Epekto ng pag-idlip sa kalusugan, nakakababa daw ito ng tiyansa ng stroke at heart attack, ayon sa isang pag-aaral.
Epekto ng pag-idlip sa kalusugan
Matapos sundan ang 3,462 na tao na may gulang na 35-75 years old sa loob ng limang taon ay ito ang natuklasan ng mga researchers mula sa University Hospital ng Lausanne, Switzerland.
Sa kanilang pag-aaral ay naitala nilang 58% sa kanilang participants ang hindi umiidlip sa buong araw. Nasa 19% naman ang umiidlip ng isa o dalawang beses sa loob ng isang linggo. May 12% naman ang umiidlip ng tatlo hanggang limang beses sa loob ng isang linggo. Habang may 11% ang umiidlip ng halos araw-araw.
At sa loob ng limang taon ng kanilang pagsubaybay ay may 155 cardiovascular events tulad ng heart attack at stroke ang naitalang nangyari sa mga taong ito.
Sa kabuuan, nang kanilang ikumpara at i-analyze ang nakalap na data natuklasan nila ang epekto ng pag-idlip sa kalusugan ng isang tao. Ayon sa kanilang findings, ang mga taong umiidlip ng isa o dalawang beses sa isang linggo ng limang minuto hanggang isang oras ay bumaba ang tiyansa ng hanggang 48% na makaranas ng stroke o heart attack. Kumpara ito sa mga taong hindi umiidlip kahit isang beses man lang.
Base rin sa kanilang report, ang mga frequent nappers o yung naiidlip ng halos araw-araw ay mga matatandang may labis na timbang at tobacco habit o ang may mga problema sa kanilang kalusugan.
Iba pang epekto ng pag-idlip sa kalusugan
Sinuportahan naman ang pag-aaral ng isang 2007 study na ginawa sa Greece. Ayon sa pag-aaral ang mga natutulog ng 3x a week ay bumababa ang tiyansa ng fatal heart attacks.
Isa pang epekto ng pag-idlip sa kalusugan na natuklasan ng pag-aaral ay nakakabawas din daw ito ng level ng stress ng isang tao.
Samantala, ayon naman sa isang pag-aaral na nailathala sa Current Biology journal nito lamang Marso, ang mga umiidlip para makabawi sa hindi maayos na tulog sa gabi ay mas napaparami ang kain. Ito naman ay nagpapataas ng tiyansa ng excess weight gain.
Ayon naman kay Dr. Yue Leng, isang epidemiologist na nag-aaral tungkol sa sleep behavior, ang madalas na pag-idlip ng older adults ay nagpapahiwatig ng problema sa kalusugan tulad ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease.
Isinalarawan rin ni Dr. Leng ang pag-aaral na premature para magkaroon ng konklusyon na nakakatulong ito sa optimal heart health.
Para naman kay Céline Vetter, assistant professor sa University of Colorado Boulder na nag-aaral tungkol sa circadian rhythms at sleep disruption, ang mga taong naiidlip ay maaring hindi nakakatulog ng maayos sa gabi na hindi maganda sa kalusugan.
“It could be that that these people who nap once to twice a week are those who make napping a priority, because they know they don’t sleep enough during the week”, pahayag ni Vetter.
Ganito rin ang paniniwala ni Dr. Martha Gulati, isang cardiologist. Sinabi niyang ang madalas na pag-idlip nga ay matuturing na red flag para sa problema sa kalusugan.
Mga paraan para magkaroon ng healthy heart
Para naman kay Naveed Sattar, professor ng Metabolic Medicine sa University of Glasgow, mas mabuting magkaroon ng good night’s sleep at lifestyle na may good diet at decent activity levels para masiguradong healthy ang ating puso.
Ayon naman kay senior cardiac nurse Vanessa Smith ng British Heart Foundation, ang pag-eexercise ng 150 minutes sa loob ng isang linggo at pagkain ng healthy Mediterranean-based diet ay makakabawas ng tiyansa na makaranas ng heart attack o stroke ang isang tao.
Ang pagpapanatili rin ng healthy blood pressure at pag-mamanage ng cholesterol ay ang pinakamabuting paraan para maiwasan ang mga life-threatening na heart at circulatory diseases
Ayon naman sa Heart.org, ang pagtigil sa paninigarilyo, pag-inom ng alak at pag-mamanage ng stress ay makakatulong rin para makaiwas sa mga sakit sa puso.
Source: RTE News, NBC News, CNN, Science Daily, Current Biology, Heart.org
Photo: Freepik
Basahin: Sleep guide: Ganito dapat katagal ang tulog ng bata mula baby hanggang 5 years old
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!