Isang ordinansa para sa mga matagal nang mag-asawa ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya. Inaprubahan ng pamunuan ang pagbibigay ng 50K para sa mag asawa na 5 years nang kasal at nagsasama.
Enduring Devotion Award: 50K para sa mga mag asawang 50 years nang kasal
Nagkasa ng ordinansa sa Nueva Vizcaya na tinawag na Enduring Devotion Award. Ang batas na ito, nagbibigay incentive sa mga mag-asawang 5 dekada o 50 taon o higit nang kasal.
Kabilang din sa makikinabang sa ordinansang ito ay ang mga katutubo o indigenous people. Basta mapatutunayan ng mga elder ng kanulang tribo na ang mga ito ay totoong mag-asawa at nagsasama sa loob ng 50 o higit pang taon.
Kaya naman, ang mga mommy at daddy na taga Nueva Vizcaya, naghahalungkat na umano ng kanilang mga marriage certificate.
Pero, may limitasyon ang batas na ito. Hindi makatatanggap ng 50K para sa mag-asawa ang mga couple na may kaso tungkol sa violence against women and their children (VAWC). Kailangan kasi na maayos ang pagsasama ng mag-asawa sa loob ng nabanggit na taon. Wala rin dapat plano ang mga ito na maghiwalay o magproseso ng annulment.
Bukod pa rito, dapat na nakatira na sa Nueva Vizcaya ang mag-asawa sa loob ng nakalipas na 10 taon.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ang mga implementing rules at regulations ng Enduring Devotion Award.
Anong sey nina mommy at daddy rito?
Syempre, ang parents na taga Nueva Vizcaya, talaga nga namang natuwa sa balitang ito. Malaki umano ang maitutulong nito lalo na sa kanilang mga senior citizen.
Samantala, narito naman ang sey ng mga mommy at daddy mula sa ibang lugar:
“Sana dito din samen sa San Nicolas Batangas, Mga magulang ko po 56years na silang kasal awa ng dios still in love to each other,strong and healthy.”
“Wow! Sana sa province din naming. 61 yrs. anniv & counting na nga po parents namin.”
Kwento naman ng isang mommy, mayroon din daw umanong ganoong ordinansa sa kanilang lugar sa Bayawan City, Negros Oriental.
Hirit naman ng nakararami, sana umano ay ipatupad na ang ganitong batas sa buong bansa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!