Isang bagong eksperimento ang nagpakita ng masamang epekto ng vape sa katawan ng tao kumpara sa pagyoyosi. Ang experiment ay isinagawa sa pamamagitan ng mga cotton wool na inilagay sa loob ng isang transparent jar na inexposed sa usok mula sa sigarilyo, e-cigarette at normal air.
Ang resulta ng eksperimento sa jar na naexposed sa usok ng 320 na sigarilyo ay nakakatakot. Mula sa kulay puti na cotton wools ay nagkulay itim ang mga ito na tila naging malagkit pa. Samantalang, may kokonting mist lang naman ang makikita mula sa jar na na-expose sa e-cigarette vapor.
Kuha habang ginagawa ang eksperimento na kung saan naieexpose sa usok ng sigarilyo at vapor ng e-cigarette ang mga cotton wools sa loob ng isang jar. Photo: Daily Mail
Ayon sa Public Health England o PHE na nagsagawa ng naturang experimento, ito daw ay indikasyon na mas mabuting gamitin ang mga e-cigarettes kumpara sa paninigarilyo ng tobacco.
Taliwas diumano ang resulta ng naturang eksperimento sa maling paniniwala ng 44% ng mga smokers na magkatulad ang epekto ng sigarilyo at e-cigarette sa katawan ng tao.
Ayon kay Prof. John Newton ng PHE, ang eksperimento ay kanilang ginawa upang hikayatin ang mga smokers na subukan o ihinto na ang paninigarilyo. Sa pamamagitan ng mga alternatibong paraan tulad ng e-cigarettes o pag-nguya ng patches o gum.
Epekto ng sigarilyo vs epekto ng e-cigarettes sa kalusugan
Ayon naman sa mga eksperto, mas mababa nga raw ang tiyansa ng pagkakaroon ng lung cancer sa mga gumagamit ng e-cigarettes bagamat mayroon parin daw itong peligrong maidudulot sa kalusugan ng tao. Dahil ito sa liquid form ng nicotine na tinataglay rin ng e-cigarettes na kapag naiinitan ay nagiging usok na iniinhale ng mga gumagamit nito.
Ang naging resulta ng eksperimento na kung saan ang mga cotton wools mula sa jar na naexpose sa usok ng sigarilo ay nangitim samantalang ang mga cotton wools na naexpose sa vapor ng e-cigarettes ay tila walang pagbabago. Photo: Daily Mail
At hindi gaya ng sigarilyo, ang mga e-cigarettes ay hindi nagpro-produce ng tar at carbon monoxide. Ngunit tulad naman ng sigarilyo, ang vapor mula sa e-cigarettes ay nagtataglay rin ng mga harmful chemicals na mas mababa nga lamang kumpara sa makikita sa usok ng sigarilyo.
May ilang health experts rin ang sang-ayon na mas ligtas ang paggamit ng mga device tulad ng e-cigaretters kumpara sa paninigarilyo ng tobacco. Ang mga gadgets nga tulad ng e-cigarette ay nakatulong sa 22,000 out of 3 million smokers sa Britain na tumigil sa paninigarilyo nitong nakaraang taon ng 2018.
Sa pananaw naman ni Dr.Lion Shabab, isang smoking cessation academic sa University College London, ang maling paniniwala na kasing sama ng epekto ng sigarilyo ang epekto ng vape o e-cigarette sa katawan ng tao ang pumipigil sa mga libo-libong smokers na subukan ito at tuluyang itigil ang paninigarilyo.
Masamang epekto ng vape sa katawan
Ngunit para kay Professor Martin Mckee ng London School of Hygiene and Tropical Medicine, may mga “growing concerns” sa peligrong maaring maidulot ng paggamit ng e-cigarette sa kalusugan ng isang tao. Tulad ng pagkakaroon ng heart disease kaya naman hindi ito ligtas na paraan o alternatibo sa pagtigil sa paninigarilyo.
Sinuportahan ito ng isang pag-aaral na inilathala noong Hunyo na kung saan sinabi rito na ang mga flavorings mula sa e-cigarettes ay maaring makadamage sa blood vessels at makapagdulot rin ng heart disease.
Dahil ito sa mga chemicals na nagbibigay pampalasa sa usok nito na maaring magdulot din ng pamamaga o inflammation sa cells sa arteries, veins at sa puso. Ang mga chemicals rin na ito ay nagiging dahilan upang mag-react ang katawan at magpakita ng early signs ng heart disease, heart attack o stroke. Ito ay ayon naman sa isang pag-aaral ng Boston University.
Image from Freepik
May iba pang mga pag-aaral na nagsabing ang paggamit ng e-cigarettes ay maaring magdulot din ng DNA mutations na maaring mauwi sa cancer at magbigay daan sa mga pneumonia-causing bacteria na mas kumapit sa baga o lungs ng mas mabilis.
Tulad rin ng naging resulta sa pag-aaral ng mga scientist mula sa Queen Mary University sa London, nalaman nila na tulad ng mga naninigarilyo ay mabilis ding makakakuha ng pneumonia virus ang mga vape users. Ang vapor mula sa e-cigarette ang tumutulong sa mga bacteria na dumikit sa mga airways at magdulot ng sakit na ito.
Ayon naman sa mga researchers mula sa New York University, ang e-cigarette vapor ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng healthy human bladder at lung cells. Dahil ito sa nalaman nila na nagmumutate ang mga cells at nagiging cancerous ng mas mabilis pag naiexposed sa vapor mula sa e-cigarette.
Samantala, maliban sa side effects nito sa kalusugan ng isang tao ay may isa pang safety concern ang may kaugnayan sa e-cigarette. Ito ay ang maling paggamit dito na maaring magdulot ng kapahamakan sa gumagamit nito.
Sa ngayon nga ang e-cigarettes ay ginagamit na ng milyon-milyong tao sa mundo mula ng lumabas ito sa Chinese market noong 2004. Noong 2016 nga ay naitalang 3.2% ng mga adults sa United States ang gumagamit nito. Tumaas naman ang porsyento ng mga kabataan gumagamit nito sa US ng 900% mula 2011 to 2015.
Dahil dito ay naglabas ng rules ang US Food and Drug Administration sa pagbebenta, pagmamarket at production ng e-cigarettes. Dahil ito sa maling gamit ng e-cigarette na dapat ay isang alternatibong paraan para maitigil ang paninigarilyo at hindi para gawing bisyo ng tulad ng pinapakita ng napakabilis na pagtaas ng paggamit nito sa mga kabataan.
Ayon naman sa World Health Organization, napakaimposible pang magbigay ng mga figures o patunay kung gaano kaligtas ang e-cigaretes lalo pa’t napakaaga pa para malaman ang long term effects nito sa kalusugan ng isang tao.
Sources: NHS, Daily Mail, Medical News Today
Basahin: The effects of smoking and passive smoking on children
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!