Paano maiiwas ang iyong anak sa online game addiction at iba pang negatibong epekto nito sa kaniya

Ito ang mga paliwanag kung bakit dapat bantayan mo ang nilalaro ng iyong anak online.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano maiiwas ang iyong anak sa epekto ng paglalaro ng online games? Narito ang mga dapat mong gawin.

Epekto ng paglalaro ng online games sa isang bata

Ayon sa World Health Organization o WHO, ang epekto ng online games sa isang bata ay madalas na makikita sa pagbabago sa pag-uugali niya sa araw-araw.

Tulad na lang ng kakulangan ng focus sa mga bagay na kaniyang ginawa. Pati na kawalan ng gana sa pag-aaral at palaging paglalaro lang ng online game ang iniiisip. Ito ay matatawag ng online game addiction na maituturing na umanong isang mental disorder.

Pero ayon kay Amanda Giordano, may mga magagawa ang mga magulang para maiiwas ang kanilang anak sa epekto ng paglalaro ng online games.

Ganoon din sa iba pang peligro na maaaring maidulot ito. Si Giordano ay  isang associate professor sa University of Georgia at isa ring counseling expert partikular na pagdating sa behavioral addictions.

Ang mga hakbang na ito ay ang sumusunod:

Paano maiiwas sa epekto ng paglalaro ng online games sa isang bata?

  1. Alamin ang online game na nilalaro ng iyong anak.

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang unang hakbang para maiiwas ang iyong anak sa negatibong epekto ng paglalaro ng online games ay ang malaman kung anong game ang kaniyang nilalaro. Pati na kung paano ang pagsasagawa o paglalaro nito.

Tulad na lang kung ito ba ay nangangailangan ng interaksyon sa ibang players o role playing games. O kung ang game na nilalaro niya ay kailangang gumawa ng online purchases. Ito ay maaring hindi lang sa anak mo makaapekto kung hindi pati narin sayo.

  1. Ikontrol ang paglalaro ng online game ng iyong anak.

Harassment, bullying at safety issues. Ilan din ang mga ito sa negative impacts na maaaring maging epekto ng online games sa iyong anak.

Pero ang mga ito ay maaari mo namang makontrol. Lalo na kung may kaalaman ka sa online games na nilalaro ng iyong anak. Halimbawa, maaari mong bigyan ng limit ang iyong anak sa oras ng paglalaro.

Puwede mo rin siya bigyan ng choice na ayos lang maglaro basta ang online game na lalaruiin niya ay hindi nangangailangan ng interaksyon sa mga players na hindi niya kilala. O kaya naman ay hindi nangangailangan ng pagbili ng chips, gifts o paggastos ng pera online.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Maging aware sa risk ng paglalaro ng online games.

Tulad ng naunang nabanggit, expose ang iyong anak sa iba’t ibang threats kung siya ay naglalaro ng online games. Maliban sa negative actions na bullying, harassment at threats, ang online gaming din ay isa sa mga paraan kung paano natututo ng mga bastos na salita ang isang bata.

Para maiwasang matutunan o magaya ng iyong anak ang mga ito, ay dapat maging aware ka sa kaniyang nilalaro. At time to time ay bilinan siya o ikaw na mismo ang gumawa na i-mute o i-report ang kalaro ng iyong anak na maaring magdulot ng threat o risk na mga nabanggit.

  1. Turuan ang iyong anak kung paano mag-identify ng mga online predators.

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga bata ay hindi pa aware sa mga masamang intensyon ng ibang tao sa paligid nila. Sa paglalaro ng online games ay mas nagiging expose sila sa mga ito.

Kaya naman hindi pa man nangyayari sa iyong anak ay dapat turuan na siyang kumilala ng mga online predators na maaaring mag-take advantage sa kaniya.

Ilan nga sa palatandaan na maaring i-share sa kaniya ay ang panghihingi ng personal na detalye niya ng isa sa mga kaniyang kalaro. O kaya naman ay ang panghihingi nito ng larawan niya lalo na kung nude o kita ang mga maselang bahagi ng kaniyang katawan.

  1. Alamin ang mga palatandaan ng compulsive gaming.

Ang paglalaro ng online games bilang pampalipas oras ay hindi naman masama. Pero kung ito ay palagi o tila hindi na naalis ng iyong anak sa kaniyang day-to-day activities ay mukhang dapat mo na itong bigyan pansin.

Dahil maaaring ito ay palatandaan na ng addiction o compulsive gaming. Ito ay maaaring makaapekto hindi lang sa pag-aaral kung hindi pati sa kalusugan ng isang bata. Ano ang palatandaan ng compulsive gaming? Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Mas inuuna ang paglalaro kaysa sa pagkain, paglalaro at pag-aaral.
  • Hindi na siya interesado na gumawa pa ng ibang activities, nais niya lang ay maglaro.
  • Nagsisinungaling siya o nanakit para lang makapaglaro.
  • Nagagalit o nagiging marahas o bastos sayo kung siya ay hindi nakakapaglaro.
  1. Turuan ang iyong anak ng digital citizenship.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Para maiwas ang iyong anak sa negatibong epekto ng online games ay dapat alam niya rin kung paano magiging magandang halimbawa sa iba. Turuan siya ng digital citizenship o kung paano magpakita ng tamang asal o behavior online.

Turuan siyang maging magalang sa mga kalaro niya. Ipaalam rin sa kaniya ang posibleng epekto sa iba ng mga maling actions o salita na magagawa niya. Sa ganitong paraan ay naiintindihan niya kung ano ang mali at iiwas ang sarili na maging biktima ng mga maling gawi na ito.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement