X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon ayon sa mga pag-aaral

4 min read

Epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon naka-depende umano sa magka-relasyon o mag-asawa.

Maraming pag-aaral na ang isinagawa upang maipaliwanag ang epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon. Iba-iba man ang lumabas na resulta sa mga ginawang pag-aaral, isa lang ang sigurado ng mga eksperto. Walang masama sa panonood na porn. At ang epekto nito sa isang relasyon ay naka-depende sa mag-partner na nagpapatakbo ng relasyon.

epekto-ng-panonood-ng-porn Image from freepik

Negatibong epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon

Nag-bubuo ito ng unrealistic o fantasy portrait sa sexual relationship ng mag-partner

Ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ng Canadian psychologist na si Marie-Pier Vaillancourt-Morel, isa sa epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon ay ang nagbubuo ito ng unrealistic o fantasy portrait pagdating sa pakikipagtalik. Ito ay dahil iniisip ng isa sa magka-relasyon na nanonood nito na ang kaniyang nakikita ay ideal o dapat niyang tularan. Sa iba ay may negatibong epekto ito, lalo na sa mga mag-partner na kung saan ang isa sa kanila ay hindi payag o komportable na tularan ang napapanood sa porn.

Dagdag pa ng pag-aaral, nagiging less attractive rin para sa taong nanonood ng porn ang kaniyang ka-partner. Ito ay dahil naikukumpara niya ito sa mga porn stars na kaniyang napapanood na nagiging dahilan upang makaramdam ng insecurity ang kaniyang karelasyon. Ang insecurity at discomfort na ito ay nagiging simula ng hindi nila pagkakaintindihan at maaring mauwi sa hiwalayan kung mapabayaan.

epekto-ng-panonood-ng-porn Image from Freepik

Tumataas ang tiyansa ng magloko o maghanap ng iba ang isa sa magkarelasyon

Dahil sa nakikita ng isa sa magka-relasyon na ideal ang napapanood niya sa porn at hindi ito kayang ibigay ng kaniyang asawa o partner ay hahanapin niya ito sa iba. Dito nagsisimula ang panloloko o pagkakaroon ng 3rd party isa isang relasyon.

Mabuting epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon

Nagiging source of information ito ng magkarelasyon patungkol sa sex o pakikipagtalik

Taliwas naman rito ang natuklasan ng isang pag-aaral na inilathala sa Archives of Sexual Behavior. Ayon sa nasabing pag-aaral, ang panonood ng porn ay good source of information ng magka-relasyon pagdating sa sex o pakikipagtalik. Dahilan upang mas maging exciting pa ang kanilang pagsasama.

Nagiging alternative outlet ito sa oras na hindi available o wala sa mood makipagtalik ang isa sa magka-partner

Mas nagiging matatag pa umano ang isang relasyon dahil sa panonood ng porn. Dahil sa ito ay nagiging alternative outlet ng isa sa magka-relasyon sa oras na hindi available o wala sa mood na makipagtalik ang kaniyang partner. Mas mabuti ito kaysa humanap siya ng iba na makakapag-satisfy ng saglit sa kaniya.

Mas nagiging open ang magka-partner sa usaping sex.

Ayon pa rin sa pag-aaral ay mas nagiging open rin ang magka-partner tungkol sa usaping sex dahil sa panonood ng porn. Kaya naman mas lumalalim ang kanilang pagkakaintindihan at mas tumitibay pa ang kanilang pagsasama.

epekto-ng-panonood-ng-porn Image from Freepik

Pahayag ng mga eksperto

Ayon kay David Ludden, isang professor of psychology sa Georgia Gwinnett College, ang epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon ay nakadepende sa attitude ng mag-partner tungkol rito. Kung ito ay nagdudulot ng negative feelings sa magkarelasyon, mataas ang tiyansa na negatibo rin ang epekto nito sa kanilang pagsasama. Ngunit kung ang magka-partner ay may healthy attitudes tungkol rito ay mataas naman ang tiyansa na mas patibayin pa nito ang kanilang relasyon.

“If you already believe porn to be evil, you’ll likely suffer guilt and remorse over your own use. As well as feelings of anger and betrayal over finding your partner using it. But if you have open and healthy attitudes about your own and your partner’s sexuality, then you’re likely to use porn in ways that enhance your relationship with your significant other.”

Ito ang pahayag ni Ludden.

Maging open at makipag-usap sa iyong partner tungkol rito

Para naman sa psychologist at sex therapist na si Janet Brito, hindi masama o mabuti ang porn. Ngunit kung ito ay nakakaapekto na sa relasyon ay dapat mag-usap na ng masinsinan ang mag-partner tungkol rito.

"Porn is neither good nor bad. However, if it's causing emotional distress for you or your relationship, interfering with your daily functioning, then it is a good idea to examine your relationship to porn and what function it serves for you."

Ito ang pahayag ni Brito. Ayon sa kaniya, ang pagkakaroon lang ng maayos na komunikasyon ang paraan upang maiwasan ng magka-partner na magkaroon ng problema sa panonood ng porn. Kailangan lang nilang maging tapat at open sa isa’t isa. Sa ganitong paraan ay masasabi nila ang kanilang nais tungkol sa pakikipagtalik at kanilang pagsasama. At maa-address ang mga issue o problema na kinakaharap ng relasyon nila.

 

Source:

MBG Relationships, Psychology Today

BASAHIN:

Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Epekto ng panonood ng porn sa isang relasyon ayon sa mga pag-aaral
Share:
  • Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister

    Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister

  • Can watching porn together save your sex life?

    Can watching porn together save your sex life?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister

    Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister

  • Can watching porn together save your sex life?

    Can watching porn together save your sex life?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.