Epekto ng polusyon, hindi lang makukuha sa labas kung hindi pati mismo sa loob ng ating bahay.
Karamihan ay naniniwala na sa labas lang ng bahay tayo makakasagap ng polusyon na masama para sa ating kalusugan. Sa isang bagong pag-aaral, napag-alaman na sa loob mismo ng ating bahay ay exposed tayo sa dumi at polusyon.
Ito ay base sa pinakabagong pag-aaral na ginawa ng Harvard T.H. Chan School of Public Health.
Ayon nga sa mga researchers, marami pa tayong hindi alam sa nagagawa sa ating kalusugan ng indoor air pollution. Ang sanhi nito? Ang maliliit na bagay na ginagawa natin sa loob ng ating bahay—kung saan tayo namamalagi sa halos 65% ng ating buhay.
Ating alamin ang mga pang araw-araw nating gawain na nagiging sanhi ng epekto ng polusyon sa ating kalusugan.
Paano natin nakukuha ang masamang epekto ng polusyon sa loob ng ating bahay?
1. Pagluluto nang walang maayos na ventilation
Ayon sa pag-aaral, kapag tayo ay nagluluto ay nababago natin ang air quality sa loob ng ating bahay. Masarap man para sa ating pang-amoy, may mga microscopic particles mula sa ating niluluto ang humahalo sa hangin. Maari itong magdulot ng kapahamakan sa ating kalusugan.
Kaya naman payo ng pag-aaral na magkaroon ng maayos na ventilation ang ating kusina o isang exhaust fan sa tapat ng ating stove. Ito ay para mailabas ang hanging nagtataglay ng microscopic particles na may dalang masamang epekto ng polusyon sa ating kalusugan.
“In your kitchen, you can generate levels that look like a bad outdoor-air-pollution day in Beijing or Los Angeles. And depending on your type of ventilation, or if you don’t have an exhaust over your stove, those levels can get high and stay high.”
Ito ang pahayag ni Joe Allen, lead author ng Harvard study.
“The science says you have to have an exhaust hood and it has to be exhausted to the outside. Otherwise, you are just collecting it and redistributing it somewhere else but not out of the house,” dagdag pa niya.
2. Hindi paghubad ng sapatos bago pumasok sa loob ng bahay
Ang pagpasok ng ating sapatos sa loob ng ating bahay ay nagpapasok rin umano ng mga bacteria, germs at chemicals na masama sa ating kalusugan.
Kaya naman ang paghuhubad ng sapatos bago ka humakbang sa loob ng bahay ay malaki ang maitutulong para makaiwas sa mga ito.
“The reality is that we are tracking around everything on the bottom of our shoes. So whatever you happened to walk through on the way into your home — if it’s soil, it can be pesticides, if it’s dirt and debris from the road, it can be lead — you are redepositing everywhere you go.”
Ito ang paliwanag ni Allen.
3. Pagtulog sa kuwartong walang maayos na ventilation
Ayon sa mga researchers, mahalagang maging well-ventilated ang kwarto na ating tinutulugan. Hindi lang dahil para maging komportable ang ating pagtulog, kung hindi para rin mapanatiling cool at clean ang hanging ating nalalanghap.
Makakatulong ang paggamit ng humidier o air purifier sa gabi para tayo ay makahinga at makatulog ng maayos.
4. Pagdadala ng cellphone sa loob ng iyong kuwarto
Hindi lamang distraction ang cellphone sa ating masarap na tulog, ang blue light na nanggaling rito ay naapektuhan rin ang pagpo-produce ng melanin ng ating katawan. Ito ang hormone na nagre-regulate ng sleep at wakes cycles.
Kaya payo ng mga researchers ng pag-aaral, hangga’t maari ay ilayo mula sa iyo ang iyong cellphone o ilagay ito sa kabilang kuwarto.
Samantala, ang paggamit naman ng mas madilim na light bulb ay makakatulong para makakuha ng maayos na tulog.
5. Paggamit ng air fresheners at sweet scented candles
Bagamat nais nating maging mabango ang loob ng ating bahay ang pag-gamit naman ng air fresheners at scented candles ay may masama ring epekto sa ating kalusugan.
Dahil ayon sa pag-aaral, ang pag-gamit ng mga ito ay gumagamit ng prosesong combustion. Isang prosesong nagre-release ng harmful chemicals sa hangin na ating nalalanghap. Ganoon din ang mga regular na kandila at insenso. Kaya paalala ng mga researchers, mabuting limitahan ang pag-gamit ng mga ito.
Iba pang healthy home tips pra makaiwas sa epekto ng polusyon
Umaasa ang mga researchers na ang mga impormasyong ito ay magsilbi sanang paalala sa mga tao. Ito ay para makaiwas tayo sa epekto ng polusyon hindi lamang sa labas kung hindi pati narin sa loob ng ating bahay.
Source: The Harvard Gazette
Photo: Ringgit Plus
Basahin: Maduming hangin, nagiging sanhi ba ng autism?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!