Ellen Adarna nanganak na sa first baby nila ng mister na si Derek Ramsay.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ellen Adarna nanganak na.
- Pagbubuntis ni Ellen sa anak nila ng mister na si Derek Ramsay.
Ellen Adarna nanganak na!
Marami ang nagulat nang ibahagi ng model-actor na si Derek Ramsay na ang misis niyang si Ellen Adarna ay nanganak na. Lalo pa’t hindi isinapubliko ng mga ito ang pagbubuntis ni Ellen sa kanilang panganay. Pero si Derek mararamdamang very excited at happy new dad sa pagdating ng kanilang baby. Hindi niya nga napigilang ibahagi ang panganganak ng misis na si Ellen sa kaniyang Instagram account.
“My world keeps getting better and better! 🥰🥰🥰🥰🥰🥰 #houseofdragons”
Ito ang caption ng post ni Derek ukol sa nararamdaman niya sa pagsilang ng baby nila ni Ellen.
Sa isang Instagram post ay makikita ang larawan ni Ellen na karga-karga ang isang baby na natatakpan ang mukha ng kaniyang braso. Makikitang nakatabi sa kaniya ang anak niyang si Elias na kahit nakatakip ng mask ang mukha ay kitang-kitang masaya sa pagdating ng baby sa kanilang pamilya.
Hindi pa man nagbibigay ng detalye sina Derek at Ellen tungkol sa kanilang baby, ayon sa reports ay isa itong baby girl. Nitong October 22 daw ito ipinanganak ngayong year of the dragon. Ang paliwanag kung bakit may #houseofdragons sa post ni Derek.
Pagbubuntis ni Ellen sa anak nila ng mister na si Derek Ramsay
Hunyo nitong taon na magsimula ang bali-balitang buntis si Ellen sa first baby nila ng mister na si Derek Ramsay. Ito ay matapos ang makahulugang post sa Instagram si Derek tungkol sa kung gaano siya ka-excited para sa kanilang dalawa ni Ellen. Pero ang mag-asawa piniling manahimik at gawing pribado ang pagbubuntis ni Ellen.
Mula noon ay naging madalang rin ang mga post ni Ellen sa social media. May mga kuha man itong larawan ay makikitang sadya nitong tinatakpan ang kaniyang tiyan. At ngayon nga, matapos ang ilang buwan ay isinilang na nito ang first baby nila ng mister niyang si Derek Ramsay.
Congratulations Ellen at Derek!