Ayon sa isang pag-aaral, ang epekto ng screen time sa pagsasalita ng bata ay nakakasama at maaring magdulot ng delay sa speech development niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng screen time sa pagsasalita ng bata.
- Paano maiiwasang makaapekto sa speech development ng iyong anak ang panonood niya ng video.
Ito ang epekto ng screen time sa pagsasalita ng bata
Technology photo created by katemangostar – www.freepik.com
Aminin, ang panonood ng videos ng ating anak sa ating cellphone, tablet o smart TV ang ginagawa nating suhol para manahimik siya.
Ito ang ating ginagawang paraan para masigurong mag-stay siya sa isang lugar habang gumagawa tayo ng gawaing-bahay.Bukod pa rito, ang mga educational videos na kaniyang pinanonood ay nagsisilbing paraan para siya’y matuto.
Malamang natuwa ka nang marinig na natutunan niya ang ABC dahil lamang sa panonood ng video. Kaya ang tendency, mas napapadalas o mas napapahaba ang oras na nakatutok siya sa screen at nanonood lang nito.
Pero ayon sa isang pag-aaral, bagama’t may magandang epekto sa pagkatuto, ang epekto ng screen time sa pagsasalita ng bata ay maaaring maging negatibo.
Ito ay maaaring magdulot ng speech delay. Mas mahabang oras umano sa panonood ng video, mas malala ang magiging epekto sa pagsasalita ng anak mo.
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na ginawa ng scientist at pediatrician na si Dr. Catherine Birken at kaniyang team mula sa Hospital for Sick Children sa Toronto, Canada.
Ang findings nilang ito, natukoy nila Birken matapos i-examine ang 900 na batang edad 6 to 24 months. Mula 2011 to 2015 ay tinanong rin ng team nila Birken ang mga magulang ng mga bata tungkol sa haba ng oras at dalas ng paggamit ng screens ng mga bata. Saka sila inassess gamit ang isang tool na susukat kung sila ba ay may delayed communication development.
Maaari itong magdulot ng delay sa expressive speech development niya
Technology photo created by katemangostar – www.freepik.com
Doon nga natuklasan nila Birken, sa 18-month check-up ng mga bata na 20% sa mga ito ang nanonood ng video o gumagamit ng mobile devices ng 28 minutes kada araw.
Ang mga ito nagpakita ng delay sa kanilang expressive speech. Gaya na lang sa paggamit ng mga salita at tunog. Ganoon din sa kung paano sila bumuo ng phrase o sentence para makipag-communicate.
Mas naging malala pa nga umano ang expressive speech delay ng mga batang halos isang oras nanonood ng videos o nakaharap sa screen araw-araw.
Ang findings ng ginawang pag-aaral ni Birken ay sinuportahan ng pahayag ni Dr. Michiko Caruncho. Siya ay isang developmental pediatrician mula sa Makati Medical Center.
Ayon kay Dr. Caruncho, sa bawat oras na-iexpose sa gadgets ang isang bata, mas nagiging delayed siya sa pagsasalita. Pahayag niya,
“Ngayon nakikita natin ang mga negative effects ng screen time sa bata. Oras oras ang exposure sa gadgets mas nagiging delayed ang pagsasalita niya.
May isang study, na 6 times delayed ‘yong mga bata na maraming screen time compared sa ibang regular na bata.”
BASAHIN:
4 tips para sa oplan less o zero screen time, ayon sa isang mommy
Make the most out of screen time: 12 best shows for toddlers on Netflix
Does speaking two languages at home cause speech delay in toddlers?
Payo ng mga eksperto
Dagdag pa ni Dr. Caruncho, kung wala pang dalawang taon ang bata mabuting hindi muna siya pagamitin ng gadgets. Sa halip, kausapin siya ng kausapin para matuto siyang magsalita.
Pagpapaliwanag niya,
“Less than 2 years old talaga, walang ipad, walang cellphone, walang tv, wala. Nawawala ‘yong to hear, to speak, to interact with mom and dad. Kahit educational pa ‘yan. For example, nanonood siya ng palabas kaysa kausap ni mommy. Iba. Nakikita mo tone, facial expressions. Walang back and forth na interaction sa panonood ng TV.”
Gamitin ang gadgets sa pagtuturo sa bata at dapat ikaw ay kasama niya habang gumagamit nito
People photo created by pch.vector – www.freepik.com
Ayon naman sa pediatrician na si Dr. Jenny Radesky, hindi naman ang mga mobile devices o gadgets ang problema. Ito ay kung paano natin sila gamitin.
Payo niya, hindi naman masamang gumamit ng mga ito. Basta kung ito ay gagamitin bilang paraan para turuan ang isang bata o gamitin bilang isang teaching tool. Tulad ng isang libro na gagamitin ng ating anak kasama tayo na ginagabayan at inaalalayan siya.
“Kids can start to learn language from media, if they’re watching with a parent who then uses the media as a teaching tool. Help the child apply it to the rest of the world around them — the way parents often do with a book.”
Ito ang pahayag naman ni Dr. Radesky. Dagdag pa niya, mahalaga na hindi ma-delay ang speech development ng isang bata. Dahil ito ay maaring makaapekto sa kung paano niya i-express ang kaniyang sarili. Ang resulta ay napu-frustrate sila at nagwawala sa mga oras na may gusto silang sabihin pero hindi nila magawa.
Maliban dito, ang early language delays ay maari ring makaapekto sa kaniya ng pangmatagalan. Ito ay iniiugnay sa pagkakaroon ng academic problems at maaring maging dahilan pa para hindi siya makatapos ng highschool. Ito ay ayon parin kay Dr. Radesky.
Source: