Kung akala natin ay sa eskuwelahan, mga kalaro, at online lang puwedeng makaranas ng pambu-bully ang inyong mga anak. Nagkakamali kayo dahil maaari magkaroon ng bullying sa magkakapatid. Ang epekto ng bullying sa mga magkakapatid dapat bantayan dahil maaari itong magdulot ng mental health problems kinalaunan.
Sa isang ginawang national representative survey ni Murray Straus at ng kaniyang mga kasamahan sa University of New Hampshire. Ininterbyu nila ang mga magulang ng anak na higit sa isa na nasa edad 3-anyos at 17-anyos. Sinuri nila ang aggression sa pagitan ng magkakapatid.
Apat sa limang pamilya ay may kaso ng sibling violence noong nakaraang taon. Karamihan sa mga pamilyang ito ay hindi naman ganoon kagrabe ang sibling aggression.
Ano ang sibling bullying?
Ayon sa isang clinical psychologist, ang sibling bullying o pambu-bully sa pagitan ng magkakapatid ay maaaring emotional o physical abuse. Ang mga magkakapatid na babae at lalaki ay madalas na at mas matindi ang maaaring pambu-bully sa isa’t isa.
Sa isang pag-aaral ng Bowes study nangyayari umano ang bullying sa pagitan ng mga magkakapatid kapag, occurs “…when a brother or sister tries to upset you by saying nasty and hurtful things, or completely ignores you from their group of friends, hits, kicks, pushes or shoves you around, tells lies, or makes up false rumors about you.”
Paano masasabi kung bullying nga ito?
Ang standard definition ng bullying ay severe, paulit-ulit, at mga effort upang makasakit ng iba, at idagdag pa ang power difference na nagiging sanhi ng imposibleng pagtatanggol ng biktima sa kaniyang sarili.
Sa pagitan ng magkakapatid ang mas matatanda ang kadalasang nambu-bully. Pero tandaan din na hindi lahat ng conflict sa pagitan ng magkakapatid o ng iyong mga anak ay masasabi nang pambubully.
Tandaan ang salitang severe o matindi, dahil ito ang standard na depinisyon ng bullying at kung paulit-ulit na itong nangyayari. Dapat ding tandaan na hindi lagi ang mas nakakatandang kapatid ang nambu-bully kundi sa ilang pagkakataon kaya ring mambully ng nakababatang kapatid.
Siyempre bilang isang magulang ayaw nais niyong protektahan ang inyong mga anak mula sa matinding pag-aaway at pagkakasakitan. Pero hindi dapat mag-intervene sa mga ordinary o simpleng pag-aaway nila. Hindi isang simpleng usapin ang bullying dahil maaaring magkaroon ng epekto ito sa inyong mga anak kapag sila’y lumaki na.
Warning signs kung bully ang magkakapatid sa isa’t isa:
- Paulit-ulit na pang-aasar
- Pangungulit ng paulit-ulit
- Nagiging pisikalan na sila at madalas itong nangyayari
- Nagbabanta sa kapatid niya ng paulit-ulit
- Nanunulak
- Nanampal
- Nambabato sa kaniyang kapatid.
Ang mga ganitong atake o aksyon ay maaaring maging potensyal na sanhi ng isang masidhing injury. Katulad ng mga sumusunod:
- Paninipa
- Pangangagat
- Panununtok
- Nananakit gamit ang mga bagay
- Pambubugbog
- Pagbabanta gamit ang kutsilyo.
Ang epekto ng bullying sa pagitan ng magkakapatid ay iniuugnay sa masidhing epekto nito sa mental health ng isang bata. Kadalasan din mas nagiging involved pa siya sa ganitong gawain sa labas ng inyong bahay kasama ang mga kaibigan na maaaring bully rin. Ayon ito sa dalawang psychologists na sina Dieter Wolke at Alexandira Skew.
Sinasabi rin sa pag-aaral ni Lucy Bowes, tinanong nila ang sibling bullying ng 12-anyos at in-assess nila ang mental health nila pagsapit ng 18-anyos. Sinasabing kapag na-bully ang isang 12-anyos na bata ng kaniyang kapatid ng higit sa dalawang beses sa isang linggo. Nagkakaroon sila ng depression at maaaring mag-self-harm pagsapit ng 18 taong gulang.
Ano ang puwede niyong gawin bilang mga magulang?
- Maging safety guardrail upang mabawasan ang pambu-bully sa pagitan ng magkakapatid.
- Lumikha ng isang payapang lugar sa inyong bahay. Kung madalas nag-aaway o nagdidiskusyon kayong mag-asawa at nakikita ito ng inyong mga anak nakakadagdag ito sa kanilang stress at maaaring ilabas ito sa kanilang kapatid. Maglaro rin kayo ng mga game upang maglikha ito ng bonding at quality time sa magkakapatid.
- Magturo ng problem-solving skills. Sa pamamagitan nito matuturuan ninyo ang inyong mga anak upang maayos ang kanilang problema sa isa’t isa. Iwasan din ang pagkampi sa isang anak o sa isa mo pang anak. Sa pamamaraang ito naipapakita ninyo na wala kayong pinapanigan at natuturuan niyo sila upang maayos ang gusot sa pagitan nilang magkapatid.
- I-encourage ang sibling fun. Sa pamamagitan nito maaari mong maturuan ang inyong mga anak kung paano i-manage ang kanilang emosyon. Maintindihan ang pananaw ng ibang tao at turuan silang kung paano tumanggap o tumanggi kung halimbawang inaaya siyang magkipaglaro ng kaniyang kapatid.