PANOORIN: Isang bata gusto ng mamatay dahil sa bullying

Kung ang anak mo ay bigla na lang naging tahimik at balisa, kamustahin ito dahil maaaring biktima ito ng bullying! Alamin ang epekto ng bullying sa bata

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang tanging hangad lang natin sa ating mga anak ay magkaroon ng maayos na pamumuhay habang siya ay lumalaki. Pinapasyal sa mga parke, sinusuportahan sa kanilang mga nais sa buhay o kaya naman ineenroll sa maganda at maayos na eskwelahan. Para na rin maging kumportable ang kanyang pag-aaral. Everything went well, kapag umuuwi ang iyong anak galing school ay masaya niyang kinukwento kung paano sila kumain sabay-sabay ng kanyang mga classmate. Ngunit paano kung isang araw, pag-uwi niya galing school, bigla na laman niyang sasabihin na gusto na niyang mamatay? Ano nga ba ang epekto ng bullying sa bata?

TRIGGER WARNING: This article discusses suicide.

Ang 9-year-old na si Quaden mula Australia ay ipinanganak na may Achondroplasia, isang uri ng Dwarfism. Isa siyang normal na studyante na ang tanging hangad lang ay makapag-aral. Ngunit isang tagpong hindi nila inaasahan ang nangyari.

Ayon kay Yarakka Bayles, nanay ng bata, nasa school siya upang sunduin si Quaden. Nang makita niya ang isa nitong classmate na tinatapik ang ulo ng kanyang anak at binibiro tungkol sa kanyang height.

“She was patting him on the head like a little puppy. My daughter and I looked at each other and we made signals to him to ask if you are right, and he was like ‘no’ and he was looking at me horrified, like ‘don’t make a scene mum’.”

Pagkatapos ng pangyayaring ito, umiyak ng umiyak si Quaden at sinabi paulit-ullit na gusto nang mamatay. Ibinahagi ni Yarakka ang video ng kanyang anak sa social media upang  humingi ng pabor na isama sa school curriculum ang disability awareness. Ito ay pagkatapos ng pangyayari kung saan binully ang kanyang anak.

“Give me a knife, i want to kill myself.”

Ito ang mga binitawang salita ni Quaden dahil sa pambubully sa kanya.

Screenshot image from Yarraka Bayles

Ayon sa SBS, isang broadcasting network sa Australia, hindi lang ito ang unang pagtatangka na magsuicide ni Quaden. Ang una ay nang mamatay ang kanyang lolo. Pagkatapos ‘non, ay nasundan pa ang balak na pagpapakamay ng 9-year-old na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel like I’m failing as a parent. I feel like the education system is failing. It is bloody as hell.”

Hindi sinisisi ni Yarakka Bayles ang paaralan dahil sa nangyaring insidente. Ngunit sa mga ganitong pagkakataon, dapat bigyan agad ng aksyon at mag-bigay ng awareness tungkol sa disabilities.

Tungkol naman sa pag-aaral ni Quaden, umalis na ito sa paaralan at nagdesisyon na lang ang kanyang ina na i-home school na lamang siya.

Image from Yarraka Bayles

Epekto ng bullying sa bata

Ang bullying ay maaaring mangyari sa lahat ng tao. Bata man o matanda ay nakakaranas nito. Pwede sa school, sa trabaho o minsan ay sa internet. Narito ang mga epekto na maaaring mangyari sa mga batang nakakaranas ng pambubully:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ayaw nang pumasok sa paaralan
  • May mababang self-esteem
  • Iniiwasan ang makihalubilo sa tao
  • Kaunti ang kaibigan sa paaralan
  • Nagiging depress at anxious
  • May mababang marka kasama na ang attendance
  • Self-harm and suicide

Paano magpalaki ng mabuting anak

Lahat tayo ay nagnanais na lumaking mabuti at responsable ang ating anak. Ngunit bago pa man sa eskwelahan na kung saan natututo sila ng iba’t-ibang kaalaman, tayo ang kanilang unang guro. Ang unang taong magtuturo sa kanila ng mga katangian at kaugalian na kanilang makakasanayan at kalalakihan. Ngunit ano nga ba ang dapat nating gawin upang masigurong lalaki ng maayos ang ating anak? Narito ang pitong tips kung paano magpalaki ng mabuting anak na makakatulong sa inyo.

Image from Freepik

1. Siguraduhing magbigay ng oras o quality family time kasama ang iyong anak.

Bilang isang pamilya tayo dapat ang unang taong pupuntahan o tatakbuhan ng ating anak sa oras na siya ay magkaproblema. At magagawa nating makasanayan niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras o pag-spend ng quality family time na kasama siya. Ito man ay sa pamamagitan ng simpleng pamamasyal, pagsisimba kada linggo o ang pakikipagkwentuhan sa kaniya. Sa ganitong paraan ay maipapakita natin sa ating mga anak na may pamilya siyang maasahan at maaring sandalan. Isang pamilya na magiging inspirasyon niya. Magiging gabay niya at magandang halimbawa kung paano makikitungo sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon nga sa isang pag-aaral na isinagawa sa England, malaki ang epekto ng parental engagement sa success ng isang bata paglaki. Mas nagiging inspired sila at academic achiever kapag nakakasama nila ang kanilang magulang sa mga school activities. Tulad ng field trips o hindi kaya naman ay ang simpleng pagbabasa ng libro o kwento ng magkasama.

