Inflammation daw ang isa sa mga epekto ng bullying sa kalusugan ng tao. Mayroon namang payo ang mga experts kung paano ito mari-reduce ang harmful effect nito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Palaging inaasar ang anak sa school? Ito ang epekto ng bullying sa kalusugan
- Paaano mabawasan ang inflammation na dulot ng bullying
Palaging inaasar ang anak sa school? Ito ang epekto ng bullying sa kalusugan
Malaking problema sa school ang bullying, lalo kung bata sa bata ang pinag-uusapan. Pareho kasing minor at hindi pa nila masyadong alam ang kanilang ginagawa. Kailangang tingnan ang parehong cause and effect kapwa sa nambu-bully at sa binu-bully. Sa experts, nalaman nila kung ano nga ba ang epekto ng bullying sa kalusugan maging kung paano ba ito mababawasan.
Brain as a manager of the “body budget”
Ipinaliwanag ng neuroscientist na si Lisa Felman Barrett kung gaano kaimportante ang brain sa katawan. Ayon sa kanya, mina-manage raw kasi ng utak ang ‘body budget’ sa tao na para bang bangko ito.
Halimbawa maaari kang mag-invest sa body budget mo sa pamamagitan ng pagtulog, pagkain, pag-inom ng tubig, at pagkonekta sa ibang tao. Samantalang pwede ka ring mag-withdraw sa pamamagitan ng pag-eexercise, pagko-concetrate, pagkakaroon ng disconnection sa ibang tao, at iba pang ginagawa mo.
Kaya nga malaki ang ginagampanan nitong role para sa kalusugan, dito na rin papasok kung paanong naapektuhan ng bullying ang kabuuan ng tao. Sa mga panahon daw kasi na nakakasalamuha ang anak ng taong may bullying behavior gumagamit ito ng maraming resources mula sa kanyang body budget. Kailangan niya ito i-activate ang kanyang survival circuits.
Kaya nga sa mga bata sa school, kung binubully siya ng kanyang peers o kaklase, iisipin ng brain niya na maging aggressive sa lahat ng social interactions. Nagiging dahilan ito para magamit niya nang magamit ang body budget kaysa ma-replenish pa ito.
“Your brain mispredicts that your body needs energy over and over and over, driving your budget into the red.”
Ito ang paliwanag ni Barrett.
Kung mas madalas na nakakasalamuha ng anak mo ang kanyang bully, iisipin ng kanyang brain na nasa sitwasyon siya kung saan kailangan niyang gamitin ang fight, flight, at freeze. Kaya nagsasanhi ito na mag-release ng maraming stress hormone cortisol ang katawan kaysa sa normal na bilang. Nagiging prolonged case ito ng body budget dahilan para maging out of balance na ang katawan.
Ayon pa sa experts, minsan daw ginagawa ng isang tao na gamitin ang “flight” response o iyong pag-iwas na lang sa kanyang mga bully. Mahirap daw itong gawin kung sakaling nasa authority o ang teacher na niya mismo ang nagpapakita ng bullying behaviors.
Kaya lalong magsasanhi pa ito sa inflammation na nakaka-drain ng energy, madaling magkaroon ng lagnat, at nagiging prone sa viruses.
Paaano mabawasan ang “inflammation” na dulot ng bullying
Mahalaga raw na naoobserbahan ng parents ang kanilang anak sa school upang namo-monitor kung ano ba ang kalagayan nila dito. Maraming bata kasi ang pinipiling hindi na lang magsumbong dahil sa takot nila sa kanilang bully. Kaya importanteng from time to time ay nagtsi-check sa anak.
Para naman mabawasan ang harmful effect ng inflammation dahil nga sa bullying, mayroong tatlong steps na maaaring gawin ayon sa experts. Malaking tulong daw ito upang ma-lessen ang negative effect nito sa brain at body.
Narito ang mga sumusunod na pwedeng gawin para masolusyunan ito:
Restoring power of mindfulness.
Turuan siyang magkaroon ng mindfulness dahil malaking tulong ang brain para sa overall health ng katawan. Maaaring ipagawa sa kanya na pumikit, huminga unti-unti at mag-focus dito. Hayaang maramdaman niyang siya ay nasa present at turuan ang utak niya na ligtas siya at hindi niya kailangang magwithdraw ng kahit ano sa body budget.
Nakakatulong ito upang magbuild ng reserves sa body budget at maactivate ang parasympathetic system ang macalm down ang katawan sa sruvival circuits at mareduce ang inflammation. Nabibigyan ng balance nito ang brain muli.
Restoring power of aerobic exercises.
Malaki ring tulong ang physical movements sa pagpi-prevent ng harmful effects ng stress. Ang exercises din daw ay nakakatulong para sa repair ng body and brain sa tuwing may stress na nag-occur. Aerobic exercises din ang nagrerelease ng brain-derived neurotropic factor (BDNF) na nakakapagtibay ng neural connections at nagfufuel ng bagong brain cells.
Regulating emotional response.
Turuan din ang anak na mag-disconnect sa kanyang negative experiences at palitan ito ng positive opportunities. Ibig sabihin kinakailangan na magdeconstruct ng emotional reaction at bumuo muli. Maganda raw kasing napapractice siya na maging mindful, proactice at responsive sa mga present situtaions.