Epekto ng instant noodles sa katawan at kalusugan ng mga bata hindi daw maganda, ayon sa UNICEF o United Nations Children’s Fund.
Ayon sa isang UNICEF report, isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa Southeast Asia na may mataas na bilang ng mga batang malnourished. Nangunguna sa tatlong bansa ang Indonesia na may 24.4 million na mga bata ang malnourished. Habang 11 million naman ang malnourished na bata sa Pilipinas at 2.6 million naman sa Malaysia.
Sa mga bilang na ito ay 40% sa mga bata ay may edad na limang taong gulang pababa.
Isang nakitang dahilan ng mataas na malnutrition rate na ito ay ang pagpapakain ng mga magulang ng affordable, accessible at easy-to-prepare meals sa kanilang mga anak tulad ng instant noodles.
Ito ay ayon kay Mueni Mutunga, isang nutrition specialist sa UNICEF Asia.
Ngunit ayon sa mga eksperto, bagamat napupunan o nabubusog ng instant noodles ang isang gutom na tiyan ay wala itong taglay na nutrients na kailangan ng katawan. At hindi umano maganda ang epekto ng instant noodles sa katawan at kalusugan lalo na sa mga bata.
Epekto ng instant noodles sa katawan
Ayon parin kay Mutunga, ang pangunahing dahilan kung bakit mas pinipili ng mga magulang ang pagpapakain ng instant noodles sa kanilang mga anak ay dahil sa murang halaga nito. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman ay mababa ang content nito ng mga essential nutrients at micronutrients tulad ng iron. Mababa rin ito sa protein habang mataas ang fat at salt content nito na hindi healthy sa katawan.
Sobrang salt at fat sa katawan
Paliwanag ni Patricia Bannan, isang registered dietician, ang sobrang sodium o salt na nakukuha sa pagkain ng instant noodles ay nagiging dahilan para mangailangan ng mas maraming tubig ang katawan. Ito ay nagdudulot ng temporary water gain na maaring magdulot ng pagiging feeling bloated o lethargic sa isang tao.
Pagiging nutrient-deficient ng katawan
“Parents believe that filling their children’s stomach is the most important thing. They don’t really think about an adequate intake of protein, calcium or fibre,”
Ito naman ang pahayag ni Hasbullah Thabrany, isang public health expert mula sa Indonesia.
Paliwanag ng UNICEF, ang kakulangan ng isang bata sa mga nasabing key nutrients sa katawan ay maaring mauwi sa iba’t-ibang kondisyon tulad ng iron deficiency. Sa kondisyong iyo ay maaring maapektuhan ang abilidad ng isang batang matuto. At itinataas nito ang tiyansa ng isang babae na manganib ang buhay matapos ang panganganak.
Dagdag pa ng ahensya, ang kakulangan sa mga nutrients sa katawan ang dahilan rin ng pagiging maliit ng 149million na bata na may edad na apat pababa sa buong mundo. Ito rin ang itinuturong dahilan ng pagkakaroon nila ng health condition na nakakaapekto sa kanilang brain at body development.
Samantala, maliban sa pagiging malnourished ang pagbibigay ng mali at hindi masustansiyang pagkain sa mga bata ay nagdudulot rin ng obesity o pagiging overweight. Ang kondisyon na ito ay napatunayang may kaugnayan naman sa pagkakaroon ng heart disease at diabetes.
Paalala ng UNICEF
Kaya naman paalala ng UNICEF, iwasang pagkainin ng instant noodles ang iyong anak. Ganoon na rin sa mga sugar-rich biscuits, beverages at fast food meals na maaring makaapekto sa kanilang kalusugan.
Ito rin ang payo ni Bannan, bagamat may paraan rin para maging healthy o nutritious ang isang instant noodles. Huwag lang gagawing madalas ang pagkain nito.
“Flavor the soup yourself to control sodium amounts, and add fresh vegetables for fiber and lean protein for staying power. But avoid making it a regular part of your diet.”
Ito ang payo ni Bannan.
Ngunit wala ng mas bubuti pa sa kanilang kalusugan sa paghahanda at pagpapakain sa kanila ng mga masustansiyang pagkain tulad ng mga prutas, gulay, isda, dairy at karne. Dahil ang mga ito ay may taglay na nutrients na kailangan ng kanilang katawan. At hindi tulad ng masamang epekto ng noodles sa katawan na makakaepekto sa kanilang kabuuang kalusugan.
Source: Inquirer News, AsiaOne, TheHealthy
Photo: Freepik
Basahin: Why you should not encourage your family’s love for instant noodles
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!