Isang rason kaya nag-aaway ang mga mag-asawa ay dahil may nasabi ang misis. Sinasadya man o hindi, nasasaktan nito ang pagkalalaki ng mga mister. Iwasan ang hindi kailangan na pag-aaway sa pamamagitan ng pag-iwas sa 25 na hindi dapat sinasabi sa asawa.
Hindi dapat sinasabi sa asawa ang 25 na bagay na ito!
Magpalit ka ng damit
Maaaring masaktan ang loob ng asawa sa pagsabing hindi siya magaling manamit. Imbes na diretsong imungkahi ang pagpalit ng damit, maaaring sabihin na may iba kang mas gustong damit sa kanya. Ganunpaman, ipa-alam parin sakanya na kanya parin ang huling desisyon pagdating dito!
“Pabayaan mo na yan, ako na bahala diyan”, isa pang hindi dapat sinasabi sa asawa
Maaaring hindi nahuhugasan ng asawa mo ang mga plato nang parehong paraan mo, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi siya tumutulong. Sa pag-dismiss sa kanya ay magpaparamdam na wala siyang naitutulong. Kaya, hayaan siyang gawin ano man ang kanyang ginagawa sa sarili niyang paraan.
Bantayan mo ang mga bata, pero huwag…
Ang pagbilin sa iyong mister tungkol sa inyong mga anak ay maaaring makagalit sa kanya. Ang iyong asawa ay isa ring magulang ng inyong mga anak at ang pagbibigay ng bilin sa kanya ay nagpaparamdam na siya ay hindi gaanong mahalaga. Pilitin na huwag siyang pagbilinan na para siyang isang bata o empleyado, at huwag din siyang kamustahin maya’t maya. Magtiwala sa kanya at malay mo, walang maging problema.
Kahit kailan hindi ka…
Ang pag-generalize ng “kahit kailan ay hindi” nagawa ng asawa mo ay magpaparamdam wala siyang kwenta at isa siyang failure. Kung may issue sa bagay na laging namamali ng asawa mo, mas mabuting pag-usapan ito imbes na kagalitan siya. Basahin din: Ang mga emotionally intelligent na mag-asawa ay masmatibay ang pagsasama.
Antaba ko na
Maaaring mairita ang asawa mo kung lagi kang nagrereklamo sa kanya tungkol sa timbang mo. Darating ang punto na hindi na siya sasagot sa paghingi mo ng papuri. Basahin din: 10 bagay na hindi dapat sabihin sa asawa.
Okay lang ako
Kung may problema at sinusubukan kang kausapin ng asawa mo tungkol dito, ito ang panahon para magkwento sa kanya. Ang pagsisinungaling at pagsabing walang problema ay makaka-irita sa kanya. Maaari siyang magsisi na sinubukan ka pa niyang tulungan. Basahin din: Bakit pagpapatawad ang susi sa matibay na pagsasama.
Ewan ko, ikaw ang bahala
Sa pagpili ng kakainan, anong papanoorin, o anong channel ililipat ang TV, madaling ipasa ang pagpili sa iyong asawa. Maaari nitong mairita ang iyong mister dahil ito dapat ay magkasama niyong pagdesisyunan. Kaya, pilitin na lamang na magkasamang magkasundo sa isang bagay. Basahin din: Mga simpleng sikreto para mapanatiling bago ang pagsasama.
Hindi dapat kita pinakasalan
Kapag nag-aaway, madaling mabitawan ang mga salitang ito. Subalit, maaari itong magdulot ng masmalaking pag-aaway. Maaaring masaktan nang matindi ang iyong mister sa mga salitang ito, kahit pa hindi talaga ito ang nais mong sabihin at nadala lang ng bugso ng damdamin.
Ayokong lumabas kasama ang mga kaibigan mo
Normal lang na hindi laging magustuhan ng mga misis ang mga kaibigan ng mister nila. Ngunit, ang paggawa ng effort minsan para makilala sila at makasama ay isang bagay na lubos na ikakatuwa ng iyong asawa.
Kailan ka ba magta-trabaho?
