Sa kultura natin, ang panonood ng porn ay hindi masyadong tanggap ng karamihan. Ang panonood nito ay normal na lalo sa mga couple. Ngunit ano nga ba ang epekto ng panonood ng porn sa mag asawa? May maibibigay ba itong magandang benepisyo para sa isang relasyon?
Epekto ng panonood ng porn sa mag asawa
Kahit normal na ang panonood sa mag-asawa, mayroon pa ring iba na hindi pinapayagang manood ng porn ang kanilang mga mister. Ayon sa mga eksperto, ang pangunahing dahilan dito ay ang tinatawag na ‘infidelity’ o pagkatakot ng mga asawang babae na maghanap ng ibang babae ang kanilang mister at tuluyang mangaliwa ito.
Sa Infidelity, dito paunti-unting nawawala ang desire ng asawa mo sa’yo at isang dahilan kung bakit may ‘third-party’ na nagaganap.
Kadalasan, ang mga nanonood ng porn ay sinasabayan rin ito ng kanilang pag masturbate. Ang rule naman ng ibang asawang babae, ang hindi pagnood ng porn ay hindi rin pag masturbate.
Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi aprubado ni misis ang panonood ng porn ni mister? Actually, hindi lang sa infidelity pumapasok ang mga dahilan na ito. Naniniwala kasi ang mga babae na kapag tumugil sa panonood ng porn ang kanilang asawa, maaaring bumalik o tumaas pa ang desire nila sa mga asawang babae. Mawawala rin ang kanilang pangamba sa pangangaliwa ni mister kapag sila ay tumigil sa panonood ng porn.
Mayroon namang nagtatagumpay sa rule na ito ngunit may iba ring hindi makapagpigil sa panonood ng porn.
Epekto ng panonood ng porn sa samahan ng mag asawa
Sa ibang kaso, hindi effective ang ganitong paraan sa kanila. Kapag nag masturbate ang asawang lalaki nang walang pinapanood na porn, posibleng may pinapanood pa rin itong imahe sa kanyang isip katuald ng porn, isang sexy star, ex-girlfriend o mismong kapitbahay nito.
Kung tatanungin mo ang mga mag-asawa na ganito ang kanilang set-up, kadalasan mong maririnig na “Okay na si misis simula ‘nung tumigil ako sa panonood ng porn.” Ngunit subukan mong tanungin ang mga asawang lalaki. Wala kang masyadong maririnig sa kanila na “Nagkaroon ako ng sobra-sobrang desire sa asawa ko.”
Isa pang dahilan kung bakit pinapatigil ng mga asawang babae ang panonood ng porn ng kanilang asawa ay dahil nagkakaroon rin sila ng insecurity sa mga porn actress. Ito ay dahil sa mga asawang lalaki na pilit ipinagkukumpara ang pisikal na anyo o kapasidad ng kanilang asawa sa ibang porn actress.
Paano ma-de-develop ang relasyon ng mag-asawa through sexual communication?
- Gawing exciting at memorable ang bawat pagtatalik.
- ‘Wag makikipagtalik kung pagod ang isa o wala sa mood pareho.
- Ipaalala at ipadama sa iyong partner kung gaano ka nag enjoy sa inyong romansa.
- Ipaalala sa kaniya ang mga nakaraang sex experiences niyo.
- ‘Wag kakalimutang ipaalala sa iyong partner kung gaano sila kaakit-akit sa iyong paningin.
- Sulitin ang oras at accompany ng bawat isa.
Source:
BASAHIN:
Paano ba mag muscle control at paano ito makakatulong sa sex life namin ni mister?
Makakatulong nga ba sa relasyon ng mag-asawa ang scheduled sex?
Gusto ng sexy time pero buntis? Iba’t-ibang safe sex positions sa bawat trimester