang post ni Ellena ‘di gaya dati puro na inuman at lasing.”

Ito ang sabi ng netizen.

Sinagot rin ito ni Ellen. Ang sagot niya, ang pagbabagong ito ay dulot na rin ng pagdating ng kaniyang anak na si Elias sa buhay niya. Ngayon umano dahil nanay na siya ay hindi na siya puwedeng maging pakawala tulad noon.

“I have son now dai, ‘di na pwedeng pakawala.. Before I had all the right to live my life to the fullest. Life is good.”

Ito ang sabi pa ni Ellen Adarna.

Ellen Adarna, nais man maging hubadera hindi na raw puwede dahil sa sagging breasts due to breastfeeding

Maraming netizen ang napa-like sa sagot na ito ni Ellen. Siya ay mas minahal ng mga ito dahil sa values niyang makapamilya daw talaga. At syempre ang pusong ina niya na handang baguhin ang nakasanayan para maibigay ang makabubuti sa anak niya.

Kudos to you Ellen!

 

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Instagram 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ellen Adarna, nais man maging "hubadera" hindi na raw puwede dahil sa "sagging breasts due to breastfeeding"
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko