Epekto ng pagiging striktong magulang, maaaring magresulta sa pagiging alcoholic ng anak

Ano nga ba ang epekto ng pagiging striktong magulang? Makakatulong nga ba ang authoritative parenting sa kinabukasan ng anak? Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa epekto ng pagiging striktong magulang lalo na ang mahihigpit na nanay ay ang pag-abuso ng kanilang mga anak sa alkohol, ayon sa mga research. Ginagawa ito ng mga anak para mapagtakpan ang pagkukulang na kanilang nararamdaman.

Ang mga researcher sa Arizona State University ay nag-survey ng 419 na mag-aaaral sa university. Ang kanilang mga sagot ay may kaugnayan sa parenting styles, sintomas ng depresyon at problema sa alak. Ang mga bata na may authoritarian na ina ay mas malamang na magpakita ng negatibong aspeto ng perfectionism na kilala bilang “discrepancy”.

Ang discrepancy ay tumutukoy sa pagkadismaya kapag hindi naabot ang mga layunin na orihinal na itinakda mo para sa iyong sarili.

“Mayroong mga angkop na anyo ng perfectionism tulad ng mas mataas na pamantayan at pagiging maayos. May maladaptive din na anyo ng perfectionishm tulad ng discrepancy – ang distansya sa pagitan ng perpektong sarili at tunay na sarili,” paliwanag ni Dr Julie A. Patock-Peckham, ang lead author ng pag-aaral at assistant research professor sa Arizona State University.

Ang mga mag-aaral na may mas mataas na antas ng discrepancy ay maaaring mas makaranas ng mga sintomas ng depresyon at mas gumamit ng alkohol.

Nauugnay din sa self-medicated drinking ang mga sintomas ng depresyon.

Kapansin-pansin din na ang mga mahigpit na ina lamang ang nagkaroon ng mga anak na may perfectionist discrepancy. Bagama’t may mga striktong tatay na naghihikayat na magkaroon ng mataas na standards sa kanilang anak, hindi sila nagkakaroon ng mga sintomas ng depresyon.

“Maaari natin maisip na ang demanded obedience ng mga tatay ay may ibang resulta kaysa sa mga nanay. Maaaring sa paningin nila, ang pagiging strikto ng kanilang ama ay tanda ng pagkalinga,” ayon sa mga researcher mula sa resulta ng kanilang pag-aaral.

Epekto ng pagiging striktong magulang, magkaiba para sa ina at ama

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: iStock

Ayon kay Dr. Patock-Peckham, ang kaniyang inspirasyon sa pag-aaral na ito ay ang kaniyang mga mag-aaaral na lagi niyang nakikita araw-araw.

“Ang modelong ito ay mula sa ilang mga perfectionistic na tao na dati nang nagtatrabaho sa aking lab. Naging interesado ako sa paksang ito matapos na obserbahan ang ilan sa aking mga mas technically talented na mag-aaral ay nagkaroon ng alcohol use disorder o kaya ay relapse mula sa alcohol addiction,” pagbabahagi niya.

Ang stress na dulot ng exam at pag-aaral ay maaari ding magdulot ng depression and anxiety. Napansin ni Dr. Patock-Peckham na ang kanyang mga mag-aaral ay hindi nakayanan ang pressure.

“Ang mga mag-aaral na ito ay obsess na sa kung ano ang tingin sa kanila ng ibang tao. Maging ang anumang feedback sa kanilang pagsusulat ay kinatatakutan na nila. Sa psychology, ang mga scientists ay dapat maging kumportable na ang kanilang mga gawa. May isang mag-aaaral na hindi nakapag-present sa harap ng ibang tao sa takot na hindi niya ito magampanan ng maayos”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, ang alkohol ay naging paraan upang matulungan silang maka-cope.

“Ang mga mag-aaral na ito ay tila gumagamit ng alkohol upang makayanan ang mga isyu sa kanilang buhay.”

Subukan ang authoritative parenting

Madami ang nalilito sa authoritative parenting at authoritarian parenting.  Ang authoritarian parenting ay kilala bilang pagiging strikto sa kanilang anak kumapara sa iba pang parenting styles.

Sa kabilang banda, ang authoritative parenting ay maaaring magbunga ng mga anak na may self-control, independent at masayahin kung magagawa ng tama. Subukan ang mga simpleng hakbang na ito:

1. Makinig sa iyong anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: iStock

Kahit pa ang magulang ang authority sa tahanan, matutunan na magbigay ng iyong buong atensyon sa iyong anak.

Ang authoritarian parenting ay hindi tumatanggap ng opinyon ng anak. Samantalang ang authoritative parenting ay naghihikayat na ipahayag ng iyong anak ang anumang problema o magbahagi ng kaniyang mga idea.

Bigyan ng atensyon ang iyong anak upang maramdaman nila na sila ay mahal at mahalaga.

2. Magkaroon ng boundaries

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: iStock

Siguruhin na alam ng iyong anak kung ano ang iyong inaasahan sa kanya.

Ang authoritative parents ay may malinaw na mga rules na dapat sundin ng kaniyang anak. Subalit, mas makakabuti na ipaliwanag bakit may mga ganitong rules kaysa sa pilitin sila na sundin ito dahil sinabi mo.

Sa halip na sabihin sa iyong anak na “Matulog ka na dahil late na”, subukan ang “Matulog ka na para lumaki ka at maging malakas”.

Ang pagpapaliwanag kung para saan ang mga rules na ito ay naghihikayat sa iyong anak na makipag-collaborate sa iyo at hindi lamang basta-basta sumunod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Ipakita na may mga consequence ang kanilang action

Image source: iStock

Sa halip na gumamit ng corporal punishment at paluin ang iyong anak, ipakita kung ano ang mabuti at masamang consequence dahil sa kaniyang ginawa.

Kung hindi sumunod ang iyong anak tulad nang hindi paghinto sa paglalaro sa cellphone matapos mong sabihin na huminto, huwag siyang hayaan na maglaro sa cellphone sa mga susunod na araw.

Magkaroon din ng oras para makahanap ng paraan kung ano ang mas maayos na gawin para maiwasan ang mga maladaptive behaviours.

Tanungin ang iyong anak tulad ng “Ano ang mas magandang gawin upang mabawasan ang iyong paglalaro sa cellphone?”

Hikayatin ang iyong anak na magbigay ng mga solusyon para makatulong sa kaniyang problem solving skills.

Magbigay din ng rewards pag may ginawang maganda ang iyong anak.

Maaari kang gumamit ng sticker chart para sa kaniyang progress. Hayaan ang iyong anak ang pumili ng mga reward para mas maging motivated siya.

Ang mga striktong nanay para magkaroon ng mataas na standards ang kanilang anak ay maaaring magresulta ng pagiging dependent sa alcohol ng mga anak kapag malaki na sila para makacope sa kung anumang mga pagkabigo. Ang authoritative parenting ay makakatulong upang magkaroon ng masayahin at confident na mga anak. Subukan ito at tingnan kung magkakaron ng kaibahan sa pagpapalaki ng iyong anak.

Isinalin mula sa wikang Ingles galing theAsianparent Singapore.

Basahin: 4 paraan para maturuan na maging mas responsable ang mga batang lalaki

Sinulat ni

feiocampo