Umabot na sa Cebu ang haze mula sa forest fires sa isla ng Sumatra at Borneo ng India. Nagbigay ng babala ang Environmental Management Bureau ng Central Visayas sa mga epekto ng polusyon sa hangin nuong ika-18 ng Setyembre.
Sa pagpasok ng polusyon, mahalagang panatilihing ligtas ang kalusugan at alamin ang mga pag-iingat na kailangang gawin – lalo na ang mga mga bagong silang at mga nagbubuntis.
Ito ang dapat alalahanin tungkol sa epekto ng polusyon sa hangin, lalo na sa dalawang grupo na nabanggit.
Umabot na sa Cebu ang haze mula sa India. Paano mapro-protektahan ang mga bagong silang at mga buntis? Image source: Rappler
Epekto ng polusyon sa hangin sa mga bagong silang
Ang mga bagong silang ay vulnerable at may mahinang immune system, kaya mahalagang tandaan na ang kanilang respiratory system ay masmahina sa polusyon na maaaring malanghap sa delikadong PSI levels.
Nalalagay sila nito sa masdelikadong health risk sa polusyon, at dapat panatilihin sila sa loob ng mga bahay lalo na kung umabot na ang PSI sa 100 o higit pa.
Kung maapektuhan ang kanilang respiratory systems, maaari silang magka-asthma o bronchites na kakailanganin ng medikal na pag-aalaga.
Paano protektahan ang mga bagong silang laban sa haze
Dahil hindi pa maaaring mag-suot ng masks ang mga bagong silang, kailangang maging lubos na maingat ang mga magulang sa paniniguradong protektado ang kanilang mga anak. Infographic courtesy: Singapore General Hospital.
Ito ang ilang kailangang tandaan pagdating sa loob ng mga bahay:
Pag-aalaga sa balat at diet ng baby:
- Kung ang baby ay breastfed, ipagpatuloy lamang ito. Kung may sakit ka (halimbawa pamamaga sa lalamunan o upeer respiratory tract infection), magsuot ng mask habang nagpapa-breasfeed para hindi maipasa ang bacteria sa baby. Makakabuting magpunta sa duktor para makatanggap ng gamot na akma sa pag-breastfeed. Ang pag-breastfeed ay nakakatulong sa pagdami ng antibodies at natural immunity ng baby kaya ipagpatuloy ito.
- Kung naka-formula ang baby, ipagpatuloy lamang ito. Siguraduhin na malinis ang tubig at hindi na-expose nang walang takip. Ang mga particles ng haze ay maaaring mapunta sa tubig na walang takip.
- Upang maiwasan ang panunuyo ng balat ng baby dahil sa haze o matagal na pag-aircon, gumamit ng baby moisturizer.
Mahalagang alalahanin na hindi dapat suotan ng masks ang mga bagong silang o baby dahil nakakasagabal ito sa kanilang paghinga at maaaring maging daan sa suffocation.
Nakakasama ba ito sa mga hindi pa napapanganak? Ano ang mga dapat gawing pag-iingat ng mga buntis? Alamin sa susunod na pahina.
Epekto ng haze sa mga nagbubuntis
Mayroong nakakatakot na pag-aaral mula US ang nagsasabing ang exposure sa malalang polusyon habang nagbubuntis ay maaaring magdulot ng autism. Ayon sa pag-aaral, ang mga babaeng nakatira kung saan mataas ang polusyon ay doble ang posibilidad na magkaanak na may autism kumpara sa nakatira sa hindi mapolusyon na lugar.
Subalit, bago mag-panic, makakabuting malaman na ang mga natagpuang pollutants na nauugnay sa autism at iba pang developmental problems ay mga toxins mula sa krudo, tingga, manganese at mercury — mga heavy metals at kemikal na nauugnay sa heavy industry emissions. Kapag nakapasok sa katawan, ang mga toxins na ito ay nakakapasok sa umbilical cord at tumatawid sa blood-brain barrier.
Kabaliktaran nito, ang pangunahing sangkot sa haze at pagtaas ng PSI ay PM2.5, o particulate matter. Ito ay ang abo at iba pang particles dala ng hangin mula Indonesia. Dahil ang usok ay mula sa sunog sa gubat, at hindi kemikal, malabo na ang ganitong polusyon ay magdulot ng developmental problems sa pinagbubuntis na baby.
Kung ang nagbubuntis ay may health issues tulad ng asthma, makakabuting lalong mag-ingat at maging protektado laban sa haze. Siguraduhin na may dalang gamot na compatible sa pagbubuntis.
Pag-iingat para sa mga nagbubuntis
Ingatan ang inyong kalusugan habang may haze. Source: HPB.gov.sg
Sa Singapore, nagpapayo ang Ministry of Health (MOH) at Health Promotion Board (HPB) na ang mga buntis ay dapat “bawasan ang exposure sa haze para sa kalusugan ng pinagbubuntis na baby.”
Kahit pa ang N95 na mask ang pinakamabisa habang may haze, pinapayo ng Raffles Medical Group na “ang mga babaeng nasa 2nd at 3rd trimester ng pagbubuntis ay maaaring may problema sa paghinga o nabawasang kapasidad ng baga, dapat itigil ang paggamit ng N95 mask kung hindi kumportable. Dapat magpakonsulta sa duktor kung maaaring gumamit ng N95 mask. Dagdag pa dito, ang mga nasa 2nd o 3rd trimester ng pagbubuntis ay dapat hindi gumamit ng N95 mask nang matagal.”
Ang pinakamabisang pag-iingat ng mga nagbubuntis? Manatili sa loob kapag hindi na maganda sa kalusugan ang PSI. Kapag nakaranas ng kawalan ng ginhawa, makakabuting humingi ng tulong na medikal o magpahinga muna sa trabaho. Makakabuti rin na makupag-usap sa employer tungkol sa alternatibong work arrangement tulad ng work from home.
Ang mga nagbubuntis ay dapat may healthy at balanseng diet na may kasamang pag-inom ng tubig sa buong araw para masigurado ang hydration habang may haze.
Pagdating sa pagkain, panatilihin ang healthy at balanced diet na maraming prutas, gulay at tubig para manatiling hydrated.
May ilang tradisyunal na Chinese medicine (TCM) at herbs na inirerekumenda para tulungan ang katawan laban ang haze. Karamihan dito ay mild lamang, at nakakatulong sa init, paglinis ng respiratory system at ubo o pamamaga ng lalamunan. Subalit, para sa mga buntis, inirerekumenda na i-check muna sa duktor ang bago gumamit nito.
Ano ang nagdudulot ng haze at paano nakukuha ang PSI readings? Alamin yan dito.
Kakapanganak lamang ba o nagbubuntis? Ipaalam sa amin paano kinakaya ang haze!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!