Doktor binugbog ang girlfriend matapos tumangging makipagtalik sa kaniya. Depensa ng doktor walang siyang matandaan sa nangyari at kaniyang ginawa dahil sa epekto ng alkoholismo.
Girlfriend na binugbog dahil tumangging makipagtalik
Nahaharap ngayon sa reklamo at kaso ang isang locum o stand-in-doctor na si Clarence Teo Shun Jie, 35-anyos mula sa Singapore. Ito ay matapos niyang bugbugin ang kaniyang girlfriend na si Rachel Lim 27-anyos na tumanggi umanong makipagtalik sa kaniya.
Dahil sa insidente ay halos hindi makilala si Lim dulot ng tinamong bugbog at fracture sa kaniyang daliri at mukha.
Ayon sa statement ni Lim, gabi ng August 26 ay lumabas sila ni Teo para uminom at mag-aliw. Pagkatapos ay nagpunta sila sa apartment nito kung saan nangyari ang pambubugbog at pananakit sa kaniya bandang 2:00-4:12 am ng August 27.
Ito ay matapos umano siyang tumanggi sa kagustuhan nitong sila ay magtalik. Nagalit daw si Teo at nagsimulang maging agresibo. Noong sinubukan niya ring daw tumakas ay pinewersa siya nitong bumalik sa kuwarto at saka ni-lock ang pinto. Dito na siya sinimulang saktan ng suspek na may buong pwersa at dahas.
“I was screaming at the top of my voice.”
Ito ang paglalarawan ni Lim sa kaniyang reaksyon noong mangyari ang insidente.
Halos hindi makilala dahil sa pambubugbog
Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Lim ng ebidensyang nakalap ng Deputy Public Prosecutor na may hawak sa kaso. Ayon sa prosecutor, tumawag at inalerto ng ama ni Teo ang mga pulis bandang 4:12 ng madaling araw noong August 27. Ito ay matapos siyang makarinig ng kaguluhan mula sa kuwarto ng anak. Ang ama ni Teo ay kasama nitong nakatira sa kaniyang apartment.
Nang dumating ang mga pulis ay tumanggi umano si Teo na buksan ang pinto. Kaya kinailangan nilang pwersahin at sirain ito para lang makapasok. Inilarawan nila ang sitwasyon noon na “life-threatening” para kay Lim.
Noong mabuksan na ang kuwarto ni Teo, doon nila nakita si Lim sa nakakaawang kondisyon na halos hindi na makikilala sa bugbog na natamo.
Matapos ang nangyari ay inaresto si Teo, Habang si Lim naman ay dinala sa Singapore General Hospital na kung saan na-confine siya ng 21 days para gumaling sa natamong bugbog at multiple injuries partikular na sa kaniyang mukha.
Epekto ng alkoholismo
Pero depensa ni Teo mayroon siyang drinking problem at hindi niya matandaan ang kaniyang ginawang pambubugbog kay Lim. Maaring ito ay epekto ng alkoholismo umano na hindi naman niya gustong gawin at sinasadya.
“I don’t remember anything. I recall we went to my room and we had sex. The next thing I remember was waking up in a cell… I didn’t know where I was (but) someone told me I was at the Cantonment Police Complex.”
Ito ang pahayag ni Teo sa pagdinig sa kaniyang kaso.
Hindi lang daw ito ang unang beses na nangyari ito sa kaniya matapos malasing.
“I did crazy things… I had woken up in the streets in Vietnam. And I presume the bar people had thrown me out… The list goes on.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Teo.
Substance abuse disorder
Sabi pa ni Teo, si Lim daw ay mayroon ring sakit. Ito umano ay may bipolar disorder at umiinom ng mga gamot para sa sakit. Kaya naman nagkasundo silang dalawa dahil sa gustong nilang suportahan ang isa’t-isa sa mental illness na nararanasan. Si Lim para sa kaniyang bipolar disorder at si Teo sa epekto ng alkoholismo.
“We told each other about our mental health issues from the start… we supported each other. I told her my issues with alcoholism… that I had serious, serious drinking problems. I had lost jobs because of it. I had lost relationships because of it.”
Ito ang pag-aalala ni Teo sa naging pagsasama nila ni Lim.
Pero ayon kay Lim wala siyang bipolar disorder at huli na nang nalaman niyang alcoholic si Teo. At ito ay na-diagnose sa sakit na substance abuse disorder.
Nagkakilala ang dalawa sa dating app na “Coffee Meets Bagel” noong February 2017.
Kung mapatunayang guilty si Teo sa kaniyang kaso, siya ay maaring makulong ng hanggang sa sampung taon.
Pang-matagalang epekto ng alkoholismo
Photo by Adam Wilson on Unsplash
Ayon sa Alcohol.org, ang short term effects ng pag-inom ng alak ay mararanasan ng kahit sinong umiinom nito. Tulad ng hirap mag-concentrate, kawalan ng koordinasyon ng katawan, kawalan ng critical judgement, mood swings, mataas na blood pressure, pagkahimatay at pagsusuka. Ngunit ito naman ay pansamantala lang at nawawala na kapag wala narin ang epekto ng alkohol sa katawan.
Pero kung aabusuhin ang pag-inom ng alak ay mayroon itong long term effects na maaring mauwi sa physical at mental health issues.
Ang ilan nga sa maaring maging pangmatagalang epekto ng alkolohismo ay ang sumusunod:
- Memory loss
- Loss of attention span
- Trouble learning
- Trouble learning
- Alcoholic hepatitis
- Liver fibrosis
- Steatosis tulad ng fatty liver
- Throat, mouth, larynx, breast, liver, colorectal, o esophageal cancer.
- High blood pressure
- Cardiomyopathy
- Stroke
- Irregular heart beat
- Ulcer
- Thiamine deficiency na maaring mauwi sa Wernicke–Korsakoff syndrome
- Impaired blood sugar control
- Pancreatitis
- Erectile dysfunction at irregular menstruation
- Osteoporosis
Ang labis na pag-inom ng alak ay maaring mauwi rin sa mga alcohol–induced psychiatric syndromes, tulad ng alcohol-induced depressive disorder, alcohol-induced bipolar disorder, alcohol-induced sleep disorder, alcohol-induced psychotic disorder, at iba pa. Ngunit ang mga disorder na ito ay maaring malunasan sa pamamagitan ng pagtigil ng pag-inom ng alak at tuluyang pag-iwas sa epekto ng alkoholismo.
Source: The Strait Times, Today Online, Alcohol Org
Photos by Sydney Sims on Unsplash (lead photo), The Straits Times
Basahin: 4 Important things to know about alcohol and breastfeeding
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!