Video games ruin relationships, ito ang napatunayan ng ilang pag-aaral. Kaya pigilan ang video game addiction ni Mister gamit ang mga paraan na tampok dito.
Video games ruin relationships
Ayon sa isang 2018 study na ginawa ng kumpanyang Divorce Online, may correlation ang pagkuha ng divorce ng ilang mag-asawa sa paglalaro ng video game sa Amerika. Bagamat may iba pang dahilan maliban rito, ay naging main issue raw ang paglalaro ng video game ng kanilang asawa kaysa ayusin ang relasyon nila.
Habang ayon naman sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Leisure Research, may mga babae o misis na may mister na 73% gamer ang nagnanais na sana ay mabawasan ang oras ng kanilang asawa sa paglalaro at bigyan ng oras ang relasyon nila.
Ang tagpong ito ay hindi nalalayo sa Pilipinas na kung saan maraming Pinoy rin ang naadik sa paglalaro ng video game. Mas dumadami at dumadami pa nga daw sila sa pagdaan ng panahon ayon sa isa pang pag-aaral. Kaya misis kung si mister mo ay may video game addiction, hindi ka nag-iisa.
Pero malamang tatanungin mo, paano ba masasabing adik na sa video game ang mister mo? Narito ang ilang palatandaan ayon sa American Psychiatry Association.
Sintomas ng video game addiction
- Laging paglalaro lang ng video game ang laging nasa isip niya.
- Malungkot o mainit ang ulo kapag hindi nakakapaglaro.
- Mas gusto o masarap ang pakiramdam kapag mas maraming oras ang naigugugol sa paglalaro.
- Hindi ito matigil o mabawasan man lang ang oras sa paglalaro.
- Ayaw gumawa ng ibang bagay maliban sa paglalaro.
- Nagkakaroon ng problema sa trabaho at sa inyong bahay dahil sa video game.
- Hindi inaayos o sinu-solusyunan ang mga problema at mas gusto lang ang maglaro ng video game.
- Pagsisinungaling para lang makapaglaro.
Mas lumalala nga daw ang video game addiction ni mister kung nagpapakita siya ng mga sumusunod na gawi sayo.
- Hindi ka na niya pinapansin sa tuwing naglalaro.
- Hinahawi ka palayo kung kakausapin mo siya.
- Inabandona o kinalimutan niya na ang responsibilidad sa inyong bahay at trabaho.
- Nagagalit sa tuwing kinakausap mo siya tungkol sa kaniyang paglalaro at sinasabing hindi mo ito naiintindihan.
Bagamat nakakalungkot ang ipinapakitang gawi ng isang mister na may video game addiction, may mga paraan naman na maari kang gawin upang matulungan siyang maiwasan ito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Mga paraan upang matigil ang video game addiction ni mister
1. Subukang kausapin siya at ipaalam sa kaniya ang iyong nararamdaman.
Ito ay dapat gawin sa mahinahon at maayos na paraan. Iwasang tawagin siya ng mga pangalan o akusahan siya na mas gusto niyang maglaro kaysa sayo. Mabuting ipaalam sa kaniya ang iyong nararamdaman sa paraan na kalmado upang maintindihan niya ito.
2. Ipaalam sa kaniya ang nagiging epekto ng kaniyang addiction sa inyong relasyon.
Huwag basta pabayaan o isawalang bahala ang ginagawang epekto ng kaniyang video game addiction sa inyong relasyon. Ipaalam ito sa kaniya at kausapin siya kung paano ninyo ito magkasamang maaayos.
3. Gumawa ng bagong activities na iyong kaaaliwalan o kaaabalahan.
Ang paghahanap mo ng ibang pagkakaabalahan ay hindi lamang makakapagpabawas ng iniisip mo tungkol sa iyong asawa. Makakatulong rin ito upang ma-realize niya ang kakulangan ng wala ka sa tabi niya at kaniyang binabalewala.
4. Humanap ng support sa mga grupo ng kababaihan na may parehong problema sayo.
Sa ganitong paraan ay magkakaroon ka ng ideya sa kung paano haharapin ang pagsubok na ito sa inyong pagsasama.
5. Mag-isip ng ibang paraan o activity na magagawa ninyong mag-asawa.
Kaysa samahan siyang maglaro ng video game, mas mabuting mag-isip ng ibang activity na magiging productive at beneficial sa inyong dalawa. Ito ay para masiguro na nakakapag-spend kayo ng quality time sa isa’t-isa.
6. Humingi ng tulong sa isang professional.
Kung pakiramdam mo ay hindi mo na kayang kontrolin ang video game addiction ng iyong mister ay humingi na ng tulong sa isang doktor. Dahil may mga therapy o hakbang na maaring gawin upang matulungan siyang maalis ang addiction na ito.
7. Tulungan si mister na iwasang maging adik sa video game.
Para naman maiwasan ang iyong mister na maadik sa paglalaro ng video game ay may mga paraan ka ring maaring gawin. Ito ay ang sumusunod:
- Bigyan ng oras o limitahan ang oras ng kaniyang paglalaro.
- Ilayo ang mga gadgets o phone sa inyong kwarto o kama kapag matutulog na.
- Gumawa o hikayatin siyang gumawa ng ibang acitivity tulad ng pag-eexercise.
Video games ruin relationships, oo. Kaya huwag hayaang sirain nito ang pagsasama ninyo ni Mister.
Source:
Healthy Place, WebMD, HeadStuff
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!