Ano nga ba ang epekto ng kape sa buntis?
Para sa maraming Pilipino, hindi kumpleto ang umaga kapag hindi pa sila nakakainom ng kape. Nakasanayan na kasi nila na ito ang kanilang pampagising tuwing nakakaramdam ng antok.
Pero kung ikaw ay nagdadalangtao, isa sa mga payo ng doktor ay bawasan mo ang pag-inom ng kape. Marami kasing masamang epekto ang kape sa mga buntis at lalo na sa iyong anak.
Kamakailan lang ay meron na namang lumabas na pag-aaral na nag-uugnay sa kape sa isip at pag-uugali ng isang sanggol. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol dito.
Talaan ng Nilalaman
Epekto ng kape sa buntis – pati isip at ugali ni baby, apektado
Marami nang lumabas na pag-aaral ang nagpapakita na hindi magandang uminom ng kape, o anumang inuming may caffeine ang isang babaeng nagdadalangtao.
Ngayon, sa isang bagong pag-aaral na isinagawa ng Del Monte Institute for Neuroscience sa University of Rochester Medical Center, ang nagsasabi na ang pag-inom ng kape habang buntis ay nakakaapekto sa brain development ng sanggol sa kaniyang tiyan.
Ayon dito, ang pag-inom ng kape o anumang inumin na may caffeine ay may kinalaman sa pagbabago ng pathways sa brain. Maaaring itong magsanhi ng behavioral problems o problema sa pag-uugali ng isang tao.
Nakita ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mahigit 9 na librong brain scan ng mga batang may edad 9 hanggang 10. Kaakibat nito, kinuha nila ang impormasyon sa mga nanay ng mga bata at inalam kung sila ba ay uminom ng kape o caffeinated drink noong pinagbubuntis nila ang kanilang anak.
Bagama’t maliit lang at hindi naman gaanong malubha ang resulta ng mga pagsusuri. Kapansin-pansin pa rin na mayroon talagang pagbabagong naidulot ang pag-inom ng isang babae ng kape habang buntis sa naging pag-uugali ng kanyang anak.
Nakitaan ng mga sintomas ng behavioral problems, maiksing attention span at hyperactivity ang mga bata na isinilang ng mga babaeng uminom ng kape noong sila ang nagdadalangtao.
“These are sort of small effects and it’s not causing horrendous psychiatric conditions, but it is causing minimal but noticeable behavioral issues that should make us consider long term effects of caffeine intake during pregnancy," sabi ni John Foxe, Ph.D., ang nangunguna sa tinutukoy na pag-aaral.
“I suppose the outcome of this study will be a recommendation that any caffeine during pregnancy is probably not such a good idea." dagdag pa niya.
Iba pang masamang epekto ng kape sa buntis
Bukod sa pinakahuling findings, marami nang nagawang pag-aaral na nagpapakita ng masamang epekto ng kape sa mga buntis. Ito ang ilan sa kanila:
-
Nakakaapekto ito sa paglaki ng sanggol sa iyong tiyan.
Napag-alaman sa isang research na napipigilan daw ng caffeine ang pagdaloy ng dugo sa placenta.
Mahalaga ang mabuting bloodflow mula sa placenta dahil ito ay nakakatulong na magbigay ng nutrisyon sa isang sanggol.
Sa bawat 100mg ng caffeine na iniinom ng ina sa unang 3 buwan ng pagbubuntis. Bumababa ng 0.5 lbs (72g) ang timbang ng sanggol.
Dagdag pa nila, ang mga inang madalas raw uminom ng caffeine ay nagsilang ng mas maliliit na sanggol kumpara sa mga inang hindi umiinom ng caffeine.
-
Mas mataas na posibilidad ng miscarriage
Ayon naman sa isang pag-aaral, ang pagkonsumo ng higit sa 200 mg ng caffeine sa isang araw ay nagtataas ng posibilidad na makunan o magkaroon ng miscarriage ang isang babaeng nagdadalangtao.
-
May posibilidad na maging overweight o obese ang iyong anak
Noong 2018, napag-alaman rin sa isang pag-aaral na maaari ring makaapekto ang pag-inom ng kape habang nagbubuntis sa pagiging sobra sa timbang o overweight ng isang bata sa kanyang paglaki.
Ayon dito, may 66 porsyentong tsansa na magkaroon ng “excess growth " o maging overweight ang mga batang ipinanganak ng mga babaeng may mataas na intake ng caffeine (200 mg kada araw) habang sila ay nagbubuntis.
-
Mga sakit na pwedeng makuha ng nanay
Bukod sa mga masamang epekto ng pag-inom ng kape sa iyong sanggol. Maaari ka ring magkaroon ng high blood pressure, anxiety, bumilis ang tibok ng iyong puso, mahilo, sumakit ang tiyan at magkaroon ng diarrhea.
Gayundin, kung mahilig kang uminom ng kape bago ka mabuntis, mataas rin ang iyong posibilidad na magkaroon ng gestational diabetes.
Mga pwedeng alternatibo sa kape
Dahil sa mga negatibong epekto nito, hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang pagkonsumo ng caffeine habang nagbubuntis. Pero kung hindi naman maiiwasan, limitahan lang ang konsumo nito hanggang 200 mg sa isang araw.
Kung sa kape, ito ay tinatayang nasa 1 hanggang 2 tasa bawat araw.
Pero bukod sa kape, meron ring ibang inumin na may mataas na halaga ng caffeine tulad ng tsaa (black), energy drink, soda at maging ang tsokolate.