Mahirap kumuha ng trabaho at importante ang suporta mo. Imbes na kulitin siya at tanung-tanungin kung bakit wala pa siyang trabaho, kalmado siyang kausapin at subukan siyang tulungan imbes na kulitin. Basahin din: Tips sa mag-asawa para makabangon sa utang.
Ano bang problema mo?
Maaaring awtomatikong maisip ito kapag may nagagawang mali ang asawa mo o may hindi nagawang pinapagawa mo. Makakabuting pigilan ang sarili na sabihin ito dahil ang pagtanong nito sa kanya ay makaka-apekto sa kanyang kumpiyansa sa sarili. Basahin din: Hindi naririnig ng mga lalaki ang iyak ng baby sa gabi.
Sa halip, piliting iparating ang iyong pagkabigo sa constructive na paraan. Ang paggamit ng salita pang-atake, sadya man o hindi, ay magiging sanhi lamang ng problema sa pagitan ninyo.
Nakaka-awa ka
Imbes na tawagin siya ng kung anu-anong panggalan, gawing ugali ang pagpaparating ng nararamdaman mo sa iyong asawa. Ipaliwanag sa kanya ang nararamdaman mo at kung ano sa tingin mo ang makakapagpabuti ng sitwasyon. Ayusin ito mula dito.
Ganito kasi dapat yan
Maaaring epektibo sa iyo ang mga paraan mo, ngunit wala itong kasiguraduhan na magiging epektibo rin sa iba. Kapag may pinapagawa sa iyong asawa, bigyan siya ng kalayaan na gawin ang tingin niyang pinakamabuting paraan. Kung hindi sigurado sa paraan niya, mag-alok ng tulong ngunit huwag mag-utos.
Kailangan mo na mag-ehersisyo
Sa gitna ng trabaho, pamilya, at mga bayarin, maaaring wala nang oras ang iyong mister para alagaan ang pisikal niyang pagkatao. Kung ang problema ay sa kalusugan, hikayatin siyang magkaroon ng exercise routine at kumain ng masustansyang pagkain sa paggawa rin nito. Sa ganitong kaso, ang mga gagamitin mong salita ay malaki ang magagawa. Basahin din: Paano magluto ng kanin at mapababa ang calories nito ng 60%.
Huwag mo akong hawakan!
Ang intimacy ay mahalagang bahagi ng pagsasama, at kahit okay kayo o hindi, piliting huwag siyang itulak palayo kapag naghahanap siya ng physical contact mula sayo. Kung wala ka talaga sa mood para sa sexy time, bigyan nalang siya ng yakap at halik at ipaliwanag kung gaano ka kapagod, o na wala ka sa mood dahil sa nangyaring pag-aaway niyo pero pansamantala lamang ito. Basahin din: Sex tips para sa mga misis: Anong gagawin kung sobrang pagod para makipagtalik.
Yun lang ba nagawa mo?
Sa isang araw, maaaring maramdaman mo na sobrang dami mong nagawa. Ang pagiging pagod ay maaaring maging tukso para ikumpara ang pinagdaanan mo sa nagawa ng iyong asawa. Basahin din: Ang magic ng pagpapahalaga.
Tandaan na kahit pakiramdam ay masmarami kang nagawa, ginagawa niya rin ang makakaya niya para makatulong sa iyo. Kung tingin mo talaga ay kulang ang nagagawa niya, humingi ng tulong imbes na kwestiyunin ang kanyang mga nagawa.
Ano bang akala mo?
Nagkakamali ang mga tao, at kapag nagkakamali ang mga mister, minsan ay mabilis mang-judge ang mga misis. Ang “Ano bang akala mo?” ay normal na reaksyon pagdating sa pagkakamali ng iyong asawa. Ngunit hangga’t di niya hinihingi ang opinyon mo sa kung paano niya na-handle ang isang sitwasyon, isarili nalang ito.
Kung sakali namang itanong niya ang iyong opinyon, piliin ang iyong mga salita. Walang mabuting madudulot ang pagsipa sa taong nakatumba na.
Hindi natin bibilhin yan
Tulad mo, may mga bagay na gusto at kailangan din ang mga mister. Paminsan-minsan, bigyan siya ng break at iwasang palakihin kung gusto niyang i-treat ang sarili sa isang bagay na maaaring hindi “praktikal,” lalo na kung sobra sobra ang pagtatrabaho niya para sa inyong pamilya.
