Binabasahan mo ba ng libro ang anak gamit ang tablet? Ito ang epekto sa bata, ayon sa mga eksperto

Narito ang epekto ng pagbabasa ng libro sa iyong anak at mga tips kung paano mababawasan ang pagkahilig niya sa mga gadgets.

Epekto ng gadgets at pagbabasa ng libro sa isang bata, alamin dito.

Image from Freepik

Epekto ng gadgets at pagbabasa ng libro

Mahilig ka bang magbasa ng mga stories sa iyong anak gamit ang iyong tablet at cellphone? Oo nga’t kung titingnan ay natututo siya sa style na ito ngunit ayon sa isang pag-aaral ay mas less ang social reciprocity o give and take social interaction sa pagitan ninyo sa paraan ng pagbabasa na ito. Kumpara sa pagbabasa sa kaniya gamit ang isang totoong libro na nakakapag-maximize umano ng parent and child bonding sa pagitan ninyong dalawa.

Ito ang natuklasan ng isang bagong pag-aaral na isinagawa ng University of Michigan researchers na nailatlahala kamakailan lang sa JAMA Pediatrics.

Sinuportahan naman ito ng isang pahayag mula sa American Academy of Pediatrics o AAP na inirerekumenda ang “co-viewing” sa mga magulang para mabawasan ang epekto ng gadgets sa kanilang mga anak.

Ngunit paalala parin nila ay napakalayo ng epekto ng pagbabasa gamit ang tablet at totoong libro sa social outcomes at language gains ng isang bata.

Pagbabasa gamit ang gagdets

Sa eksperimentong ginawa ng researchers sa tulong ng 37 na parent-child duos na kung saan ang mga bata ay may edad na 2-3 anyos ay natuklasan nila ang mga findings na ito sa tuwing nagbabasa ang magulang at anak gamit ang isang tablet.

Sa pagbabasa gamit ang tablet ay hindi mapigilan ang isang bata na mag-interrupt para makuha ang tablet mula sa kaniyang magulang. Ang resulta nito ay susubuking kontrolin ng magulang ang kaniyang anak sa kaniyang ginagawa na magpapawala ng kanilang concentration sa pagbabasa. Ito ay nagpapakita rin umano ng kawalan ng willingness, cooperation at hindi pakikinig ng mga bata sa kanilang magulang.

Pagbabasa gamit ang totoong libro

Samantala, base sa mga nauna ng pag-aaral ang pagbabasa ng libro ay isang magandang paraan para mag-spend ng quality time sa iyong anak. Dagdag pa rito ang mga sumusunod na magandang epekto na dulot ng pagbabasa sa development ng iyong anak. Ito ay ang sumusunod:

  • Na-iencourage ng kaniyang cognitive development.
  • Na-iimprove ang kaniyang language, communication at vocabulary skills na may magandang epekto sa kaniyang academic performance.
  • Nakakatulong ito sa pagkakaroon niya ng emotional attachment at empathy.
  • Tumutulong ito sa pag-istrengthen ng kaniyang brain connections.
  • Ini-improve nito ang kaniyang memory at concentration.
  • Dinedevelop nito ang kaniyang imagination.

Tips para mabawasan ang paggamit at epekto ng gadgets ng iyong anak

Para naman mabawasan ang paggamit at epekto ng gadgets sa iyong anak ay gawin ang mga tips na ito.

  • Maging mabuting example sa kaniya at limitahan din ang paggamit mo ng gadgets.
  • Magkaroon ng healthy gadget schedule na hindi dapat lalagpas sa isang oras at mas mabuti kung tuwing weekends lang.
  • Bantayan ang paggamit ng gadget ng iyong anak at huwag maglalagay ng gadget sa mga lugar na kaniyang nakikita o agad na makukuha.
  • Siguraduhin ding ang content ng gadgets ng iyong anak ay akma sa kaniyang edad. Makakatulong na ikaw ay nasa kaniyang tabi sa tuwing siya ay gumagamit ng gadget.
  • I-encourage ang iyong anak na gumawa ng mga activities sa labas ng inyong bahay. Ito ay para ma-divert ang atensyon niya at mabawasan ang pagkahilig niya sa paggamit ng gadgets. Dagdag pa dito ang magandang epekto sa kaniyang kalusugan sa paggawa ng mga physical activities.

Mga magulang, laging tandaan na malaki ang ginagampanan mong papel sa overall development ng iyong anak. Kung ano man siya sa kaniyang paglaki ay produkto ng iyong pangangalaga at aruga. Kaya naman habang bata pa siya ay ibigay ang mga bagay na makakabuti sa kaniya. Tulad ng iyong oras na wala ng mas hihigit at espesyal pa para sa kaniya.

 

Source: CNN Edition, Cam Everlands, Raising Children, Health Exchange

Photo: Freepik

Basahin: 4-anyos, lumabo ang mata dahil sa sobrang paggamit ng gadget