Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor

Narito kung paano hinarap ng isang polio survivor ang kaniyang sakit na may positibong pananaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng sakit na polio hindi naging hadlang para manguna sa kaniyang karera si Ed Geronia. Siya ay isang beteranong manunulat na aktibong nagsasalaysay ng iba’t-ibang istorya sa mga kilalang online magazines sa bansa.

Image from Visor PH

Kwento ng isang polio survivor

Sa isang Facebook post ay ikinuwento ni Ed kung paano siya nakipaglaban sa sakit na polio noong siya ay bata pa.

Base sa kwento ng ina ni Ed, halos mag-iisang taong gulang palang siya noon at nakakapaglakad na ng tamaan siya ng sakit na polio. Nabigyan na siya noon ng unang dalawang shots ng OPV o Oral Polio Vaccine. Ngunit, ilang araw bago ang scheduled na araw sa pangatlo niyang shot ay nagkaroon siya ng mataas na lagnat.

Tinanggihan daw ng maraming ospital si Ed noon. Dahil noong 1970’s tanging San Lazaro Hospital lang sa Maynila ang may kakayahang maalagaan ang mga batang nagpapakita ng sintomas ng sakit na polio. Kaya naman doon siya dinala ng kaniyang mga magulang na kung saan nakasama niya ang iba pang sanggol na may sakit na polio at hindi maigalaw ang kanilang katawan.

Na-confine si Ed sa ospital dahil sa sakit na polio. Ngunit, hindi siya gumaling mula rito dahil mag-pahanggang ngayon ay wala paring nadidiskubreng lunas para sa sakit. Sa ospital ay binigyan lang siya ng gamot para maibsan ang kaniyang lagnat at pananakit ng katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng sakit na polio

Una ng inakala ng mga magulang ni Ed na mai-stuck nalang siya sa isang wheelchair habang buhay. Ngunit, sinubukan niyang mamuhay ng normal bakit hindi maikakaila ang epekto ng sakit na polio sa kaniyang katawan.

“Gumagamit ako ng forearm crutch para makalakad pero kaya ko rin maglakad ng maikling distansiya na patag. Nakakapagdrive din ako ng sasakyan na may automatic transmission.”

Ito ang pahayag ni Ed sa aming panayam sa kaniya.

Ayon kay Ed, para mabawasan ang epekto ng sakit na polio sa kaniyang katawan ay nag-aral ng physical therapy ang kaniyang ama. Dahil ayon umano sa mga doktor, ang regular physical therapy ay makakatulong sa kaniyang makapaglakad. At makikita naman kay Ed na isang polio survivor na ito ay totoo bagamat hindi tulad ng iba ay hirap parin siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero hindi ininda ni Ed ang epekto ng sakit na polio. At sa halip ay ginamit ito para gawin ang mga bagay na nagbigay sa kaniya ng oportunidad para kilalanin ang sarili at i-maximize ang kakayahan niya.

“Medyo mahirap sumakay sa public transportation gaya ng jeep at bus. At dahil medyo hindi accessible ang mga facilities lalo na noong mga 80s at 90s sa bansa, mahirap din maglakbay at magikot ikot.”

“Since hassle lumabas minsan, mas nagustuhan ko magbasa, magsulat at maglaro ng video games at gumawa ng iba pang indoor activities.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi ko naman inisip na nakaka-inspire ang situation ko but rather isa itong bagay kung saan ako ay dapat mag-adapt. Naisip ko rin na slanted ang mundo sa mga able-bodied na tao. Halos lahat ng bagay at facility ay nakadisenyo sa taong may buong kapasidad or normal na tao.”

Sa pagdaan ng panahon, maliban sa hirap sa paglalakad ay nakakaranas parin daw ng iba pang sintomas ng polio si Ed. Tulad nalang ng pagkasakit ng mga joints sa kaniyang paa at fatigue.

Mensahe para sa iba pang polio victim at mga magulang

Magkaganoon pa man ay hindi siya matitigil nito na mamuhay ng normal, mag-excel sa kaniyang career at patuloy na hasain pa ang kaniyang talent at kakayahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang mensahe ang iniwan ni Ed para sa mga polio survivor na tulad niya.

“The world will always be catered and skewed towards able-bodied people but it is only right and just to demand equal and fair treatment as well as speak out against ableism and discrimination in any form. Don’t let others tell you what you can and can’t do.”

Samantala, para sa mga magulang ay narito naman ang payo ni Ed para maiwasang magkaroon ng malubhang sakit tulad ng polio ang kanilang mga anak.

“Magtiwala sa siyensa at sa mga doktor. I-educate po natin ang ating mga sarili gamit ang mga lehitimong sources of information at mga payo ng medical professionals.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pabakunan ang inyong anak sa lahat ng vaccine preventable diseases. Huwag po nating isugal ang buhay ng mga bata. Sa anumang sintomas ng sakit, dalhin agad ang anak sa isang ospital.”

Basahin: Polio: Sanhi, sintomas at paano gamutin ang sakit na ito