Mas madali nga bang mahawaan ng COVID-19 ang mga may asthma?

Mas mataas nga ba ang risk na mahawaan ng COVID ang mga taong may asthma?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagama’t isang communicable disease o naihahawa through contact, target pa rin ng COVID ang respiratory system ng isang tao. Kaya naman, alamin ang epekto ng COVID-19 sa may asthma. Mas at risk nga ba sila sa naturang sakit?

Epekto ng COVID-19 sa may asthma

Ayon sa mga pag-aaral, ang respiratory system ng isang tao ang karaniwang natatamaan kapag siya ay nagpositibo sa sakit na COVID-19. Dahil dito, masasabi nga bang mas at risk ang mga taong may asthma na mahawaan ng virus?

Image from Freepik

Una sa lahat, mahirap tukuyin kung ang iyong nararanasan ay isa lamang asthma attack o kung ito ay sintomas na ng COVID? Kaya naman napakahalaga na sumunod sa social distancing ang sinumang mayroong asthma o iba pang respiratory disease. Ito ay para makasigurong hindi na mahawaan.

Bukod pa rito, sa oras na makaramdam kahit na kaunting atake ng asthma ay kaagad na mag-take ng iyong asthma medication o di naman kaya ay gumamit ng inhaler.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung pamilyar ka sa iyong asthma triggers, iwasan na rin ito para hindi na umabot sa malalang sitwasyon.

Ilan pang puwedeng gawin

Image from Freepik

  • Siguraduhin na malinis ang iyong paligid. Kung maaari ay huwag ang may asthma ang maglinis dahil ang dumi ay maaring maka-trigger sa isang asthma attack.
  • I-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan katulad ng cellphone, remote control, doorknobs, light switch at iba pa.
  • Buksan ang mga bintana at pinto para makalanghap ng sariwang hangin.
  • Maari rin namang gumamit ng humidifier para masigurong malinis ang nalalanghap na hangin.

Sintomas ng COVID-19

Dahil nga nabanggit na mahirap tukuyin ang pinagkaiba ng sintomas ng COVID-19 at asthma attack, narito ang mga sintomas ng COVID na maari mong i-monitor sakaling maranasan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa CDC, ang sintomas ng COVID sa bata at matanda ay magkatulad lang. Ngunit kung ikukumpara sa lala o severity ng sintomas na ipinakita ay naitalang mas mild ang naranasan ng mga batang nagpositibo sa virus. Sila ay nakaranas ng lagnat, sipon at ubo. Habang may ibang kaso ang naiulat ring nakaranas ng pagtatae at pagsusuka.

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang isang tao naman na nakararanas ng asthma attack ay makakaramdam ng pagsikip ng airways dahilan para mahirapang makahinga. Madalas ding makakarinig ng wheezing o parang sumisipol na tunog sa tuwing humihinga. Bukod pa rito, hindi rin mapigilan ang pag-ubo sa tuwing inaatake ng asthma. Pero di tulad ng COVID, hindi madalas na nilalagnat o nagsusuka at dumi ang ina-asthma attack.

Kaya naman, sa oras na makaramdam ng paninikip ng dibdib at ikaw ay may history ng asthma, antabayanan muna ito. Obserbahan kung magkaroon ng iba pang sintomas at saka kumonsulta sa iyong doktor. Kung maaring makapag-set up ng online check up ay mas maigi upang hindi na rin ma-expose sa ibang tao na maaring carrier ng naturang sakit.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

GMA News Online, CDC

Basahin:

Hika ng bata: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na asthma

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie