STUDY: Mga batang laging sinisigawan o pinapalo, nagiging mas maliit ang utak

Kung ganito ang pagdidisiplina mo sa iyong anak, mabuting pag-isipan at palitan na ang parenting style mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng pagsigaw sa bata, halos maitutumbas umano sa epekto sa isang bata kung siya ay nakakaranas ng pang-aabuso.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang harsh parenting?
  • Ang epekto ng harsh parenting sa development ng isang bata.
  • Paano maiiwasan na maging harsh parent sa iyong anak?

Ang pagpalo at pagsigaw sa mga bata ay isa na siguro sa normal na makikita sa karamihan ng tahanan hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa buong mundo.

Pero ang nakakalungkot na katotohanan, ang harsh parenting style na ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa development ng isang bata. May mga pag-aaral o scientific explanation na mag-babackup dito.

Ano ang harsh parenting?

People photo created by master1305 – www.freepik.com 

Ang harsh parenting ay tumutukoy sa madalas na pagsigaw, pamamalo, pag-iiwan at emosyonal na pang-aabuso sa isang bata. O halos na maihahalintulad sa toxic o bad parenting na kung saan kabilang ang pisikal at seksuwal na pang-aabuso.

Pati na ang hindi pagpapakain sa isang bata at iba pang aktibidad na kung saan hindi siya nabibigyan ng karapat-dapat na pag-aaruga o pag-aalaga na kaniyang kailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ikukumpara ang harsh parenting mula sa bad parenting, naiiba lang ang dalawa sa punto kung saan ang bad parenting ay may legal repercussions o consequence na maaaring harapin ang isang magulang na gagawa nito.

Hindi tulad ng harsh parenting na madalas na sinasabing paraan lang ng pagdidisiplina sa isang bata.

Pero ayon sa isang pag-aaral, bagamat normal lang naman na magalit ang magulang sa pagtatantrums o maling gawi ng isang bata, magdudulot naman ng malaking problema kung ito ay makakasanayang gawin ng madalas o paulit-ulit.

Lalo na kung ito ay sasabayan ng pagsigaw at pamamalo sa bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng pagsigaw sa bata at pamamalo o harsh parenting

Isa sa mga pag-aaral na nagtukoy ng masamang epekto ng pagsigaw sa bata at pamamalo ay ang pag-aaral na nailathala sa journal na Development and Psychology.

Ayon sa pag-aaral, ang mga batang laging sinisigawan o pinapalo ay maaaring magkaroon ng mas maliit na utak. Ito ang natuklasan ng pag-aaral na isinagawa sa 94 na mga batang edad 12 hanggang 16-anyos.

Ang mga batang ito ay nakaranas ng harsh parenting o laging nasisigawan at napapalo noong sila ay edad dalawa’t kalahating taon hanggang siyam na taong gulang.

Sa pag-aaral ay igrinupo ang mga bata base sa kung gaano sila kadalas nasisigawan o napapalo. Doon nga natuklasan na ang mga batang expose sa harsh parenting style na nabanggit, ay may maliit na grey matter sa prefrontal cortex region at amygdala ng kanilang utak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang bahagi na ito ng utak ay may kaugnayan sa emotional at mental wellness ng isang tao.

Harsh parenting halos katumbas ang epekto sa bata na dulot ng pang-aabuso

Image from Pexels

Pahayag ni Sabrina Suffren, lead researcher ng ginawang pag-aaral, ang resulta ng pag-aaral ay patunay lang sa nagagawang impact ng harsh parenting sa development ng isang bata. Partikular na sa social at emotional development nila.

Pahayag ni Suffren,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The implications go beyond changes in the brain. I think what’s important is for parents and society to understand that the frequent use of harsh parenting practices can harm a child’s development. We’re talking about their social and emotional development, as well as their brain development.”

Dagdag pa ni Suffren, ang ginawang pag-aaral ay base sa isang 2019 study na nagsabing ang harsh parenting ay may masamang epekto rin sa brain function ng isang bata.

Ayon pa sa kaniya, mahalagang maintindihan na ang mga batang nakasama sa bagong pag-aaral ay hindi nakaranas ng seryosong pang-aabuso.

