Epekto ng pag-aaway sa harap ng anak maaring maging mabuti o positibo ayon sa ilang pag-aaral. Narito kung bakit at paano.
Epekto ng pag-aaway sa harap ng anak na mabuti para sa bata
Bilang bagong magulang, isa na yata sa payong lagi nating maririnig sa mga matatanda ay ang huwag mag-aaway sa harap ng mga bata. Dahil sa ito ay maaring magdulot ng masamang epekto sa kanila. At ito ay maari nilang kalakihan at dalhin hanggang sa kanilang pagtanda.
Pero ayon sa ilang bagong pag-aaral, may epekto ng pag-aaway sa harap ng anak ang maaring maging mabuti para sa kaniyang development. Basta’t ang pag-aaway o argumento na kaniyang makikita ay matatapos na kayong mga magulang niya ay nagkasundo. At inyong nabigyang solusyon ang iyong pagtatalo o hindi pagkakaunawaan. Dahil sa ganitong paraan ay may mga bagay na natutunan ang iyong anak. Ang mga ito ay may magandang epekto sa kaniyang development at makakatulong sa paghubog ng kaniyang pagkatao.
Ang mga epekto ng pag-aaway sa harap ng anak na maaring maging mabuti o positibo ay ang sumusunod:
1. Maari siyang lumaking naniniwala na may magagandang bagay na nangyayari sa mga hindi pagkakaunawaan o disagreements.
Ayon kay Laurie Puhn, isang New York-based attorney, ang pag-aaway ay ayos lang na makita ng inyong anak. Basta’t maipapakita ninyo rin sa kanila kung paano ninyo ito masosolusyonan. Dahil sa ganitong paraan nailalagay ninyo sa isip nila na may magagandang bagay na naidudulot rin ang hindi pagkakaunawaan. At ito ay ang mas matibay na relasyon kung papairalin lang ang pag-uusap at pakikinig sa sinasabi ng bawat isa.
“If you can say, ‘Well, I’m mad at you for this,’ but focus on a future solution. And your children are hearing this, they’re going to believe that really good things can come out of disagreements.”
Ito ang pahayag ni Puhn na author rin ng librong “Fight Less, Love More”
2. Nag-iimprove ang coping skills at confidence ng isang bata sa pakikipag-usap sa kaniyang mga magulang.
Base sa isang 2017 study, ang mga estudyanteng nakakakita kung paano nireresolbahan ng mga magulang nila ang mga conflicts o hindi pagkakaunawaan ay nagpakita ng improvement sa kanilang coping skills makalipas ang isang taon. Mas nagkaroon umano rin sila ng confidence na sila ay maaring makipag-usap ng maayos sa kanilang mga magulang kung may gusto silang sabihin. Kahit na ito ay pagsisimulan ng argumento o pagtatalo.
Ito ay ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Nan Zhou, isang associate professor sa education faculty ng Beijing Normal University. At ni Cheryl Buehler, professor of human development and family studies mula sa University of North Carolina, Greensboro.
3. Ito rin ay nagbibigay ng security sa mga bata na sa kabila ng pag-aaway ay magiging maayos parin ang kanilang pamilya.
Ayon sa isang 2-year study na isinagawa sa 416 US families, ang mga magulang na nagpapakita ng warmth at empathy sa isa’t-isa sa gitna ng pagtatalo ay nagbibigay rin ng sense of security sa mga bata. Ito ay nagbibigay sa kanila ng paniniwala na mag-away man ang kanilang mga magulang ay hindi masisira o magiging maayos parin ang kanilang pamilya.
4. Mas nagpapakita sila ng better social skills tulad ng cooperation at empathy sa kanilang mga kaibigan.
Base naman sa isang 2009 study ang mga resolved at constructive conflicts rin ng mga magulang na nakikita ng mga bata ay nakakatulong rin sa development ng kanilang social skills. Dahil sa ganitong paraan ay nakikita ng mga bata ang pagsuporta at pagbibigay atensyon ng kaniyang mga magulang sa damdamin ng isa’t-isa. Bilang epekto ay nag-iimprove ang kaniyang social skills. Mas nagiging cooperative siya at nagpapakita ng empathy sa mga kaibigan o taong nakakasalimuha niya.
5. Base sa isang pag-aaral, mas less sad at worry ang mga batang nakikitang nagkakaayos ang mga magulang niya matapos ang isang pag-aaway o pagtatalo.
Ayon sa isang 5-year study na ginawa sa 809 na pamilya, ang pagpapakita ng warmth at mutual support ng mga magulang sa bawat isa matapos ang pag-aaway ay nag-aalis sa takot ng isang bata na maaring maghiwalay ang mga magulang niya. Ang epekto less sad at worry siya kumpara sa mga batang nakikitang hindi nagkakaayos ang mga magulang niya. Isa nga umano sa palatandaan na nagbibigay ng assurance na ito sa mga bata ay ang physical gestures. O kapag nakita ng isang bata na nagyakapan ang mga magulang niya matapos ang pag-aaway.
6. Nakakatulong ito sa problem-solving skills ng iyong anak.
Sa oras na nakikita ng inyong anak na kayo ay nag-aaway at ito ay inyong nareresolbahan ay nahahasa rin ang problem-solving skills niya. Dahil nalalagay sa isip niya na bawat problema ay may solusyon basta’t ito ay maayos na pag-uusapan.
Source:
Basahin:
25 bagay na hindi mo dapat sinasabi kay mister