Nanay na busy umano sa Facebook, hindi namalayan na nalunod ang 8-month-old na anak

Isang sanggol ang nalunod dahil umano sa pagiging abala ng kaniyang magulang sa paggamit ng Facebook, epekto umano ng distracted parenting. Alamin ito rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang tubig ay hindi dapat na katakutan. Subalit dapat na tandaan na kailangang bantayan ng maigi ang kanilang mga anak sa tuwing naliligo o naglalaro sa tubig. Ang isang maliit na bata’y maaaring malunod sa tubig sa isang kisap-mata lamang katulad ng nagyari sa sanggol na ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang distracted parenting?
  • Pagkalunod ng isang bata dahil sa disctracted parenting

Pagkalunod ng isang baby 

Isang ina mula sa Texas, USA ay arestado matapos malunod ang kaniyang sanggol. Ang kaniyang sanggol na may pangalan na baby Zayla ay nalunod sa kanilang bathtub habang abala ang kaniyang ina sa pakikipag-usap sa Facebook.

Ayon sa Parker County Sheriff’s Office, ang 21 anyos na si Cheyenne Summer Stuckey, ina ng sanggol, ay umalis ng ilang minuto at iniwan ang 8 buwan gulang na anak sa kanilang bathtub habang bukas at umaagos ang tubig.

Sabi ni Stuckey sa mga pulis, matapos niya umanong lumabas sa banyo ay napunta ang kaniyang atensiyon sa kaniyang isa pang anak na nanonood ng telebisyon na malakas ang tunog.

Ngunit kalaunan ay nalaman ng mga imbestigador na nagsisinungaling lamang ito. Base sa kanilang imbestigasyon, lumabas na abala umano sa pakikipag-usap ang ina ng sanggol sa dalawang tao sa Facebook Messenger at umabot ng nasa 18 minuto at naiwan ng mag-isa si baby Zayla sa kanilang bathtub.

Walang Tugon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Nang maalala ni Stuckey na nakalimutan niya ang anak na si Zayla ay agad na tumakbo ito sa kanilang banyo. Subalit ng makita ang katawan ni Zayla ay ito’y nakabaligtad na at hindi na tumutugon.

Sinabi ni Stuckey sa pulisya na hindi siya marunong na magsagawa ng resuscitation sa kaniyang anak. Lakaunan, ayon sa lumabas na autopsy report, sinabi ng mga awtoridad na namatay nga si baby Zayla dahil sa pagkalunod.

Kinasuhan na si Stucky ng kasong reckless endangerment at injury na mula sa kaniyang pagiging pabaya. Sa ngayon, ang kaniyang tatlo pang anak ay kinuha na nga mga awtoridad at sumasailalim na sa foster care.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Baby girl, aksidenteng nahiwa ang mukha nang ipanganak via CS

Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

7 parenting mistakes kaya madali kang nagagalit sa anak mo

Gaano katagal bago malunod ang isang bata?

Ayon sa YMCA, ang isang bata ay maaaring malunod sa maliit na sandal tulad na lamang kung iiwan itong mag-isa at kukuha ang kaniyang magulang ng tuwalya.

Maaari din na mahimatay ito sa loob ng dalawang minuto. Halimbawa na lamang ay ang pagsagot ng tawag ng isang magulang sa telepono.

Sa oras na mababad at napailalim na ang isang bata sa bathtub o pool ng nasa apat hanggang anim na minuto, makararanas na sila ng brain damage.

Larawan mula kay Alberton Record

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga sanggol o maliit na bata ay maaari nang malunod sa isang bathtub. Kahit na may ilang pulgada lamang ito ng tubig basta’t naiwan at napabayaang mag-isa.

Sa katunayan, isang timba lamang ng tubig o kahit na anong dami nito na makaaabot sa kanilang bibig at ilong ay maaaring ng maka-suffocate sa kanila.

Base sa isang pag-aaral ng Perak Clinical Research Center, umaabot sa 500 bata ang nalulunod kada tao sa Malaysia.

Ito rin ang pangalawang mataas na dahilan ng kamatayan para sa mga batang edad 1 hanggang 18.

Epekto ng distracted parenting: Ano ang distracted parenting?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa People photo created by karlyukav – www.freepik.com

Isa nga sa epekto ng dsitracted parenting ay ang pagkamatay ni Baby Zayla. Sa kabilang banda kung ikaw ay distracted sa pagbabantay sa iyong anak ay maaari rin siyang ma-injury o may masamang mangyari sa kaniya.

Subalit ano nga ba ang distracted parenting? Ayon kay ng Michigan State University, ito umano ay isang ang sobra-sobrang paggamit ng mga magulang ng technology. Partikular na ang paggamit ng cellphone o tablets habang nag-aalaga ng kanilang anak.

Paliwanag pa niya,

“There are the obvious risks of distracted parenting—when parent’s eyes are on their phones, they are not on their children. Studies have shown a correlation between the incidences of playground injury and parents’ technology-related inattention.”

Subalit ang hindi umano masyadong pansin at mas concerning ay paggamit at pagiging pokus ng mga magulang sa paggamit ng gadget kaysa sa kanilang mga anak. Katulad na nga ng nangyari kay baby Zayla, na nauwi sa kaniyang pagkamatay.

Mahalagang malaman natin ang mga epekto ng distracted parenting lalo na para sa ating mga anak. Tandaan natin na habang silang bata pa ay mas kailangan nila ng ating gabay na kanilang mga magulang.

Upang maiwasan na rin ang mga masasamang pangyayari sa ating mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Charlen Mae Isip.

Karagdagang ulat kay Charlen Mae Isip

Source:

Yahoo, Malay Mail Online,

Sinulat ni

The Asian Parent