Laging sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga adolescents na magi-ingat sa kung ano ang ipo-post nila online, na ito’y andyan na habang-buhay at ide-define sila nito kapag naging adult na sila. Marahil nakikita nga natin ang mga negatibong epekto nito sa publiko dahil ang publiko ay pwedeng maging madumi at mapanghusga. Pero paano kung ang impormasyon na pinost ay noong musmos ka pa lamang na walang kamuwang-muwang tungkol sa social media?
“SHARENTING”
Ang mga “sharenting” parents o mga magulang na nagshe-share ng mga istorya o kwento ng kanilang mga anak at litrato sa social media sa simula pa lamang ng kanila sonograms at dinu-dokumento ang lahat ng kanilang mga trials at tribulations ay nasa mga balita na nga lately, sa mga dyaryo at magasin, kahit nga sa legal journals.
Isang law Professor sa University of Florida na si Stacey Steinberg ay naglathala lamang ng isang artikulo tungkol sa tensyon sa pagitan ng legal rights ng mga magulang bilang guardians at right to privacy ng mga bata o anak. Walang madaling kasagutan patungkol dito, pero maraming magandang rason kung bakit kailangan mas maging maingat sa pagshe-share ng buhay ng iyong anak online. Malinaw naman na maraming isyu ng kaligtasan, tulad na nga lamang kapag ang isang bagay ay nailagay na online ay magiging available na ito sa iba na marahil walang magandang intensyon. At syempre ang isyu na ang mga posts na ito ay maaaring kaakibat buong buhay ng iyong anak—sa eskwelahan na kung saan maaaring makita ito ng kanilang mga kaibigan at marahil gamitin ito sa kanila upang sila’y asarin o i-bully, at marahil dalhin hanggang adulthood na pwedeng magkaroon ng repercussions sa kanilang edukasyon at propesyonal na mga oportunidad.
Mayroon pang isang rason kung bakit kailangang maging maingat tayo sa paglikha ng online identity para sa iyong anak at iyon ang tanong na kung kaninong identity nga ba ito? Sa bagong libro nga ni Stacey Steinberg na Family Narratives and the Development of an Autobiographical Self, inilarawan niya ang pananaliksik tungkol sa Family Narratives Lab at marami pang ibang research institutes na dinu-dokument ang mga positibong epekto ng pagshe-share ng mga magulang ng mga family stories sa kanilang mga anak. Ang mga magulang nga raw na kinakausap ang kanilang mga preschoolers tungkol sa kanilang mga nakaraan na elaborative at emotionally engaged na pamamaraan ay makakatulong sa kanilang mga anak na mag-develop ng magandang memory skills, literacy skills, at emotional understanding at regulation, at syempre mas differentiated sense of self at mas mataas na self-esteem. Kapag nag-share nga raw di-umano ng nakaraan sa mga anak, tinutulungan natin silang maintindihan ang kanilang mga naging karanasan at ito rin ay nakakatulong sa kanila upang isipin ang kanilang mga sarili at ang iba sa mas complex na paraan upang ma-build din ang kanilang empathy at sense of fairness. Ang sabay na pag-alala sa nakaraan ng magkasama ay nagbi-build din ng shared history na nagbo-bond sa magulang at anak emotionally at makakatulong ito sa mga anak na maramdaman nilang anchored at secure sila pagdumating ang araw na i-explore nilang mag-isa kung ano nga ba ang nasa labas ng inyong mga tahanan at mas kumplikado at magulong mundo.
PROS AT CONS SA PAGPO-POST TUNGKOL SA MGA ANAK SA SOCIAL MEDIA
Bilang isang magulang, na-konsider mo na ba ang mga pros at cons sa pagpo-post tungkol sa inyong mga anak sa social media?
ANG PROS
- Ang social media ay nagpo-provide ng isang magandang paraan upang madali mong ma-update ang iyong mga kaibigan at pamilya.
- Ayon sa Pew Research, ang social media ay nago-offer ng isang support forum. 45 na porsyento ng mga inang gumagamit ng social media ay nakakatanggap di-umano ng mga parenting advice at suporta gamit ang social media.
ANG CONS
- Maraming nakakakita ng iyong mga posts hindi mo lang ito nare-realize. Ang mga parents ay typical daw na umaabot ng 150 Facebook friends, pero 1/3 lang nila ang kanilang actual friends.
- Ang iyong anak o mga anak ay marahil mag-react ng negatibo patungkol sa inyong mga posts. I-consider mo rin ang mga epekto ng iyong posts sa future ng inyong mga anak. Maa-appreciate kaya ng anak mo yung post mo tungkol sa kanya noong dalawang taong gulang siya tapos nasa bathtub siya kung nasa high school na siya—mga ganung bagay.
- Ang mga pamilya niyo at kaibigan ay marahil mayroon mga iba’t-ibang reaksiyon patungkol sa mga social media decisions mo.
Regardless kung anong communication method ang gamitin mo sa pagpapadala ng updates sa inyong mga pamilya o kaibigan, maganda pa rin kung magiging malinaw ka sa pag-set ng policies tungkol sa presensya ng iyong anak sa digital na mundong ito.
Source: Psychology Today, Carolina Parent
Basahin: 5 paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!