Isang tatay mula Malaysia ang nagbabala sa pagsasama ng mga pribadong detalye sa posts sa social media. Ito ay matapos muntik nang makidnap ang kanyang anak sa paaralan. Isa ito sa mga panganib at epekto ng social media sa bata at kanyang kaligtasan. Alamin natin ang kwento ng ama at kung papaano ito maiiwasang mangyari.
Muntik na ma-kidnap
Sa kwento ni Ihsan Zainal sa kanyang Facebook post, pasundo ang kanyang asawa ang kanilang anak nang malaman ang kwento mula sa isang guro sa paaralan ng bata.
Uwian na ng mga mag-aaral nang may isang hindi nakilalang tao ang tumatawag sa kanyang anak. Maayos raw ang bihis nito at tinatawag ang bata sa panggalan nito para lumapit.
Sa kabutihang palad ay nakita ito ng guro ng bata ang pangyayari. Agad-agad ay napansin ng guro na hindi magulang ng bata ang tumatawag sa kanya. Buti nalang ay dati nang nag-aral sa parehong paaralan ang isa pa nilang anak kaya kilala sila ng nasabing guro.
Agad tinawag ng guro ang pansin ng hindi kilalang tao at sinabihan ang bata na huwag sumama dito. Bigla naman nagmaang-maangan ng tao at nagsabi na mali ang napuntahan niyang paaralan. Dito ay mabilis na itong umalis.
Pina-alam agad ng guro ang pangyayar sa principal ng paaralan.
Responsibilidad ng guro
Laking pasasalamat ni Ihsan sa guro na nakapagligtas sa kanyang anak mula sa tangkang pag-kidnap. Ayon sa kanya ay makikita dito na hindi lamang sa loob ng silid-aralan ang responsibilidad ng mga guro. Isa itong halimbawa kung saan makikita na mabigat ang responsibilidad ng guro.
Ganunpaman, nagbabala parin si Ihsan sa mga detalyeng ibinabahagi sa social media. Kanyang ipinayo na iwasan ang pagbahagi ng panggalan ng bata at ng paaralan nito sa social media. Maaari itong gamitin ng mga masasamang loob para mapalagay ang mga tao sa kapaligiran.
Tips para hindi ma-kidnap ang anak
Para maiwasan na ma-kidnap ang anak, may mga maaaring gawin ang mga magulang.
Magkaroon ng code word
Sa mga oras na hindi ibang tao ang susundo sa iyong anak bukod sa naka-talagang sumundo sa kanya, makakabuti ang may code word kayo. Dapat maibigay ng sumusundo ang code word para sumama ang bata.
Huwag ilagay ang panggalan ng bata sa kanyang mga kagamitan
Isa itong madaling paraan para makuha ng mga masasamang loob ang panggalan ng iyong anak.
Ituro sa bata na kahit sino ay maaaring kidnapper
Turuan ang mga bata na hindi agad mukhang masama ang mga kidnapper. Maaari silang magmukhang disente at katiwa-tiwala. Ganunpaman, dapat silang mag-ingat sa mga hindi kilala na humihingi ng tulong. Kung sakali man na kailangan ng tulong ng isang matanda, hindi tama na sa bata sila humingi ng tulong.
Ang pagiging ligtas ay masmahalaga kumpara sa pagiging magalang
Maganda ang maging magalang, subalit hindi parin dapat ito mangibabaw sa kaligtasan. Ituro sa bata na kung may masama silang kutob, hindi mo sila kakagalitan kung lumayo nalang sila at hindi pansinin ang kumakausap.
Gumamit ng mga salita imbes na sumigaw lamang
Ituro sa bata na gamitin ang mga salita kapag kailangan ng tulong. Para hindi mapagkamalan na nagta-tantrums lamang, mabuting sumigaw ng “Tulong! Hindi ko tatay ito!”
Basahin din: 2 bata, muntik nang maging biktima ng mga kidnapper
Sources: AsiaOne, Facebook, Tips on Life And Love