Pero ang pagsigaw o pamamalo sa kanila ay katulad din ang naidudulot na epekto. Sapagkat base sa mga nauna ng pag-aaral, ang pang-aabuso ay may impact sa brain development ng isang bata.

Long-term effect ng madalas na pagsigaw at pamamalo sa bata

Image by sippakorn yamkasikorn from Pixabay 

Paglilinaw pa ni Suffren, ang nabanggit na epekto ng pagsigaw at pamamalo sa bata ay hindi niya naman mararanasan kung paminsan-minsan lang itong ginagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit kung mas madalas at paulit-ulit ay malaki ang tiyansang maging long-term ang damage nito sa kaniyang brain function at development.

Mas at risk rin umano sa mga emotional issues ang mga batang laging nasisigawan at napapalo. Halimbawa ng mga emotional issues na ito ay depression, anxiety, aggression at iba pa.

Maaari rin itong magdulot ng negative behavior sa mga bata. Ilan pa nga sa maaring maging epekto ng harsh parenting sa mga bata ay ang sumusunod:

1. Negative self-perception

Ang madalas na pagtawag ng mga negatibong pangalan o label sa isang bata ay maaring magdulot ng seryosong damage sa kaniya. Ito ay maaaring magdulot ng low self-esteem o kaya naman ay maging ugat para maging mahiyain o introverted ang behavior niya.

2. Rebellion

Ang mga batang may sobrang higpit na mga magulang ay maaari ring magpakita ng mental health issues tulad ng anxiety at obsessive-compulsive disorder o OCD. Pati na ang overall negative mindset o negatibong pag-iisip.

May ibang bata rin na umiiwas o nilalayo ang kanilang sarili sa iba dahil sa mental strain. Habang may ilan na lumalaking rebelde sa kanilang magulang.

Ilan nga sa palatandaan nito ay ang pakikipag-away sa kanilang magulang. O kaya naman ay ang paglabag sa mga patakaran sa loob o labas ng kanilang bahay.

3. Behavioral problems

Ang harsh parenting ay maaari ring magdulot ng behavioral issues sa mga bata. Kabilang dito ang pagiging agresibo o palaaway sa eskuwelahan. May ilan ngang nagiging bully sa ibang bata para mailabas ang kanilang frustrations.

4. Substance abuse

Isa pa sa maaaring maging seryosong epekto ng harsh parenting sa isang bata ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. O kaya naman ay pag-inom ng alak para makatakas sa kanilang nararanasan.

BASAHIN:

6 na pamamaraan sa pagdidisplina sa anak at kalahagahan nito

Hindi raw epektibo ang pamamalo ng bata, ayon sa mga pediatrician

7 warning signs na kulang sa disiplina ang isang bata

Paano mahihinto ang harsh parenting?

People photo created by our-team – www.freepik.com 

Ang harsh parenting ay maaaring maging palatandan ng unresolved issue ng isang magulang na hindi niya napapansin ay nailalabas o napro-project niya sa kaniyang anak.

Pero hindi natin namamalayan hindi lang ang mental health ng anak ang naapektuhan. Pati ang kaniyang development.

Para mapigilan o tuluyan ng mahinto ang harsh parenting, makakatulong kung sasailalim sa seminar o counseling ang mga magulang para ma-assess ang kanilang parenting techniques.

May mga bagay rin naman na maaaring gawin para hindi maging harsh parent sa iyong anak. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Makinig sa feelings ng iyong anak.
  • Bigyan ang iyong anak ng pagmamahal at atensyon na kailangan niya.
  • Hayaan silang magkamali at matuto sa mga ito.
  • Disiplinahin sila kung kinakailangan pero sa maayos o tamang paraan.
  • Hayaan silang maging bata.

Tandaan, ang kailangan ng iyong anak ay ang magulang na protective at mamahalin siya.  At ang pamamalo at pagsigaw ay hindi makakabuti sa kaniya. Kaya naman pag-isipan at baguhin na kung kinakailangan ang iyong parenting strategy para sa ikabubuti ng iyong anak.

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa wikang Ingles sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.