Ang tinatawag na en caul baby ay ang mga ipinapanganak nang hindi pa pumuputok ang panubigan. Ganito ang nangyari sa isang batang ipinanganak nuong buwan ng Hulyo sa China. Alamin ang mga detalye.
Premature na panganganak
Isang bata ang ipinanganak sa Fujian Maternity and Child Health Care Hospital in East China. Ang kanyang ina nuon ay nasa ika-36 na lingo pa lamang ng pagbubuntis. Dahil dito, kinikilala ang bata na premature na ipinanganak. Sa kanyang paglabas, siya ay nasa loob pa ng amniotic sac.
Ang panganganak ay isinagawa sa paraan ng C-section. Nagdesisyon ang kanyang duktor na si Dr. Pan Mian na i-deliver ang bata kahit hindi pa pumuputok ang panubigan. Ito ay para maprotektahan ang bata sa hindi mapigilang premature na panganganak. Ang bata rin kasi ay nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang umbilical cord at naka-baliktad mula sa tamang posisyon.
En caul baby
Ang paglabas ng bata bago pumutok ang panubigan ay bihira lamang ngunit ginagawa parin. Sa katunayan, 1 mula sa 8,000 panganganak ay sa ganitong paraan. Isinasagawa ito para maprotektahan ang ilang mga premature na ipapanganak. Pinapanatili nito ang moisture sa kanilang balat at ang temperatura ng kanilang katawan sa kanilang paglabas. Napro-protektahan din nito ang baby mula sa pinsala na maaaring idulot ng C-section.
Dahil sa matagumpay na panganganak ng nasabing bata, pinipili na ng hospital ang pagbibigay ng option na magpanganak ng baby sa parehong paraan.
5.5 pounds ang bigat ng bata sa kanyang panganganak. Siya ay tumagal pa ng 2 minuto sa loob ng amniotic sac bago ito ipinutok. Paglabas sa amniotic sac, i-klinaro ng mga duktor ang baga ng bata at tsaka ito umiyak.
Source: Fox News
Photo: Asiawire
Basahin din: Buntis, tumangging magpa-emergency CS dahil hinihintay ang suwerteng araw ng panganganak