Epekto ng matamis na pagkain sa bata, nakakasama nga ba?

Marami ang naniniwala na ang sugary foods ang dahilan kung bakit nagiging hyper sila. Ngunit ano ba talaga ang epekto ng matamis na pagkain sa bata? | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangan bang bantayan ang epekto ng matamis na pagkain sa mga bata?

Mahilig magbaon ng chocolate chip granola bar sa school ang anak ko noong 4 years siya. Lagi ko itong nilalagay sa kaniyang bag ngunit isang araw pagkauwi niya galing school, nakita kong hindi niya ito kinain. “Are you getting sick of these?” tanong ko sa kaniya. Ang dahilan pala at ay pinagbawalan silang kumain ng matamis na pagkain ng kanilang bagong guro.

May parehong kwento naman si Dr Katja Rowell, M.D., isang family physician at childhood feeding specialist tungkol dito: “My daughter’s preschool celebrated ‘Sugar Day’ once a year,” pagbabahagi niya, “And there was so much conversation from all the adults to the kids of, ‘You’re going to be crazy! It’s crazy sugar day!’ And the kids were kind of bonkers. But there was so much anticipation of their craziness, it was like we gave them permission.”

Epekto ng matamis na pagkain sa bata, nakakasama nga ba? | Image from Unsplash

Mataas na level ng asukal

Likas nang mangamba ang mga magulang sa matatamis na pagkaing makikita sa mga handaan o birthday party. Ito man ay chocolate, ice cream o iba pang pagkain.

Ayon sa isang registered dietitian nutritionist mula San Diego na si Crystal Karges, R.D.N., “We encounter damaging messages around sugar intake from well-meaning dentists and doctors, as well as in the nutrition curriculum in early education,” Matagal nang pinaniniwalaan na ang “matamis” na pagkain ay dahilan ng pagiging hyper o masigla ng mga bata. Ngunit bakit naririnig pa rin natin ang paniniwalang ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbigay rin ng kaniyang salaysay ang isang dietitian sa private practice mula Raleigh, N.C., na si Anna Lutz, M.P.H., R.D., “What many parents are really afraid of is the message they get from diet culture that any amount of sugar is bad for them and their kids,”

Epekto ng matamis na pagkain sa bata, dahilan ba ng pagiging hyper nila?

Taong 1922 nang magkaroon ng theory kung saan ang pagkain ng matamis na pagkain ay maaaring maging “the neurotic child” s mga bata. Hanggang sa mag 1970, pinag-aralan na ng mga researcher kung paano magagamot ang attention deficit hyperactivity disorder.

Ayon kay Crystal Karges,

“These studies were problematic because they didn’t control for so many outside factors,”

Pagdating sa sintomas ng A.D.H.D., kinakailangang pag-aralan ng mga eksperto ang bawat detalye. Ayon pa sa kaniya, “We know now that the genetic make-up of a child, as well as her sleep schedule, stress level, meal structure and other environmental factors all play a role.”

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

Anak na pihikan sa pagkain, narito ang dapat mong gawin!

5 rasong kung bakit dapat organic ang binibili mong pagkain

Ngunit pinabulaanan naman ng isang pag-aaral na inilimbag sa New England Journal of Medicine ang konseptong ito tungkol sa matamis na pagkain ng mga bata.

Kabilang sa experiment na ito ang mga normal na preschooler at ang mga sensitibo sa asukal. Dito sila binigyan ng matatamis na pagkain at ang iba’y mayroong matamis na pagkain na may aspartame. Walang nakakaalam sa mga bata, magulang pati na rin ang mga researcher kung ano ang kinain ng mga bata.) Walang behavioural o cognitive differences ng nakita. Kaya naman ayon kay Dr Richard Klasco, M.D., sa The New York Times’s “Ask Well” column, ang resultang ito ay nagtuturo sa iba’t-ibang pag-aaral.

Ngunit paano ituturo ang science na ito kung ano ang epekto ng matamis na pagkain sa bata sa kanilang mga magulang? “Our brains and bodies can feel a burst of energy after eating sugar, especially if it’s been a while since we’ve eaten and we’re feeling low on energy,”

Ayon kay Lutz, ito ay walang koneksyon sa hyperactivity o tantrums ng mga bata.

“That’s because table sugar is a simple carbohydrate that breaks down quickly in our digestive tract, to reach our bloodstream.”

Sa pagkain ng matatamis, ang pangunahing energy mula rito ay tataas at susundan ng pagbaba ng amount ng glucose sa bloodstream pagkatapos kumain. Tandaan, wala itong negatibong epekto. Ngunit ang mga bata ay maaaring makaramdam ng pagod, gutom at pagiging moody.

“Each person’s body reacts differently to food; some of us are more sensitive to blood sugar dropping than others,”

Dagdag pa nito, “But these symptoms are really just an indication that it’s time to eat again.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng matamis na pagkain sa bata, nakakasama nga ba? | Image from Unsplash

Ang pagbibigay ng gatas at cookie sa kanila ay makakatulong. Ang mga “treat foods” katulad ng cake ay gawa mula sa butter at ibang klaseng fat. “So if you offer milk but your child doesn’t drink it, this is not the end of the world,” paliwanag ni Dr. Rowell

Ayon kay Dr. Rowell, “If you tell your child that sugar will make them act crazy, that can become a self-fulfilling prophecy,” Nangyayari ito kapag ang puro matatamis lang na pagkain ang kinakain ng iyong anak sa mga handaan. Kung mataas na ang emosyon niya dahil sa piñatas at ibang regalo, wala nang kinalaman ang asukal dito.

Kapag nakuha ng bata ang punto mo sa mga matatamis na pagkain bilang “masamang pagkain”, maaaring tigilan na rin nila ito. “The psychological effect of food restriction cannot be overstated,” ayon kay Karges. “When we restrict children’s access to sugar, they are naturally going to become more preoccupied with and drawn to these foods and overreact and have erratic behaviour when they do get them.” Maaaring i-neutralize ito sa pagbibigay ng regular na asukal na isasama sa pang araw-araw na pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Lutz, maaaring magbigay ng tamang amount ng dessert pagkatapos kumain. Siguraduhin lang na hindi ito mapapasobra at bigyan ng limitasyon ang mga bata.

Ayon kay Dr Rowell,

“Let’s say you have dessert with dinner and you can see your child getting full. One of the most powerful things you can say is, ‘Do you want to save that brownie to have with breakfast tomorrow?’”

Epekto ng matamis na pagkain sa bata, nakakasama nga ba? | Image from Unsplash

At saka sabihin na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Then follow through. This sends home the message that she has access to these foods and doesn’t have to eat it just because it’s there.”

‘Wag magpadala sa mga trap kapag dadalo ng handaan. Katulad ng “tatlong lsice ng pizza bago kumain ng cupcake”. Sa halip ay hayaang pumili ng sarili ang iyong anak ng kaniyang pagkain. Kung mapapasobra naman maaaring sabihin na, “Yes, as long as there are enough for everyone to have more.”

Para kay Karges, “Kids need experiences like parties, where sugar options are readily available, in order to learn how to self-regulate the sugar intake that feels best in their bodies,” dagdag pa niya. “And they are capable of doing this if we trust them and allow them to do so.”

 

“Sugar Is Not The Enemy” by Virginia Sole-Smith © 2020 The New York Times Company

Virginia Sole-Smith is the author of “The Eating Instinct: Food Culture, Body Image and Guilt in America,” and co-host of the Comfort Food Podcast

This story was originally published on 17 March 2020 in NYT Parenting.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Mariano

Sinulat ni

NYT Parenting