6 rason kung bakit nagiging bully ang isang bata

6 rason kung bakit nagiging bully ang isang bata

Narito ang mga dahilan kung bakit nagiging bully ang isang bata.

Bilang magulang, isa sa ikinatatakot nating maranasan ng ating mga anak lalo na kapag wala sila sa ating tabi ay ang ma-bully. Lalo pa’t ayon sa mga pananaliksik tungkol sa bullying ang iniiwang epekto nito sa isang bata ay hindi agad nawawala at maari niyang dalhin ng pang-matagalan.

Ngunit paano kung ang iyong anak ang nambubully? Maaring tatanungin mo kung paano ito nangyari. Para maliwanagan ay narito ang ilang rason kung bakit nagiging bully ang isang bata na maaring mapigilan at maiwasan sa simula palang.

pananaliksik tungkol sa bullying

Image from Freepik

Pananaliksik tungkol sa bullying

Base sa mga naunang pag-aaral, isinalarawan ng mga eksperto ang mga batang bully bilang mga highly-aggressive na batang may self-esteem issues at nagmula sa isang violent at neglectful na tahanan.

Ngunit may iba pa palang dahilan na maaring pagsimulan ng pagiging bully ng isang bata. Ayon kay Dorothy Espelage, isang child-development professor mula sa University of North Carolina, ang mga ito ay ang sumusunod:

Mga rason kung bakit nagiging bully ang isang bata

1. Hindi nabibigyan ng sapat na atensyon, pag-aaruga o pansin ng kanilang mga magulang.

Isa sa mga dahilan kung bakit nagiging bully ang isang bata ay ang kakulangan ng pag-aalaga at atensyon mula sa kaniyang mga magulang. Ang kakulangan na ito ay nakikita niyang naibibigay sa ibang bata dahilan para siya ay mainggit at pag-initan ang naturang bata sa pamamagitan ng pambubully. Pumapasok din dito ang kakulangan ng oras ng isang magulang na disiplinahin ang maling gawi ng anak. Kaya naman ito ay kaniyang kalalakihan at makakasanayan.

2. Nakakaranas ng labis na pressure mula sa kaniyang mga magulang.

Ang ibang bata naman ay nakakaranas ng labis na pressure at demands mula sa kaniyang mga magulang. Ito ay maaring sa pamamagitan ng pagkaroon ng mataas na grades o maging achiever sa lahat ng bagay. Kaya naman ginagawa ng isang bata ang lahat para lang mapatunayan ang kaniyang sarili kahit na ba ito ay sa pamamagitan ng pananakit ng iba o pambubully.

3. Sila ay nakakaranas ng pang-aabuso o pananakit sa kanilang mga magulang o mga kapatid.

Dahil sa nararanasang pananakit o pang-aabuso sa loob ng kanilang bahay, iniisip ng isang bata na ito ay tama. Kaya naman, dahil sa pag-aakalang ito ay normal at tama ginagawa niya ito sa ibang bata.

4. Nakakaranas sila ng rejection sa bahay o sa malalapit nilang kaibigan.

Dahil sa rejection na nararanasan mula sa kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan, iniisip ng isang batang bully na ang pagkokontrol sa iba ay nagdadagdag sa tiyansa niyang magustuhan at tanggapin ng mga tao sa paligid niya.

5. Lahat ng kanilang gusto ay ibinibigay.

Ang mga batang laki sa layaw o sunod ang luho ay mataas din ang tiyansa na maging bully. Dahil ito sa nakasanayan nilang nakukuha ang gusto nila ng walang sinusunod na rules o limitasyon. Kaya naman iniisip nila lahat ng bagay na kanilang ginagawa ay tama kahit na ba nakakasakit na sila ng kanilang kapwa.

6. Sila ay biktima rin ng bullying.

Ang mga batang bully ay minsan ring biktima ng pambubully. Kaya naman para pagtakpan ang takot na nararamdaman nila ay pinipili nilang mambully ng iba.

Ang pagiging bully ng isang bata ay maaring maiwasan. At malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang pati na ang mga guro sa paaralan para ito ay maisakatuparan.

Dahil bilang mga bata ay kailangan nila ng constant love at attention mula sa mga matatanda. Ito ang nagsisilbing gabay at insipirasyon nila para lumaki ng maayos at maging katanggap-tanggap sa kanilang kapwa at lipunan.

Source: BBC News, Huffpost

Photo: Freepik

Basahin: 6 warning signs your child is a victim of bullying

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner