Ito ang nagiging epekto ng pambu-bully sa utak ng iyong anak

Ang epekto ng bullying sa utak ng mga bata ay hinding-hindi dapat ipagwalangbahala dahil posible itong magdulot ng mental health problems.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang bagong pag-aaral, posible raw maging mas malala ang epekto ng bullying sa utak ng mga bata kaysa sa dating inaakala. Mas may malaki umano epekto sa isang bata.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto ng bullying sa utak
  • Anong magagawa ng mga magulang para sa kanilang anak

Natuklasan ng mga researcher na ang paulit-ulit na pambu-bully sa isang tao o bata ay nakakaliit umano ng utak. Sa pagliit umano ng utak, posibleng mas maging prone ang mga batang naapektuhan nito ng depression at anxiety, o mga batang nakakaranas ng pambu-bully.

Hindi dapat balewalain ang epekto ng bullying sa utak

Isinagawa ang pag-aaral ng mga researcher mula sa King’s College London. Layunin umano ng kanilang pag-aaral ay alamin kung ang epekto ng bullying sa utak ng kabataan at ano ang epekto nito sa brain development.

Sa isinagawang pag-aaral, mahigit-kumulang 682 na kabataan nasa edad na 14-19 ang lumahok. Pinasagot nila ang mga lumahok sa pag-aaral ng isang questionnaire patungkol sa mental health. Sumailalim din sa brain scan ang mga kalahok sa pag-aaral. Mahigit 30 sa kanila umano ay umaming naging biktima ng bullting noong sila’y mga bata pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Basa sa isinagawang brain scans, napansin na nilang mas liit ang ilang bahagi ng utak ng mga kabataang naging biktima ng pambu-bully. Ang bahagi umano ito ng utak kung saan konektado sa pag-aaral at pag-uugali ng isang tao.

Bukod pa rito, napag-alaman din ng mga researcher na mayroong depression at anxiety ang mga batang nakaranas ng bullying noon ang maaaring naging sanhi sa kanilang brain development.

Isa sa malalaking problema sa ating lipunan ngayon at sa buong daigdig, lalo na sa kabataan ang bullying. Mayroong ilang mga kaso kung saan may mga batang nagpakamatay dahil umano sa nararanasan nitong pambu-bully. Patuloy pang umaakyat ang mga ganitong kaso sa ating panahon. Kaya kailangan na maging seryoso patungkol sa pagtalakay sa usapin ng bullying. Higit na kailangan na maiwaksi ito dahil malaki ang tiyansa na ito’y maging isang malalang problema sa hinaharap na maaari pang magdulot ng marami pang pagpapakamatay mula sa hanay ng kabataan.

BASAHIN:

Murder of 9 students bares long-term dangerous effects of bullying

7 signs na bully ang isa mong anak sa kaniyang kapatid

4 na bagay na dapat ituro sa bata para hindi siya ma-bully

Warning signs na nabu-bully ang iyong anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa School photo created by jcomp – www.freepik.com

Upang matulungan ang iyong anak kung siya’y nabu-bully narito ang ilang mga palatandaan kung siya’y nakakaranas nito:

  • Hindi maipaliwanag na mga sugat o injuries
  • Kapag nawala ang mga gamit ng iyong anak katulad ng damit, libro, gadgets, o jewelry na hindi niya maipaliwanag kung bakit ito nawala.
  • Madalas na pananakit ng ulo, o tiyan, o nagkukunwaring may sakit.
  • Pag-iiba ng kaniyang eating habits, biglang pag-skip ng kaniyang meals.
  • Nahihirapang matulog o madalas na nakakaranas ng nightmares o bangungot.
  • Pagkawala ng interes sa pag-aaral o pagpasok sa eskuwelahan.
  • Pag-iwas sa mga social gatherings o situations
  • Pagkawala ng self-esteem.
  • Pagkakaroon ng mga self-destructive behaviors katulad na lamang ng pananakit sa kanilang sarili o pagsasabi patungkol sa pagpapakamatay o suicide.

Ano ang magagawa ng mga magulang tungkol sa bullying?

Larawan mula kay Ketut Subiyanto mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malaking problema ang bullying. Maraming sa kabataang sa nakalipas na limang taon ang kinitil ang kanilang buhay dahil sa depresyon dulot ng bullying na kanilang nararanasan.

Bukod sa kaligtasan ng ating mga anak, mahalaga rin na malaman nating mga magulang kung ano ang ating mga dapat gawin kung nakakaranas ng pambu-bully ang ating anak. Narito ang ilang tips para sa inyo:

  • Kausapin ang iyong anak. Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon upang hindi matakot o mahiya ang iyong anak na magsabi kung biktima sila ng bullying.
  • Turuan silang maging matapang at huwag matakot sa kanilang bully.
  • Ipaalam sa iyong anak na palagi kang nariyan na handa silang tulungan at suportahan kung mayroong mang-bully sa kanila.
  • Kausapin ang kanilang teacher at sabihin na biktima ng bullying ang iyong anak.
  • Turuan mo ang iyong anak na wag mahiyang humingi ng tulong kung sila ay binu-bully ng kanilang kaklase.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

New Atlas, stopbullying

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara