X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Baby girl, aksidenteng nahiwa ang mukha nang ipanganak via CS

6 min read

Panganib sa panganganak ng CS, baby aksidenteng nahiwaan ang mukha!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng inang nahiwaan ang mukha ng baby at na-impeksyon ang sugat matapos manganak via CS delivery.
  • Mga panganib sa panganganak ng CS na dapat malaman ng mga kababaihan.

CS baby aksidenteng nahiwaan ng doktor ang mukha

panganib sa panganganak ng CS, baby aksidenteng nahiwaan ang mukha

Image: shutterstock

Lahat ng panganganak ay may kaakibat na peligro. Kabilang na rito ang mga pagkakamaling nagagawa ng mga doktor sa oras ng panganganak.

Para sa isang ina ang pagkakamaling ito ay naaalala niya sa tuwing tinitingnan ang mukha ng kaniyang anak. Dahil si baby aksidenteng nahiwaan ang mukha ng ma-cesarean ang mommy niya sa panganganak.

Ang insidenteng ito ay nangyari sa isang 19-anyos na inang si Darya Kadochnikova mula sa Russia.

Noong una ay normal vaginal birth delivery sana ang magiging panganganak ni Kadochnikova. Ngunit, sa mga huling sandali ay kailangan siyang biglang i-cesarean para ligtas na maisilang ang kaniyang baby. Ito ay dahil ang ulo ng kaniyang sanggol ay hindi nakaposisyon ng maayos palabas sa kaniyang puwerta.

Ligtas na naipanganak ni Kadochnikova ang baby girl niya. Ngunit nagulat ito ng makita ang kaniyang sanggol na may hiwa sa mukha.

Ang mukha ng baby niya aksidenteng naabot ng scalpel habang hinihiwaan ng doktor ang tiyan niya. Ang hiwa ay sa bandang ilalim ng kanang mata ng kaniyang sanggol.

Maliban sa pagkakahiwa ng mukha ng kaniyang sanggol, naiulat din na si Kadochnikova ay nakaranas ng mataas na lagnat matapos manganak. Siya’y niresetahan ng antibiotics dahil sa na-infect ang kaniyang sugat. Pati na ng mga gamot para maibsan ang sakit na dulot nito.

Mga panganib sa panganganak ng CS o cesarean section delivery

cara melahirkan bayi

Photo: sehatQ

Ang panganganak ng CS o cesarean section delivery ay mayroong naibibigay na benepisyo. Ito ay nakakabawas umano ng stress at ng pag-aalala ng isang babae na magiging masakit ang panganganak niya.

Maliban dito, sinasabing bumababa ang tiyansa ng isang babae na makaranas ng sexual problems matapos manganak kung siya ay sumailalim sa cesarean section delivery.

Dagdag pa na may mababang tiyansa rin na makaranas ng birth trauma ang sanggol na ipinanganak ng CS. Ito ay dahil sa hindi na siya kailangang gamitan pa ng forceps o vaccum para mailabas.

Pero, sa kabila nito ay may panganib ring kaakibat ang panganganak ng CS. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Ang epekto ng sakit dulot ng surgery.

Ang sakit sa hiwa o parte ng surgical wound ay normal na bahagi ng pagkaka-cesarean. Ito ay maaaring magdulot ng discomfort sa babaeng na-CS na maaaring tumagal ng ilang linggo matapos siyang manganak.

Bagama’t maaaring ma-resetahan ng pain killers ang babaeng na-CS, ito’y maaaring maging hadlang para makakilos siya ng maayos o magampanan ang mga pangaraw-araw niyang tungkulin.

2. Bacterial infections.

Bago isagawa ang surgery o pag-CS, ay bibigyan ng antibiotics ang babaeng manganganak para mabawasan ang tiyansa niya na makaranas ng impeksyon.

Pero sa kabila nito ay may naitatalang, 8% na mga kababaihang nase-cesarean ang nakakaranas pa rin ng postoperative infections tulad ng mga sumusunod:

  • Impeksyon sa sugat sa tiyan na dulot ng CS delivery. Ang mga palatandaan nito ay pamumula, pagtutubig at labis na pananakit sa hiwa o sugat.
  • Urinary tract infections o UTI. Habang isinasagawa ang surgery ay may inilalagay na manipis na tube o catheter sa urethra ng babae para masigurong walang laman ang kanyang bladder o pantog. Ang pagsasagawa nito ay maaaring magdulot ng impeksyon sa babaeng nanganganak.
  • Impeksyon sa lining ng uterus. Ito ay nangyayari kapag ang panubigan ay pumutok na bago pa man makaramdam ng labor pains o paghilab sa tiyan ang babaeng buntis. O kaya naman ay kapag sumailalim siya sa vaginal examinations bago ang surgery. Ang mga palatandaan ng impeksyon ay ang labis at mabahong pagdurugo na maaring sabayan ng lagnat.

BASAHIN:

TAP List: 7 best scar removal cream brands for CS moms

#AskDok: 13 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng cesarean delivery

Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak

3. Anesthesia

Karamihan ng cesarean surgeries ay isinasagawa ng hindi gumagamit ng general anesthetic na maaaring makapagpatulog sa babaeng ino-operahan.

Sa halip, para magawa ang operasyon ay gumagamit lang ng epidural injection. Ito ay isang uri ng injection na mas ligtas sa general anesthesia na nakakatulong para pamanhirin ang tiyan na bahagi ng babaeng manganganak.

panganib sa panganganak ng CS

Photo: Source

4. Pamumuo ng dugo o blood clot.

Lahat ng uri ng surgery ay may kaakibat na tiyansa na makaranas o mag-develop ng blood clot ang pasyente. Pero kung ang clotting ay naganap sa baga ng pasyente, ito ay nakamamatay. Kabilang sa sintomas ng problemang ito ay ang hirap sa paghinga, pag-ubo, at pamamaga o pananakit ng binti.

5. Pagdirikit ng organs sa tiyan.

Ang mga babaeng sumailalim sa surgery sa tiyan o pelvis ay may kaakibat rin na risk na makaranas ng adhesion o pagdidikit ng organs habang humihilom ang kaniyang sugat.

Ang adhesion ay tumutukoy sa cluster ng scar tissue na nagiging sanhi ng pagdirikit ng mga organs sa tiyan o sa loob ng abdominal wall.

Nasa kalahati ng mga babaeng na-CS ang naitalang nakaranas ng problemang ito. Mas tumataas ang tiyansa ng isang babae na makaranas nito kung siya ay naka-3 CS delivery na,

Ang adhesion ay maaari ring maging napakasakit. Ito ay dahil nalilimitahan nito ang movement ng mga internal organs sa tiyan na maaaring mauwi rin sa fertility problems kung ang adhesion ay humaharang sa fallopian tubes.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga panganib sa panganganak ng CS na maaring maranasan ng kababaihan. Maaring maiwasan ang mga ito kung maayos na maisasagawa ang operasyon at maayos ring maalagaan ang sugat na dulot nito.

Ang artikulong ito ay orihinal na nailathala sa theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

 

Source:

Dailymail

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianParent

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Baby girl, aksidenteng nahiwa ang mukha nang ipanganak via CS
Share:
  • Inunan ng bata: Mga dapat malaman tungkol sa placenta o inunan ng baby

    Inunan ng bata: Mga dapat malaman tungkol sa placenta o inunan ng baby

  • REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

    REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

  • REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

    REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

  • Inunan ng bata: Mga dapat malaman tungkol sa placenta o inunan ng baby

    Inunan ng bata: Mga dapat malaman tungkol sa placenta o inunan ng baby

  • REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

    REAL STORIES: "My daughter Sachiko arrived with an extra chromosome."

  • REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

    REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.