2. Purihin ang mabubuting katangian ng iyong anak.

Dahil tayo mga magulang ang unang nakakasama ng ating mga anak sa atin sila kumukuha ng kanilang sense of identity. Kung ano ang lagi nating inilalagay sa kanilang isip ay ang bagay na kanilang kalalakihan. Kaya naman imbis na punahin paulit-ulit ang mali nilang katangian ay mag-concentrate sa mabuting katangian na kanilang ipinapakita at purihin ito. Sa ganitong paraan ito ay kanilang uulitin at makasanayan nilang gawin hanggang sila ay tumanda na.

3. Itama ang maling pag-uugali ng iyong anak sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya.

Imbis na deretsong ipamukha sa iyong anak ang mali niyang nagawa ay hayaang siya ang tumukoy nito at kaniyang maitama. Gawin ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya sa paraang maiintindihan niya at makaka-relate siya. Tulad nalang kung may nasaktan siyang kapwa niya bata. Imbis na pagalitan ay kausapin siya ng mahinahon upang maipatindi sa kaniya ang mali niyang nagawa. Simulan ito sa pagtatanong sa kung ano ang nangyari at kaniyang ginawa. Saka iyong alamin kung ano ang naging epekto nito sa kaniya. At ano ang nakita niyang epekto nito sa kapwa niya bata. Sundan ito ng tanong na kung sakaling sa kaniya kaya nangyari ang ginawa niya, ano kaya ang mararamdaman niya? Sa ganitong paraan ay ma-rerealize ng iyong anak na siya ay nakasakit at mali ang kaniyang nagawa.

Kung kaniyang ma-realize ang pagkakamali nagawa niya ay purihin siya at hikayating itama ang mali niyang nagawa sa pamamagitan ng paghingi ng tawad. Sa ganitong paraan ay natuto ang iyong anak na magkaroon ng empathy o magpahalaga sa nararamdaman ng kapwa niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

4. Maging magandang halimbawa sa iyong anak sa pagpapakita ng magandang asal.

Para sa ating mga anak tayo ang kanilang modelo at iniidolo. Lahat ng nakikita nila sa atin ay kanilang ginagaya dahil sa ganitong paraan sila natututo. Mali man ay inaakala nilang ito ang tama. Kaya naman dapat sa lahat ng oras, tayo ay nagpapakita ng magandang halimbawa.

Ayon nga sa developmental and behavioral pediatrician na si Lisa Nalven, ang imitation o ang panggagaya ay napakahalaga sa development ng abilities ng isang bata.

“Imitation is vital to the development of abilities ranging from language to social skills.” Ito ang pahayag ni Nalven na nagmula sa Valley Center for Child Development sa Ridgewood, New Jersey.

Habang ayon naman kay Daniel B. Kessler, ang bawat kilos na ginagawa ng isang bata ay paulit-ulit niya munang ino-obserbahan na ginagawa ng matanda bago niya gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Some children spend a lot of time observing and processing information before they attempt something.”

Ito ang pahayag ni Daniel B. Kessler, director ng developmental and behavioral pediatrics sa Children’s Health Center ng St. Joseph’s Hospital sa Phoenix, Arizona.

Kaya naman mahalaga na laging magpapakita ng magandang halimbawa sa iyong mga anak. Tulad ng pagtulong at pagbibigay sa kapwa, pagsasabi ng po at opo, paggalang sa mga matatanda, pagdadasal, pagpapasalamat at iba pang kagandang asal na dapat ay taglayin niya.

Image from Freepik

5. Turuan ang iyong anak na siya ay hindi perpekto at ang pagkakamali ay paraan upang siya ay matuto.

Bilang magulang ay hindi mo dapat i-pressure ang iyong anak. Hayaan mong i-enjoy niya ang kaniyang pagkabata. Ipaintindi sa kaniya na bagamat ang gusto mo ay ang ikabubuti niya, siya parin ang may hawak ng kinabukasan niya. At ang pagkakamali ay bahagi lamang ng learning process na ito.

Sa kaniyang batang edad ay hayaan siyang gumawa ng desisyon para sa sarili niya. Ngunit, gabayan at paliwanagan siya sa maaring maging epekto ito. Sa ganitong paraan ay matututo siyang magkaroon ng kontrol. Habang natututo rin siyang alamin ang mga epekto ng bawat hakbang na kaniyang gagawin. Sa oras naman na siya ay magkamali ay ipaintindi sa kaniya na ayos lang ito. Ngunit sa susunod ay dapat matuto na siyang huwag magpadalos-dalos upang hindi na ito maulit pa.

 

Source: Stuff

BASAHIN: 6 rason kung bakit nagiging bully ang isang bata

Sinulat ni

Mach Marciano