Child actor, kinikikilan dahil sa mga nude photos

Narito ang mga tips para maiwasang maging biktima ang iyong anak ng masasamang loob sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masamang epekto ng social media sa mga estudyante ininda ng isang child actor sa loob ng apat na taon. Child actor nagawang takutin at kikilan ng pera ng taong nakikila niya lang online.

Image screenshot from ABS-CBN News video

Child actor na tinakot at kinikilan online

Ayon sa kwento ng ina ng child actor na itinago sa pangalan na “Alan”, 12 years old daw ang anak ng magkaroon ito ng girlfriend na nakilala niya online. Dahil may relasyon bagamat hindi pa man nagkikita ng personal, nagkamali daw ang anak na magpadala ng hubad na larawan nito sa kaniyang girlfriend.

Matapos maipadala ang larawan, bigla nalang daw nag-message ang isang Leovii Reyes. Ang pakilala ni Reyes siya daw ang boyfriend ng itinuturing na girlfriend ni Alan online. At kung hindi siya magbibigay ng pera ay ipapakalat niya ang mga hubad na larawan na pinadala nito.

Dahil sa takot ay nagbigay daw ng pera si Alan kay Leovii Reyes. Ngunit, ito ay naulit ng naulit at tumagal pa sa loob ng apat na taon.

Sa kabuuan ay inabot na raw ng P250,000 ang pera at presyo ng damit na ibinibigay ni Alan kay Reyes buwan-buwan.

Nang wala na daw maibigay si Alan na pera, pakikipagtalik nalang daw ang hinihingi nitong kapalit. Dito na daw nagdesisyon si Alan na magsalita at isumbong sa awtoridad ang mapang-abusong si Reyes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng kaniyang magulang

Labis na ikinalungkot at ikinagalit ng ina ni Alan ang nangyari sa anak. Dahil dito ay natuto daw gumawa ng mali ang anak maibigay lang ang mga gusto ni Reyes.

“Tinuturuan niya magnakaw anak ko sa bahay namin. Tinuturuan niya magsinunaling. Uutusan niyang kunin mo yung gamit ng Daddy mo, ng Mommy mo”, pagkukwento ng ina ni Alan.

Naisip pa nga daw ng anak na mag-suicide dahil sa depresyon at takot na idinulot ng panggigipit ni Reyes sa kaniya.

Kaya naman sa tulong ng NBI Bulacan ay napagdesisyunan nilang ipahuli na si Reyes sa pamamagitan ng isang entrapment operation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghuli sa suspek

Sa isang restaurant sa Bulacan ay nakipagsundo si Reyes kay Alan na makikipagkita kapalit ng P50,000 na hinihingi nito at isang pares ng sapatos.

Nang mag-abutan na ng pera at sapatos si Alan at Reyes sa labas  ng restaurant, doon na dinakip si Reyes ng NBI.

Umamin naman si Reyes sa nagawang krimen. Paliwanag niya, nagawa niya lang daw iyon dahil kailangan niya ng pera. Nai-stroke daw ang tatay niya, habang ang nanay niya naman ay may breast cancer. Sana daw ay matanggap ni Alan at ng kaniyang pamilya ang paghingi niya ng tawad.

Pero nanindigan ang ina ni Alan na dapat pagbayaran ni Reyes ang naging epekto ng pananakot nito sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kahit naman makulong siya, pero yung anak habangbuhay niyang dadalhin yun”, pahayag ng ina ni Alan.

Sa ngayon ay nakakulong si Reyes sa kasong child abuse at rubbery extortion. At sa imbestigasyon ng mga pulis lumalabas na ang girlfriend ni Alan na pinadalhan niya ng hubad na litrato at si Reyes ay iisa lang.

Kaya naman patuloy na nagiimbestiga ang NBI dahil baka may iba pa daw na nabiktima si Reyes.

Paalala sa mga bata

Dahil sa nangyari ay may paalala ang NBI para makaiwas sa masamang epekto ng social media ang mga estudyante. Una ay huwag basta magtitiwala sa mga taong nakikilala online. At mag-ingat sa pagpapadala ng mga litrato.

“Hindi 24/7 nakabantay ang mga magulang. So mag-iingat sila sa mga kinukunan nila at pinapadalang litrato.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni NBI Acting Executive Officer Alejandro Rivera Jr.

