Mag iisang buwan na nang isinailalim sa quarantine ang buong Luzon. At halos dalawang linggo na ang natitira bago ito matapos ngunit sa pagtaas ng kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19, kasabay nito ang patuloy na pagdaing ng ilang pilipino sa epekto sa kanila ng nangyayaring quarantine. Ngunit ano nga ba ang epekto ng community quarantine sa Pilipinas?
Epekto ng community quarantine sa Pilipinas
Noong March 14 inanunsyo ni Pangulong Duterte ang lockdown sa buong NCR ngunit naging Total Lockdown na rin ilang araw lang ang nakakalipas.
Epekto ng community quarantine | Image from Freepik
Sa protocol na ito, hindi na maaaring lumabas ang mga tao sa kanilang mga bahay pwera na lang kung may kailangan silang bilhin na essential goods. Katulad ng pagbili ng gamot o grocery. Kanselado na rin ang byahe ng lahat ng pampublikong sasakyan katulad ng jeep, bus o tricycle. Ang layunin ng Enhance Community Quarantine na ito ay ang mabawasan ang bilang ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa pamamagitan ng social distancing at pamamalagi muna sa kani-kanilang mga bahay.
Parte rin ng Enhanced Community Quarantine ang ilang kompanya na nagkansela ng kani-kanilang pasok. Ibig sabihin, pansamantala nilang sinuspinde ang pasok sa kanilang trabaho. Ang iba naman ay nagsagawa ng ‘Work from home’ protocol. Para kahit nasa bahay ay tuloy pa rin ang trabaho.
Ngunit hindi lahat ng manggagawa ay ganito ang sitwasyon. Mayroon pa rin ang pansamantalang nawalan ng trabaho kaya naman walang pang gastos ngayon sa nangyayaring lockdown. Para sa kanila, no work, no income.
Dahil rito, hindi na napigilan na magkagulo ang ilang mamamayan sa San Roque, Quezon City.
Ayon sa kanila, napilitan silang maghanap ng pagkain sa labas dahil bigong makarating sa kanila ang mga pagkain at tulong na ipinapamahagi sa bawat barangay at munisipalidad.
May isang resindente ang hindi na napigilang magbahagi ng saloobin sa nangyayari. Ayon dito, hindi sila natatakot sa COVID-19. Ang dapat mong ikatakot ay ang mamatay kang gutom.
Epekto ng community quarantine | Image from Unsplash
Epekto ng community quarantine: Ano nga ba ang dulot nito?
Sa nangyaring kaguluhan noong April 1 sa San Roque, Quezon City, makikita kung gaano karami ang apektado ng nangyayaring krisis. Lalo na dahil reklamo nila, napilitan silang maghanap ng makakain dahil walang nakaabot sa kanilang mga grocery na ipinapamahagi.
Ngunit pilit naman itong pinabulaanan ng local na pamahalaan ng Quezon CIty. Ayon sa kanila, hindi totoo ang mga paratang na hindi sila binibigyan. Ngunit sa imbestigasyon naman, napag-alamang nakatanggap naman pala ng mga grocery ang ilang residente dito.
Umalma rin ang mga taxi drivers sa nangyayaring quarantine. Ayon kay Tatay Reynaldo, isang taxi driver na byumahe, napilitan silang mamasada para kahit papaano ay may kita pa rin sila dahil isang buwan silang walang mapagkukunan ng pera dahil walang trabaho.
“Magugutom talaga kami kapag hindi kami byumahe dahil wala kaming pera. mahirap eh. Mahirap kapag mahirap.”
Epekto ng community quarantine | Screenshot image from ABS-CBN
Samantala, ‘gutom’ rin ang daing ng mga tao sa Calamba, Laguna. Ayon sa kanila, gutom na ang mga binigay na relief goods at hindi na ito nasundan pa.
Idinadaan na lamang nila ang pag-alis ng gutom sa pag-inom na lamang tubig upang maibsan ang kumukulong tyan. Humingi naman ng pasensya ang lokal na pamahalaan ng Laguna sa delay ng mga grocery na ipinapamigay sa kanila. Mas inuna kasi muna ang mga mahihirap na pamilya at binigyan ito ng grocery.
Source: Rappler
BASAHIN: Workers in Metro Manila walks home, says “Di kami natulog..”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!