Naranasan mo na rin bang pinapagalitan o sindakin ang iyong anak para lang tumahimik habang umiiyak? Maraming parents ang naiisip na sigawan ang kanilang anak para lamang sumunod. Ito ay madalas na nangyayari kapag ang bata ay sobrang kulit at hindi na talaga nakikinig. Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa mga bata? Narito ang sagot ng experts.
Marami naman talagang stress na iniisip ang mga magulang. Kaya nga minsan, nauuna ang emosyon sa kanila bago pa maisip na maaaring masaktan nila ang damdamin ng anak.
Hindi kasi maiiwasang maipu-push din ng kids ang pasensya ng kanilang mommies and addies. Dito pumapasok ang pagsigaw nila kung minsan sa mga bata.
Ayon sa experts, mahalaga raw na alam ng parents kung paano ito kontrolin. Mayroon din daw kasing masamang epekto habang tumatanda ang paningaw sa kanila ng kanilang mga magulang.
Talaan ng Nilalaman
Bakit nasisigawan ng mga magulang ang kanilang anak?
Sa madaling sabi, gawa ito ng pagkakaroon ng overwhelmed o galit na emosyon kaya naitataas ang boses. Kung minsan maaari ring dahil sa biglaang pangyayari na hindi na nakapag-isip pang maging malumanay kaya naman pasigaw ang naging sagot.
Hindi lahat ng pagkakataon, sigaw ang nagiging sagot para maging mabuti ang sitwasyon. Maaaaring pansamantalang manahimik ang mga bata pero hindi naman nito mababago talaga ang kanilang attitude. Para kasi sa bata, nakakatakot sa tuwing sumisigaw ang mga matatanda. Nararamdaman nilang hindi na nila safe at comfortable.
Sa mga nangyayaring ito mayroong napupulot ang bata. Para kasi sa experts, sa parents daw mostly kumukuha ng idea ang bata para sa kanilang pagkatuto. Kaya naman malaking parte ng buhay nila ang maaapektuhan dahil sa pagsigaw na ito.
Epekto ng pagsigaw sa bata
Isa ka rin ba sa mga magulang na mabilis madala ng kanilang emosyon at kadalasan ay napapasigaw na sa tuwing hindi sumusunod ang anak? Ayon sa experts, isang natural na reaksyon naman ang pagsigaw. Subalit, kung sakaling ang pagsigaw ay napapadalas na, ay maaaring makaapekto na ito sa anak in the long run.
Maraming pag-aaral na ang nagpatunay na hindi mabisang paraan ang pagsigaw para maiparating ang gustong sabihin sa bata. Hindi niya nakukuha ang gustong sabihin sa kanya dahil nabibingi na siya sa takot ng sigaw. Ibig sabihin, kabaligtaran na ito ng kung ano ang nais makuha kung bakit sumisigaw.
Sa pagsigaw daw kasi napapababa pa lalo ang receptivity ng bata. Nangangangahulugan lamang na lalo silang hindi makikinig at mahihirapan pang disiplinhain sila. Ilan research din ang nagpakita na lalo pa raw nagiging agresibo ang mga batang sinisigawan.
Dahil din ang pagsigaw ay dahil sa galit, natatakot nito ang mga bata mas nararamdaman nilang hindi sila ligtas sa tahanan. Dahil dito, bumababa ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Maaaring bumaba ang kanyang self-esteem at maaaring magkaroon ng hindi magandang epekto sa kanyang interpersonal skills.
Dagdag pa nito ang mga masasakit na salitang maaaring magamit sa pagsigaw, maaari na itong kilalanin bilang emotional abuse. Napag-alaman din na bukod sa mababang kumpiyansa sa sarili at pagiging agresibo ay nagiging sanhi ito ng anxiety.
Kung ang iyong pagsigaw ay isang paraan mo para humingi ng respeto, unawain na maaaring iba ang resultang iyong makuha. Sa iyong pagsigaw, mali ang nabibigay mong pag-intindi sa bata pagdating sa healthy boundaries at respeto sa sarili.
Iba’t ibang paraan para mapigilan ang pagsigaw
Mayroon ka bang kakilalang magulang na hindi mapigilan ang pagsigaw sa kaniyang mga anak? O ‘di kaya naman ay ikaw mismo ang nahihirapan sa pagpigil sa iyong emosyon kaya madalas mong nasisisgawan ang iyong sariling anak. Good news ay hindi pa huli ang lahat at maaari mo pang mabago ang ganitong habit.