Sa ngayon ang child actor na si Alan ay 16-anyos na. Kinailangan niyang huminto muna sa pag-aartista para dumaan sa counseling dahil sa pinagdaanan niyang pang-aabuso gawa ng iresponsable niyang paggamit ng social media.

5 Tips para makaiwas sa masamang epekto ng social media ang mga estudyante

Para naman makaiwas sa masamang epekto ng social media ang mga estudyante mong anak ay may ilang bagay kang dapat gawin at ipaalala sa kanila.

Bagamat nakakatulong ang social media na maging connected sila sa kanilang mga kaibigan, kaklase o kapamilya, ipaliwanag sa kanila na ito rin ay maaaring magdulot rin ng kapahamakan sa kanila. Dahil ito ay maaring maging ugat ng cyberbullying o kaya naman ay maari silang maging target ng mga masasamang loob at magawan ng krimen.

Maari ding maapektuhan ng sobrang paggamit ng social media ang kanilang pag-aaral. Pati narin ang pakikihalubilo sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para maiwasan ito ay mahalagang ipaalala sa kanila ang mga sumusunod:

1. Maging “nice” o mabait sa mga nakakausap nila.

Ipaintindi sa anak na ang pakikipag-usap sa social media ay dapat maging magalang at may respeto. Kaya naman sa oras na may na-encounter sila na binastos o pinagsabihan sila ng hindi maganda ay agad na sabihin sayo. Lalo na kung ang mga mensahe ay nanghaharass o tinatakot na sila.

2. Magdalawang-isip muna bago pindutin ang “enter”.

Ipaalala sa anak na ang mga larawan, impormasyon o mga salitang kanilang ipopost sa social media ay maaring gamitin laban sa kanila. Tulad nalang ng pagpopost ng lokasyon kung nasaan sila, dahil ito ay maaring maging clue sa masasamang loob sa kung saan sila maaring puntahan at gawan ng hindi kanais-nais.

Dapat ding ipaalala sa kanila na ang pagpapadala ng kanilang pribadong larawan ay maaring magdulot ng masamang epekto sa kanila. Dahil ito ay maaring gamitin ng masamang loob bilang panakot at pamalit sa mga gusto nilang makuha. O kaya naman ito ay maaring makaapekto sa kanila, hindi man ngayon ngunit sa kinalaunang panahon kapag sila ay nagtratrabaho na,

3. Gumamit ng privacy settings.

Ipaintindi sa anak ang kahalagahan ng paggamit ng privacy settings. Ito ay para maprotektahan ang kanilang personal na impormasyon sa mga taong maaring gamitin ito sa masama. Ipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng password at kung bakit hindi ito dapat i-share sa iba.

4. Huwag makikipagkaibigan sa social media sa hindi nila kilala.

Bagamat masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng maraming kaibigan, ipaliwanag na ang social media ay hindi magandang platform ng pakikipagkaibigan sa mga hindi nila kilala. Dahil hindi nila masisiguro kung ang pagpapakilala ba sa kanila ng mga ito ay ang totoo nilang pagkatao. Hindi rin nila matutukoy kung ano ba ang tunay na intensyon nito sa pakikipagkaibigan sa kanila. Kaya basta hindi nila kilala, mabuting hayaan at huwag na nilang i-add friend pa.

5. Bigyan ng limit ang paggamit ng social media ng iyong anak.

Maliban sa pagpapaalala sa anak na maging responsable sa mga ipinopost niya sa social media. Dapat din ay ipaalala sa kanila na maging responsable rin sa paggamit nito. Hindi ito dapat abusuhin, dahil ito ay maaring magkaroon rin ng impact sa pag-aaral nila.

Kaya naman para maiwasan ito ay dapat bigyan ng limit ang paggamit ng social ng media ng anak sa bahay man o sa eskwelahan. Ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng pagcoconcentrate sa kanilang pag-aaral. Pati narin ang kagandahan ng pakikihalubilo sa iba sa totoong mundo kumpara sa online o social media lang.

Mas epektibong maipapaintindi sa kanila ang mga mensaheng ito, kung ikaw ay magiging mabuting ehemplo. Dapat sa tuwing kasama sila ay iwasan din ang paggamit ng social media o mga gadgets. At gampanan ang iyong role bilang isang magualng na kanilang makakausap at malalapitan.

Source: Kids Health , ABS-CBN News

Basahin: Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat gaanong nagshe-share sa social media