Sabihan lamang siya kung ang gusto niyang makuha ay lagpas sa inyong budget, o isang bagay na nakikita mong hindi rin naman niya magagamit. Imbes na sabihan siya nang diretso na hindi niya pwedeng bilhin ito, kausapin siya kung bakit tingin mo ay hindi ito dapat paggastusan.
Sana mas malaki ang kita mo
Basta nasasagot ang mga basic na pangangailangan ng inyong pamilya, walang rason para sabihin ito sa iyong asawa. (Tingin ko ay hindi dapat ito sinasabi LALO NA kung MAYROONG problema sa pera) Kung tutuusin, hindi makakasamang isakripisyo ang linggo-linggong manicure para masiguradong nakakakain ang buong pamilya.
Imbes na magreklamo sa kinikita ng asawa mo, humanap ng paraan kung paano makakatulong sa budget para makabili ng ano mang mga luho.
Ganito ito ginagawa dati ng ex ko
Kailan man ay hindi nakakabuti ang pagkumpara ng dating relasyon sa relasyon mo ngayon. Lalo na kung ang pagkukumpara ay may kinalaman sa iyong asawa at iyong ex. Maaaring may mga bagay na nagagawang masmabuti ang iyong ex, ngunit dapat tandaan na may rason kaya kayo naghiwalay. Tandaan na may magandang rason kaya mo pinili ng lalaking asawa mo ngayon! Tandaan ang mga rason na ito lalo na kapag may pinagdadaanan.
Bakit hindi mo gayahin si…
Anong mararamdaman mo kung lagi kang ikumpara ng asawa mo sa iba? Mapaparamdam nito sa iyo na hindi ka sapat. Imbes na hanapan ng mali ang asawa mo, tumuon na lamang sa kanyang mabubuting katangian.
Katulad na katulad ka ng tatay mo
Walang masama dito kung gamitin sa positibong paraan. Subalit, makakasama sa inyong pagsasama kung aakusahan ang iyong asawa ng pagkakaroon ng kakulangan ng kanyang ama.
Tandaan na lubhang makakasakit sa iyong asawa kapag aakusahan mo siya ng pagkakaroon ng nga katangian na nagdulot sa kanya ng paghihirap na pinagdaanan niya sa pagiging anak ng tatay niya.
Ayaw ko kapag ikaw ay…
Kapag nahihirapan, madaling makita ang negatibo kumpara sa positibo. Subalit, ang kaunting optimism at pagtingin sa mga mabubuting bagay ay malaki ang matutulong sa pagsasama ng mag-asawa.
Imbes na ibahagi sa kanya ang mga bagay na hindi mo gusto, ipaalam sa kanya ang mga gusto mo na sa mga bagay na nagagawa niya. Kapag mabuti ang pagtrato sa asawa, may malaking pagkakataon na matrato ka rin niya nang maayos.
Kung mahal mo talaga ako…
Ang pagsabi nito ay pagkwestyon narin sa pagmamahal sa iyo ng iyong asawa. Kahit kailangan niyang humindi sayo paminsan-minsan o higit pa, intindihin na hindi ito dahil sa kakulangan niya ng pagmamahal sa iyo. Immature din ito at nakaka-insultong emotional bribery na walang lugar sa mature at nagmamahal na pagsasama.
Hindi mo talaga naiintindihan
May mga araw na tila hindi kayo nagkaka-intindihan na mag-asawa. Ngunit kapag sinabihan siyang di niya naiintindihan, parang binalewala mo narin siya.
Imbes na sabihin ito, ipaliwanag nang maayos ang iyong saloobin nang hindi nagagalit hangga’t maaari. Baka ikagulat mo kung gaano ka pala niya talaga naiintindihan.
Kung may insights, katanungan, o komento tungkol sa paksa, mangyaring ibahagi sa Comment box sa ibaba. I-like kami sa Facebook at i-follow kami sa Google+ para manatiling up-to-date sa pinakabago mula sa theAsianparent.com Philippines!
Basahin: 5 madalas na pinag-aawayan ng mag-asawa at paano ito mareresolba
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!