Kung nais mong matigil na ang pagsigaw sa iyong anak, narito ang ilang tips na maaaring gawin:
1. Ang pinaka-epektibong pagdidisiplina ay ang pagpapakita ng disiplina sa sarili
Sabi nga nila, maging mabuting halimbawa sa mga anak. Mula rito, masasabing makakabuti na ipakita sa bata na ikaw ay may disiplina sa iyong emosyon at ugali.
Kapag mapansin ng bata na ikaw ay may disiplina sa iyong mga emosyon, gagayahin niya ito. Bago magbitaw ng kahit ano mang salita, unawain muna ang sitwasyon. Pagkatapos ay tsaka kayo magkaroon ng masinsinang usapan kung ano nga ba ang dapat na gawin.
Ipakita sa iyong anak na habang nagdidisiplina ka sa kanya at dinidisiplina mo rin ang iyong sarili sa mga bagay na dapat niyang matutunan. Sa ganitong paraan ay maaari kang gayahin ng iyong anak nang hindi niya namamalayan.
2. Huwag sayangin ang lakas sa walang kwentang pagtatalo
Ang hindi pagsunod ng iyong anak ay hindi nila ginagawa bilang paglaban sa iyong awtoridad sa kanila. Tignan ang mga ito bilang pagkakataon para maturuan sila at lalong mapalapit sa kanila imbes na tignan bilang pagsuwail sa iyo.
Mas mabuti kung mapapaintindi mo sa kanila sa pamamagitan ng maayos na pag-e-explain upang makita nila kung saan ka nanggagaling.
Ang nais mo ay hindi ang madali silang mapasunod kundi ang magkaroon ng constructive na pag-uusap para masolusyonan ang mga problema. Iwasan nang i-bring up pa ang mga pagtatalo o usapin na sa tingin mo ay magpapalala lamang ng sitwasyon. Unahing ihapag sa inyong usapan ang mga priority at mahalagang pag-usapan hinggil sa kung ano ang nais mong ipangaral sa kanya.
3. Intindihin ang iyong anak
Dahil mas nakakatanda, makakabuting intindihin ang nararamdaman ng iyong anak. Mahalaga ring ikaw ang unang iintindi sa iyong anak dahil ikaw ang parents at mas nakakakilala sa kanyang pagkatao.
Bawasan ang pagsesermon sa iyong anak at kilalanin ang kanyang mga nararamdaman. Pakinggan kung ano ang kanyang mga hinaing at mula dito, mas makikinig ang iyong anak.
Mas malawak ang pang-unawa ay mas maiiwasan ang pagbabangayan. Sa huli’t huli, nagiging takbuhan naman talaga ng bata ang kanyang parents. Mainam na malaman nilang ang safest at most comfortable place at tao na pwede nilang malapitan ay ang pamilya sa tahanan.
Sa ganitong paraan maiiwasan mo ring mapahamak ang anak na magsabi o magsumbong sa ibang tao na maaaring pagsamantalahan sila.
4. Makiramay at ituro kung ano ang kaniyang nararamdaman
Kapag alam ng bata ang mga salita para ipahiwatig ang kanyang nararamdaman, maspipiliin niyang pag-usapan ito imbes na magwala. Dahil dito, makakabuti na kilalanin ang nararamdaman ng bata at ituro sa kanya ang mga salita para ipaliwanag ito.
Ipaalam sa kanya na siya ay galit, naiinis, frustrated, o kung ano pa. Iwasan ang basta lamang siyang sabihan na huwag mainis. Sabihin muna na “Alam kong naiinis ka…”
Maaaring hindi agad sumunod ang iyong anak sa hindi mo pagsigaw ngunit masmabuti ang mga magiging epekto nito sa pagtagal. Ang maskaunting pagsigaw sa bata ay magdudulot ng masmabilis na pagsunod nila.
Kung sakaling hindi umeepekto ang ilan sa mga alternatibong ito, mas mainam na kumonsulta na sa doktor. Sa eksperto maaaring masuri kung mayroong ka bang kinahaharap na issues sa mental or emotional being mo.
Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.