Bagama’t may mga bawal na inumin, marami rin namang inumin ang pwede sa mga buntis. Ang ilan dito ay naglalaman pa rin ng caffeine, pero maliliit na halaga lamang.
Sa halip na uminom ng kape, subukan mo ang mga alternatibong ito:
Maganda ring uminom ng salabat sa halip na kape dahil nakakatulong ito para palakasin ang iyong immune system at makaiwas sa impeksyon.
-
Maligamgam na tubig
Puwede ring dagdagan ng kaunting fruit juice o slice ng lemon ang maligamgam na tubig at puwede na itong gawing substitute sa kape tuwing umaga.
-
Coconut water o buko juice
Ito ay 95% water kaya talaga namang nakakapawi ng iyong uhaw. Bukod dito, ang buko juice ay mayroong electrolytes na makakatulong na labanan ang pagsusuka o morning sickness.
-
Chocolate milk
Bukod sa malasa ito, meron pa itong calcium na magpapatibay ng iyong mga buto. Mayroon pa rin itong maliit na amount ng caffeine (2-7mg). Subalit magandang alternatibo ito sa kape kung kailangan mo ng enerhiya.
-
Decaffeinated coffee
Kung hinahanap-hanap mo pa rin ang lasa ng kape, uminom ka na lang ng decaf na klase nito. Kumpara sa brewed coffee na mayroong 60 hanggang 200 mg ng caffeine. Ang decaffeinated coffee ay naglalaman lang ng 2 hanggang 4 mg ng caffeine sa isang tasa.
-
Herbal tea
Ang regular na green tea ay mayroon pa ring kaunting caffeine. Ilan sa mga herbal tea na ligtas sa mga buntis ay ginger root, peppermint leaf, chamomile, red raspberry leaf (limitahan lang ang chamomile at red raspberry leaf tea sa 1 tasa bawat araw sa iyong unang trimester) at lemon balm.
Narito ang ilan sa mga herbal tea na maaaring inumin ng buntis na nakakatulong din na panlaban sa morning sickness:
Alpha Female Ph Pink Stork Morning Sickness Support Tea
Maaaring mauwi sa dehydration ang labis na pagkahilo at pagsusuka, para maiwasan ito maaaring bilhin ang Alpha Female Ph Pink Stork Morning Sickness Support Tea. Nakakagamot ito sa morning sickness, cramping, at indigestion. Caffeine-free at ang whole-leaf tea na mayroong ito ay 100% organic kabilang ang rooibos at ginger na likha ng mga certified herbalists. Bukod dito, gumagamit din sila ng biodegradable pyramid sachets at on-the-go packaging.
Maaaring makagawa ng 2 cups kada sachet kaya makakainom ka ng total 30 cups sa buong product.
Highlights:
- Caffeine-free.
- Whole-leaf tea made up of 100% organic rooibos and ginger.
- Biodegradable pyramid sachets and on-the-go packaging.
- Can make 30 cups.
Gold Leaf Tea Oriental Blends
Good for the health ang product na Gold Leaf Tea Oriental Blend. Sugar-free, lactose-free, at cholesterol free kasi ang tea na ito. Gawa mula sa green tea na mayroong delightfully astringent taste. Mayaman ang green tea sa antioxidants at mayroong polyphenols kaya nakakatulong na labanan din ang sakit na tulad ng cancer. Samantalang ang L-theanine ay lumalaban naman ng anxiety at stress habang pina-uunlad ang cognitive performance. Nakakatulong din ito ma-maintain ang energy at focus.
Mayroong 25 individually-packed envelopes.
Highlights:
- Sugar-free, lactose-free, and cholesterol free.
- Green tea with delightfully astringent taste.
- With polyphenols and L-theanine.
- 25 individually-packed envelopes.
Adelle Ashitaba Tea
Pasok sa budget mo ang Adelle Ashitaba Tea. Kahit mura ito, mayroong naman itong health benefits. Nakakaregulate ito ng sugar at cholesterol levels, maging ang high blood pressure. Nakakatulong din ito sa weight loss at nakakalinis ng colon upang mamanage ang constipation. Nai-improve rin nito ang obesity kaya maiiwasan ang iba’t-ibang cardiovascular problems. Napo-promote nito ang healthy detoxification ng liver at kidney.
Highlights:
- Regulates sugar, cholesterol levels, and blood pressure.
- Helps in weight loss and obesity.
- Cleanses colon.
- Promotes healthy detoxification of liver and kidney.
Mahirap talagang iwasan ang kape lalo na kung dito ka kumukuha ng iyong enerhiya para sa buong araw. Sa halip na uminom ng kape, maaari ka na lang kumain ng mga prutas o mani para hindi ka mawalan ng enerhiya.
Dagdagan mo rin at dalasan ang iyong pagkain para hindi ka manghina. Huwag ding kalimutang inumin ang iyong prenatal vitamins para mapanatili ang iyong lakas.
Maraming bawal sa buntis. Minsan nakakalungkot lalo na kung ito ay kinasanayan mo na, gaya ng pag-inom ng kape. Pero hindi naman ito forever. Hindi magtatagal ay makakainom ka na rin ng mainit na kape na hinahanap-hanap mo.
Tiisin mo na lang muna sa loob ng siyam na buwan. Siguradong sulit naman ang sakripisyo mo kapag isinilang mo nang ligtas at malusog ang iyong anak.
Isipin mo na lang rin na mas magiging matalino ang iyong anak paglaki niya. Sapagkat sa hindi mo pag-inom ng kape noong ipinagbubuntis mo siya.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.